Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
kahel Sep 2021
i do not know anything about life,
i thought i knew everything about life,
not until i met you,
now i cannot stop writing a book;
our very own book,
about everything, about us,
about you— the love of my life
now, you’ll be my co-author
kahel Sep 2021
You are my water,
overwhelmingly enough to drown me,
gently enough to cleanse me,
genuinely enough to save me,
You are enough.
For you, A. Everything~
kahel Sep 2021
siguro, pinagtagpo tayo para lamang bigyan ng buhay ang buhay.

kahit saglit, kahit may naghihintay na kapalit—

sa saya, sa lungkot, at sa piling mo.
palitan ng pagmamahal
mga puso’y napagal
mga oras na bumagal
mga galit na natanggal
at tayo na hindi tumagal
kahel Sep 2021
sumusulat sa’yo simula nang ‘yong pagdating

sumusulat sa’yo hanggang sa ‘yong paglisan

sumusulat sa’yo sa pagitan ng lupa’t kalangitan

sumusulat sa’yo  kakabit na ng ‘yong pag-ibig; ang tinta sa aking mumunting libro ng mga pangako.

‘balik ka na’—sigaw ng bawat letra.
hanggang mapaos
hanggang malaos
hanggang maubos
susulatan ka, oh aking minahal nang lubos~
kahel Sep 2021
ang makasama ka
hanggang sa paglubog ng araw.

ang makasama ka
hanggang ang mga mata’y kasing liwanag na ng mga bituin.

ang makasama ka
hanggang ang mga katanungan ay maging kasiguraduhan.
habang hawak ng kaliwa ang ‘yong kanan na kamay at may panakaw na halik sa noo~
kahel Sep 2021
uno
palagi na lamang huli sa balita
kaya kapag may nalaman
ay wala na akong magawa
kung hindi tanggapin na lamang
ang katotohanang sinisiyasat

palagi na lang akong huli sa kahit anong larangan
laging nauunahan at pinapangunahan
kailan kaya matatauhan

kailan kaya ako uunahin?
kahel Jul 2021
ang inialay ay lubos
patuloy lang ibubuhos
hanggang puso’y mapaos
hanggang sa maupos
hanggang sa maubos
kailan nga ba 'to matatapos
Next page