Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
1.1k · Aug 2017
Mahal ko, aalis na ako...
myONE Aug 2017
Pinipigilan ako ng pagprotekta sa'yo
Na lambingin ka tuwing maaalala kita
Gusto kitang kausapin sa tuwing namimiss kita
Pero hindi ko pwedeng gawin dahil baka awayin ka n'ya

Tinuturuan kitang kalimutan ako
Paunti-unti at nasasaktan ako
Pero paunti-unti 'ring nadudurog ang puso ko
Tuwing ginagawa kong tanggalin ako sa sistema mo

Gusto kong makalimutan mo ako
At lumayo sa'yo ng di mo nalalaman
Umalis ng walang paalam
Kahit masakit, 'pag talagang kailangan

Isipin ka sa buong magdamag
Ang tanging pwede kong gawin
Dahil hindi kita maaaring lambingin
At sabi ng konsensya ko'y huwag

Aalis ako mahal sa panahong hindi mo iisiping mawawala na ako
Sa panahong masaya ka at maayos ka
Aalis akong hindi nagpapaalam
At hindi mo nalalaman

Masanay ka ng hindi ako dumarating
Sa ating tagpuan, sa ating pinag-usapan
Hindi mo na ako dapat hintayin
Sapagkat ako nama'y aalis din

Kapag hindi na ako sumisipot
Sa tagpuang sa akin ay ipinaabot
Masanay ka na mahal
Baka saglit na lang at 'di na magtagal

Dahil ang labis na pagmamahal ko sayo'y bawal
Kahit gusto kong makasama ka ng napakatagal
Lahat ng alaala **** meron ako
Ang laging nasa puso't isip ko
'Pag nalagot na ang hininga ko
Doon magtatapos ang lahat ng ito.
082917
miss na kita mahal
pero kailangan kong magpaalam
481 · Sep 2017
mga bato sa dalampasigan
myONE Sep 2017
sa bawat araw at gabi na pamamalagi ko sa mundong ibabaw
ikaw ang aking nasa puso at isipan
pagmamahal ko'y hindi matutunaw
katulad ng mga bato sa dalampasigan
hampasin man ng malakas na alon
nananatili pa ring nakasabog sa gilid ng karagatan
parang ako lang 'yan
kahit iyong pinagtutulakan, mananatili na buo at matatag
ang pag-ibig na nararamdaman
0726
09/22/2017
402 · Aug 2017
IKAW MAHAL...
myONE Aug 2017
Sa bawat pagsikat ng araw
Ikaw ang aking gabay at sandigan
Maging sa paglubog nya sa hapon
Sa kabundukan, ikaw ang aking tanglaw
Sa gabing kay panglaw
Sa gitna ng dilim
Ikaw mahal ang aking ilaw
Mahal kita at pakamamahalin habang ako'y nabubuhay.
Mananatili ka sa aking puso at isipan
Nakatatak sa balat ko
At nagpapaalala na ikaw ay aking minahal ng tunay

- your ONE
08/25/2017
0637
myONE Aug 2017
Kung lalayo ka
at iiwan mo lang ako
Mananatili ka sa aking alaala
Na ikaw ang lang ang babaeng bumuhay ng aking katawang lupa
At nagbigay sigla sa malamlam kong pagsinta
Nagbigay ligaya sa matamlay kong buhay
At sa paglisan mo
Ikaw din ang magbibigay sa'kin
Ng kalungkutang hindi ko makakaya...

-myonlyONE
08/25/2017
0655
249 · Aug 2017
OK LAHAM
myONE Aug 2017
Madaling mahalin ang gaya mo
At ang buong ako ay ibinigay ko sa'yo
Hangal ang tawag sa isang gaya ko
Alipin ako ng pagmamahal mo
Ligaya ka lagi sa puso ko

Kung pwede nga lang sana mahal
O baka hindi talaga magtatagal...
082917
183 · Sep 2017
Sana mahal...
myONE Sep 2017
Maging mahirap man sa'tin bumagay ang panahon at pagkakataon
Ikaw pa din ang nasa isip at puso ko
Maging mainit o malamig ang gabi
Sana ay manatili 'yung pagmamahal na napaparamdam mo sa'kin
Dahil mananatili ako na ikaw lang ang aking iibigin.
9/11/2017
14:11
152 · Dec 2017
Untitled
myONE Dec 2017
Ang nais ko sa pagmulat ng iyong mga mata ngayong umaga,
Ika'y aking mapasaya at mapangite
sa isang simpleng mensahe na mahal na mahal kita.
12052017
0406AM
152 · Aug 2017
Talaba
myONE Aug 2017
Pag-ibig ko sayo'y parang talaba
Na pilit pa ring kumakapit
At pakamamahalin kita
Sa kung anong alam kong paraan
At aking kakayahan
082517
1323

— The End —