Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Reign Jul 4
sa bawat araw na nagdaan
at dumadaan ay hindi man lang maramdaman.

bawat buhos ng ulan
o silakbo ng init ng araw sa balat.
walang ibang maramdaman,
kundi ang pakiramdamโ€” na hindi pa rin kita nakakalimutan.

ilang buwan at taon na ang natapos
ilang mga estranghero na rin ang nakilala
ilang bangka na rin ang nasakyan
at dagat na nadaanan.

naghahanap ng lugar
kung saan, wala ni isang magpapaalala
ng ating mga ala-ala.
nagpatuloy ako sa paghahanap ng lugar at paglalakwatsa

ngunitโ€” heto na naman ako.
namasdan na lang ang sarili
na pabalik sa'yo,
pabalik dako kung saan tayo unang nagkatagpo.

uuwi rin pala ako sa'yo.
sa'yo pa rin pala ang balik ko.
sa tagal ng paglalakbay ko sa mundo
ikaw lang pala ang lugar na hinahanap ko.
Reign Jul 4
i wanna grow, not with you, not with anyone elseโ€” but myself.

it's odd to say these,
but I'm not a flower
who bloom with a help of a human,
neither a kind of plant.

i don't think I need a special someone
nor a romantic relationship
just for me to grow, and bloom.
in its time.

maybe no man is an island.
but isn't it fun to be alone?
not sometimes.
but most of the time at least for me.

where you aim your own success
because of yourself
not because of others,
not because of anyone.

loving someone, and being with someone
is not a race
it's not a competition
it's a choice.

don't let other people
to just demand your choices in life.

not everybody need to grow with someone. a lot of people havr grown and bloomed on their own and that's not being selfish that's loving and caring about themselves.

in this case I don't need someone i'm choosing myselfโ€” i'm choosing me everyday I will.
Reign Mar 31
sa bawat pagpikit sumisilip pagtitig sa dilim, unti-unting sumisikip ang dibdib mga luhang handa na sa pagpatak, at halo halong katanungan ang nakapila sa isipan.

katahimikan, ang tahimik ng paligid wala kang maririnig kundi hikbi ng isang dalagang nakahiga at nakasubsob sa kanyang higaan. unang tanong na bigla nalang sumagi sa isipan, '๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ฌ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ?'

kadiliman, ang kanyang tanging nasusulyapan na kahit sindihan ang ilaw ay dilim pa rin ang makikita sa paligid ng silid. pangalawang tanong na sumagi sa isipan, '๐˜ต๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜จ๐˜ด๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต๐˜ข?'

kalungkutan, ang nararamdaman nasasaktan at unti-unting nabubuo na naman ang pader na matagal nang binuo ngunit hinayaang masira ng ibang tao. pangatlo at hinihiling na huling tanong na sasagi sa isipan, '๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฃ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ข'๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ข?'

napatigil sa paghikbi at dahan-dahang umupo sa pagkahiga at mabilis na pinunasan ang mga bakas ng luha napatitig sa kawalan at naisip na wala sakanya ang kasagutan sa una at pangalawa. mahinang sambit ng dalaga, '๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜จ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฐ, ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ.'
#tagalogpoetry #tula
Reign Mar 7
tila hindi ko inasahan at nabigla na lamang na ikaw na ang hinahanap-hanap, tala kung titignan ang hirap **** abutin ngunit susubukan pa ring kuninโ€” at uulit ulitin ang bawat salitang sinasambit sa'yo na, "gusto kita."

tala kung iisipin isa ka sa mga bituing nawalan ng ningning dahil minsan ka na rin sinubukang kuhanin, iwanan at ipagpalit sa ibang bituin na mas mabilis makasama at abutin.

tila ang isip ko'y lumilipad at sumasabay sa ihip ng hangin, iniisip ko kung paano ka magiging akin. tala sana bigyan ng pansin, at dinggin ang aking hiling na ika'y mapasa'kinโ€” ngunit kung hindi mo pa ulit kayang magningning ika'y hihintayin, at tatanungin, kapag handa ka nang sagutin ang mga katagang "handa ka na bang sumubok muli?"

at sabay tayong pupunta sa destinasyong kinikilala ang isa't-isa, susubukan nating umabot sa dulo at bibigkasin natin nang sabay ang dalawang salita, "mahal kita."

"๐š๐š’๐š•๐šŠ ๐š๐šŠ๐š•๐šŠ, ๐š•๐šŠ๐š๐š’ ๐šŠ๐š”๐š˜๐š—๐š ๐š‘๐šŠ๐š—๐š๐šŠ ๐š”๐šŠ๐š—๐š ๐š™๐šŠ๐š—๐š’๐š—๐š๐š—๐š’๐š—๐š๐š’๐š— ๐š‹๐šŠ๐šœ๐š๐šŠ'๐š ๐šœ๐šŠ๐š‹๐š’๐š‘๐š’๐š— ๐š–๐š˜ ๐š•๐šŠ๐š–๐šŠ๐š—๐š ๐šœ๐šŠ'๐š”๐š’๐š—."
Reign Mar 7
Nabubuhay ako sa inggit, nagsasawa na ako sa gantong proseso ng buhay ko. Ayokong mabuhay na puro inggit sa ibang tao, ayoko mabuhay na hindi ko alam paano magpakatotoo, ayoko nang ganto na hindi ko nasasabi yung nais kong sabihin sa buong mundo, pero paano?

Kailangan ko ng tulong, aminado ako. Pero pagtatawanan lang nila ako at kukutyain, sasabihing may sira ako sa ulo at hindi ko na kailangan ng ibang tao para tulungan ang sarili ko. Pagod na akong manahimik ngunit hindi ko pa rin kayang magsalita para sakin, nakakainggit. Nakakainggit yung ibang taong kayang kaya magsalita para sa mga sarili nila, konting isip at pilit sa sarili na magsalita at ilabas ang saloobin nila nagagawa nila.

Kahit anong pilit ko sa sarili kong lumaban at magsalita para sa sarili ko at kahit ilang beses pang sabihin sa'kin ng ibang tao paulit-ulit nang paulit-ulit, hindi ko kaya. Hindi ko kayang tumayo para sa sarili ko ang hina hina ko nakakahiya nagagawa kong tumawa at magsalita ng diretso sa ibang tao gamit ang mga salitang puro walang kwenta at walang kwento pero hindi ko kayang magsalita ng diretso kapag may halo ng katotohanan at kwento.

Gusto kong magkwento, gusto kong magsalita, gusto kong sumigaw, gusto ko ako naman pakinggan ng sarili ko, gusto kong magalit ng todo, gusto kong sumaya kahit papaano.

Gusto kong ikwento sa isang tao o kahit sa buong mundo kung gaano ko gustong magsalita at isigaw yung mga nararamdaman ko. Gusto kong pakinggan ng emosyon ko ang nasa isip ko na tama na ang pagiging duwag tumayo ka at magsalita para sa sarili mo ngunit hindi ko kayang magalit ng todo at hindi ko alam, hindi ko na alam kung kailan ako sasaya kahit papaano.

Naiinggit ako, pero ayoko ng ganito ayokong mainggit sa ibang tao ayoko parang awa niyo na tulungan niyo ako.
Reign Feb 25
i was looking for a good poem, suddenly one caught my attentionโ€” a poem about love, a different kind of content, a not so clichรจ definition of itself. i'm tired of hearing to some other people, that love is ineffable; on the other hand maybe it is but what is that strong feeling we feel? is it a desire? a satisfaction? or just our wants to the other person?

the poet explained it through her poem,
                      "love is an emotion,
hence everyone's definition of it is ineffable
an intense feeling, rather deep affection.
if love for you is a feeling, then i conclude
that love is an emotion,
for the reason that
emotions is what people feel."

                     "love is a choice,
we choose who to love,
we choose to love;
we choose our decisions we make in everyday life,
it is our choice
how we make it strong our emotions will be,
toward  the person we love
it is your choice
so don't ever blame your heart  
with all the choices you make
        when you love."
Reign Jul 2019
You're the one who taught me how to love, again.
How to be strong, &
How to be fearless,
You're the one who taught me how to fly, freely.

Since the day I met you,
I can't stop praying about you,
I can't stop whailing, to Jesus
"God! He's the best thing, & person that I've ever had in my life"

It's like you're the best book,
I've ever seen.
You're the best story;
I've ever read.

You put an imaginary wings to me,
Even in our situation,
You're the guardian angel, that left me behind;
And I'm the demon who stays by your side.
Jul 2019 · 215
masaya ka ba?
Reign Jul 2019
umaga na naman,
pikit ang mga mata
pero gising na gising ang diwa
isip na pilit nagtatanong.

kung pagpapatuloy ang pagtulog
o pagpapatuloy mo na ang araw na 'to
kahit wala namang bago,
kahit wala na namang sigurado sa mga gagawin mo.

umaga na naman,
napagdesisyunan **** tumayo
sumalubong ang liwanag
pagmulat ng mga mata mo.

iniisip kaagad
ang dilim at pagsapit ng gabi
at kung paano maririnig ng mga kuliglig
ang 'yong paghikbi.

umaga na naman,
napansin ****
kanina ka pa nakatulala
at nakatayo sa harap ng pinto,

tila malalim ang nasa isip
di alam ang sagot
sa mga paano
at bakit

katahimikan,
wala kang narinig na kahit ano
nang biglang may bumulong
sa mga tenga mo;

'masaya ka ba?'
isang tanong na hindi mo masagot
nakakabingi, nakakasulasok,
at ang sabi mo

'mukha ba akong masaya sa lagay na 'to?
wala akong pinili,
pero bakit ako pa rin ang talo?'
'parusa ba 'to kasi nakasakit na naman ako?'

umaga na naman,
at alam **** wala pa ring sasagot
sa mga tanong mo,
at sa mga bakit at paano.

patuloy bumubulong sayo
ang mga katagang
ayaw **** naririnig ng tenga mo
'masaya ka ba?' tanong ng sarili mo.
Jul 2019 · 97
she's the good in my bad
Reign Jul 2019
Loving a person who's same gender as you, isn't easy. You'll go through rocks and cottons, light to darkness somedays saying goodbye without thinking how you both started. Nonetheless you'd start all over again without promising but start working prior to where you both lack the most.

She's an ocean, a blue deep person who can appreciate simple things, and simple events. She may never pay attention to what she have is perfect in my eyes, my heart's throbbing in fastened motion everytime we talked, and everytime I see her smile.

She may never know how beautiful, soft, and sweet her voice were everytime we do phone calls and she's starting to story tell about random things I always feel secured and loved by her lovely voice; like a lullaby singing me to sleep.

Loving a person who's same gender as you, will never be easy. But I don't care if we go through rocks and cottons, light to darkness and somedays saying goodbye without thinking where we started. I'll still go home, to her hugs and kisses, to her comforts and cares.

She is where I belong, she is where I used to go home because she's the only home where I can be myself, she's the only home who can read what I think, and she's the only home where I can find peace in the battle of love and affection, to she is where I always go home.
Jul 2019 · 106
choose happiness
Reign Jul 2019
it's funny
how many people
think that happiness
will chase them.

happiness won't chase you
it's everywhere,
you won't chase happiness
you don't have to.

because it's a choice
not an option.
don't chase it,
choose it; and live with it.
Jul 2019 · 74
last poem
Reign Jul 2019
I fall harder
each and everyday
while you were there
slowly falling apart

now it all turns dark,
I withered, and stop growing
like a rotten roses
lack of shade in a hue of black&white.

you're the one who taught,
and guide me,
for me to lead
in a right pathway

and now you're gone
remembering thoughts
and promises
you broke.

it's like you tear every part
what God have made
for that's me
and my broken heart.

you made me fight alone
and be strong on my ownโ€”
this will be the last poem
for that person who made me feel home.
part two of 'deep inlove'
Jul 2019 · 91
deep inlove
Reign Jul 2019
you light me up,
I bloom, and still growing
with you like a red roses,
full of vibrance balanced with saturation.

you taught me,
and guide me
how to control pride
and stoop down low hot temper.

you even made me love
the way darkness
and lucid dreams
combined with each other.

you drape colors
in my gloomy world,
it's like you colored
what God have drawn;

I fall harder
each and everyday
you always survive
to lay me your affection.

with that,
you made me
into a better personโ€”
into a better version with you.
there's a part two of this one
Jan 2019 · 932
LOVE IS A DISEASE
Reign Jan 2019
It's cliche, I know
But love really is contagious
It's a disease
That everyone didn't know.

It can blow your mind
It can affect and change
Your skills, talents, passion,
And as well your perceptions.

I don't know how to explain
Why love is a disease,
But it's for me to know
And for you to find out.

Maybe someday,
We'll share our thoughts by thoughts
We'll talk, heart to heart
We'll continue to spread the disease of love

And by that time maybe,
Maybe we all have that kind of disease
A good disease,
A disease comes from love and positivity.
Dec 2018 · 123
you are
Reign Dec 2018
You're like an expensive book
Who wrote by an excellent authors
I can't afford you
Yet,
I can't just keep eye-ing you
I wanna buy you
I wanna hold you
I wanna read you
Even if it costs me a thousands,
Or even risk my conscience, and ego
And, I'm thinking maybe
You're worth it,
You are.
Dec 2018 · 157
treerose
Reign Dec 2018
u are the reason
of my loneliness
as well as my happiness
you're like a tree
brings positivity to my life
a tree,
who saves my everyday
even if it isn't obvious
when you're gone
by my sight
or even by my side
i'm pretty sure, in all ways, always
my energy will be negatively 100
but of course
i'll forever be positively happy
even if you're heart's still falling
to your rose
and not mine to be deserve it.
Nov 2018 · 173
Hindi lahat
Reign Nov 2018
Hindi lahat ng kaibigan **** lalaki totoo sayo
Ingat ka
Pag kaharap ka nirerespeto ka
Pag mag-isa siya pinaglilibugan ka na pala

Alam nilang mali
Pero pag nadala ng libog
At tinamaan ng nginig ang kanilang mga itlog
Wala ka nang panahon para makatakbo

Alam nila kung paano magtaas baba ng kamao
Habang tinititigan litrato mo
Pero hindi nila alam kung paano magtaas baba
Ng respeto sa lahat ng tao

Hoy! Mga kuya hindi ko na alam sainyo
Pinaglalaban niyo na hindi kayo mga manyak at siraulo
Pero bakit mga malalapit na tao sainyo
Pinagkakaisahan niyo?

Hindi pa ba sapat ang mga *****?
Sawa na ba kayo
Naghanap ng iba?
Hala sige kuya bira

Hanggang sa wala nang matira diyan sa libido mo
Ubusin mo
Sana sa pagjajakol mo
Mabaog ka na gago.
sorry for the foul words...
Nov 2018 · 334
Tahan na
Reign Nov 2018
Tahan na 'yan ang sabi mo habang magkausap tayo.
Habang umiiyak ako,
Habang sinasabi **** "ayaw ko na, may mahal na akong iba"
Habang ako umiiyak lang sa harap mo
Hindi ko alam ang sasabihin ko
Baka mautal ako
O baka di ako pumayag sa gusto mo
Na iwan na ako...
Tahan na, yan lang ang paulit-ulit na binibigkas ng labi mo
Habang umiiyak ako
Sa harap mo,
Pagkatapos **** sabihin lahat ng gusto mo
Pagkatapos **** sabihing "hindi talaga kita minahal, nagloko ako ilang beses noong meron pang tayo"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko,
Hindi ko talaga alam kung matatawa ba ako
O tutuloy nalang sa pagtulo ng mga luha ko
Habang kaharap ka
Tahan na, "aalis na ako, paalam na"
Yan ang huling narinig ko sayo
At pinakatumatak sa isip ko...
Ngayon nakatayo ako sa lugar
Kung saan saan tayo unang nagtagpo
At kung saan una kong naramdaman
Na may nagmamahal sa isang tulad ko
Na may nagpapahalaga sa isang kagaya ko
Noong nagkita tayo dito
Umiiyak rin ako
Sabi mo "tahan na, nandito lang ako"
Ngayon narinig ko nanaman sayo
Yung salitang "tahan na"
Pero may ibang karugtong na
May ibang ibig sabihin na
Ikaw yung nagpapatahan sakin
At nagpapatitigil ng mga luha ko
Ikaw yung nagsimulang magpatahan sakin
Noon hanggang tumahan ako nasa tabi lang kita
Ngayon pinatahan mo pa rin ako
Pero iniwan mo na rin ako
Sino na magsasabing tumahan ako?
Habang hindi ko na kaya
Sinong papalit sayo at papapasukin ko sa buhay ko?
At sasabihing "tahan na, hindi kita iiwan katulad ng mga taong dumaan sa buhay mo"
Oct 2018 · 205
Dilim
Reign Oct 2018
Dumadaloy nanaman sa dugo
Ang madilim na lungkot
Bumubulong sa isip
At bumibilis ang tibok ng puso

Sa bawat higpit ng damdamin
Siya ring patuloy
Na pagdaloy
Ng mga luhang walang tigil kung umagos

Nandito nanaman ako,
Kung saan sa parteng ayaw ko
Pero kailangang gustuhin ko
Kailangang gustuhin ko...

Lungkot na nadarama
Hindi ko naman nais na mahalin ka
Pero tila bakit ikaw ang nasa tabi ko sinta
Hindi ang kasiyahang hinahabol habol ko noon pa.

Siguro nga tama sila
'Wag **** hanapin ang wala
'Wag **** habulin ang wala
Kung ayaw **** matalo at ikaw lang ang matuto sa dulo.

Umaangat, bumababa
Umaabante, umaatras
Bumabalik, nawawala
Parang pag-ibig, parang dalawang tao sa isang pelikula

Parang kasiyahan at kalungkutan ko
Siguro nga ganto ang kapalaran
Kahit saan
Susundan ng kalungkutan

Kahit ayaw,
Kahit pigilan
At sabihing tama na
Pagod na ako

Mas papagurin ka pa ng mga dilim lalo
Mas lalamunin ka pa ng mga maliliit na boses galing sa isip mo
Magulo,
Magulo... parang ako
Sep 2018 · 85
OST
Reign Sep 2018
OST
Our society today,
What our society looks like now?
Is it a damsel in distress,
Looking like a mess?

Or is it a fine looking dress
Everybody wants to be bless?
So many questions
And so many interceptions

How can we save our society?
When we don't know how to fight for our poverty.
How can we save our society?
When we don't know how to speak for our rights and equity.

How can we?
Sep 2018 · 255
Puno ng Mangga
Reign Sep 2018
Aasa, kahit wala ng pag-asa
Sa paggising sa umaga
Maghahanda agad, para masilayan ka
Kahit hanggang sa ilalim lang ako ng puno ng mangga.

Iintindi, kahit wala ng maintindihan
Oo, kahit hindi na kita maintindihan
At hindi ko na alam,
Kung paano ka babalik-balikan.

Mananatili kahit hindi pinili
Dahil alam ko una palang
Simula pa lang sa pagsilay ko sayo
Sa ilalim ng puno ng mangga.

Magmamahal kahit paulit-ulit pang masaktan
Kahit paulit-ulit ko pang ulitin sa una,
At maghihintay na kasama na rin kita
Sa ilalim ng puno ng mangga.

Habang sinisilayan nating dalawa
Ang ngiti at saya
Ng puso't isip nating magkakonekta
Sa ilalim ng puno ng mangga.

Kahit hanggang panaginip ko lang madama
Ayos na,
Basta kasama kita
At nakasama kita

Sa ilalim ng puno ng mangga.
Aug 2018 · 19.4k
Upos ng Sigarilyo
Reign Aug 2018
Yung pagmamahal ko sayo,
Upos nalang ng sigarilyo
Hindi konti, hindi na buo
Hindi na buo, hindi konti
Kundi ubos na, ubos na ubos na...

Sa umpisa masaya pa,
May kilig pa,
May thrill pa,
Exciting pa.

Tinanggap ko yung lahat ng bisyo mo,
Sa pag-inom at paninigarilyo
Minsan nga sabay pa tayo
Inaabot ng umaga sa inuman sa bahay ng barkada.

Lumabas tayong dalawa,
Bumuga ka ng usok galing sa sigarilyo
Samantalang ako, bumuga ng malalim na hinga
Kahit ayaw ko sa amoy pipilitin kong gustuhin ito para sayo.

Para sayo,
Dahil kahit kailan
Hinding hindi magiging hadlang ang bisyo lang
Sa pagmamahal ko sayo.

Pero dumating na ang pinaka-kinakatakutan ko
Ang mawala na ang pagmamahal mo
Dahil nakahanap ka
Ng babaeng masasamahan ka hindi lang hanggang umaga kundi pati sa kama.

Dumating yung araw na nakita ko
Nakita mismo ng dalawang mata ko,
Na kasama mo yung babaeng naririnig ko lang noon na sinasabi sakin ng ibang tao
Maganda siya pero hindi ko pa rin tanggap

Nagtatanong ako sa sarili ko
Bakit kailangan pa ako?
Bakit kailangan habang tayo?
Bakit hindi ka nalang nakipaghiwalay sakin ng diretso?

Mas masakit pala talaga pag ginagago ka ng may kayo
Kaysa sa ikaw lang at ako.
Meron na palang ikaw at siya.

Siguro hindi pa tamang panahon
Hindi ka talaga siguro para sakin
Hindi talaga siguro tayo para sa mundo
Baka nga nagkamali talaga ako.

At ngayon masasabi ko,
Wala na talaga akong pagmamahal para sayo
Hindi na buo, hindi konti
Hindi konti, hindi na buo
Upos nalang ng sigarilyo.
Jul 2018 · 297
Malabo [Tayo]
Reign Jul 2018
Hindi ko na talaga alam,
Kung anong pinaparating ng mundo
Sa bawat araw na nagdadaan.
Masyado nang magulo.

Hindi ko na maintindihan
Ang ipinaparating ng bawat tao
Sa bawat buka ng bibig at pagtingin.
Masyado nang malabo

Parang pag-ibig
Parang pag nagmamahal tayo
Ang gulo
Ang labo

Parang ikaw
Tsaka ako
Malabo maging tayo
Malayo magkaroon ng tayo.
Jun 2018 · 222
Malaya
Reign Jun 2018
Kung nahihirapan ka na,
Sabihin mo lang
Kung gusto mo nang bumitaw
Papalayain kita, bibitawan kita kung talagang ayaw mo na

Salamat sa mga araw
Na binigay mo sakin
Salamat sa saya
Sa lungkot at sa binigay **** pag-asa.

Dahil sayo natutunan ko kung paano magparaya
Sumaya na ikaw lang ang kasama
Natuto ako kung paano magmahal ng totoo
At dahil lahat 'yun sayo

Pasensya sa mga araw na wala kang ibang ginawa
Kundi suyuin ako
Pasayahin ako
At higit sa lahat mahalin ako

Kung hindi mo masabing ayaw mo na
Ako na ang tatapos para sayo
Ayaw kitang nasasaktan
At ayaw rin kitang nahihirapan

Dahil mahal kita
Kaya kita pinapalaya na
Naiintindihan ko kung pagod ka na
Naiintindihan ko kung hindi ka na masaya

Pero kung pipiliin **** lumaban
Kasama ako
Asahan mo saakin na yung buo
Ikaw na bahalang magdagdag sa laban natin na 'to.
Jun 2018 · 418
Maglaro tayo
Reign Jun 2018
Maglaro tayo,
Ako ulit yung taya
Tapos ikaw yung hahanapin ko,
Ako ulit yung maghahabol

Tapos yung saling pusa poprotektahan mo
Kasi kahit saling pusa lang siya
Alam ko, at alam mo
Na importante siya sayo

Kung laro kaya talaga ang pag-ibig,
Hahabulin mo rin ba ako?
Pag ayaw kong magpahuli sayo?
O bahala nalang ako biglang lalapit sayo kasi hindi mo naman pinili maging taya sa buhay ko?

O kaya maglangit lupa tayo
Tutal ako naman 'tong hinihintay kang bumaba sa lupa
Para makuha ka na at sabay tayong aakyat sa langit
At ang tadhana ang taya

Yung tadhana na pilit tayong paghihiwalayin
Kahit ayaw naman natin
Sana kung laro nga ang pag-ibig
Pwede bang kung ako ang taya 'wag mo naman iparamdam na ako lang din yung saling pusa?

O kaya naman magtagu-taguan tayo?
Ikaw naman yung taya
Tapos hanapin mo ako,
Pag hindi mo ako mahanap ako na yung kusang lalabas

Tapos hahatakin ko yung kamay mo sabay tayong tatakbo
Papunta sa pader kung saan maliligtas tayo.
Para parehas tayong panalo
Sa paborito nating laro.

Sa laro kung saan hanggang laro nalang
Hanggang pagtatago nalang ng nararamdaman
Hanggang sa saling pusa nalang tayong dalawa
Sa mga sarili nating storya.

Sa bawat kabanata ng storya nating dalawa
Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo maglalaro
O magsesryoso na ba tayo?
O hanggang laro nalang talaga lahat ng ito?
Jun 2018 · 89
HTMBT
Reign Jun 2018
Hundred Thousand Million Billion Trillion people in the world
I choose you,
I choose to stay
I choose you to hurt me
I choose you to be my place
I choose you to be my darkness
I choose you to be my happiness
And I will choose you over and over again,
And I will never regret every single day that I choose you.
May 2018 · 101
Real man
Reign May 2018
A real man knows what love really is

A real man respect every woman;

Because that's what his mom & dad told him

A real man knows his value and worth of others

A real man is not coward to take risks

A real man isn't a man,

If he's perfect and do nothing wrong.//
May 2018 · 90
Beauty of a Woman
Reign May 2018
Yes, a woman's face isn't a coloring book
But it is an art; a mind
A mind that needs to be colored too
An art that needs to be appreciated too
And that's what a real beauty is.
May 2018 · 215
Mahal kita pero
Reign May 2018
Sabi nila pag nagmahal ka,
Dapat walang pero pero,
Walang hindi sigurado
Walang bakit at paano.

Pero paano kung pagod ka na?
Kung sawa ka na?
Kung sobra na siya?
Kung hindi mo na talaga kaya?

Bawal pa rin ba?
Susuko ba ako o susugal pa rin ako sa relasyon na 'to?
Paano kung sawa ka na din?
Paano kung hindi mo na ako mahal?

Paano kung ikaw na mismo yung sumuko?
Ang dami kong tanong
Na alam ko namang hindi mo rin masasagot
Na hindi ko rin masasagot

Ang dami kong gustong sabihin sayo
Na hindi ko kayang sabihin kung paano
Kung bakit dahil ang daming pero
Hindi ko nga alam kung kaya ko pa eh

Kung kaya ko pa bang mahalin ka
Kasi ang nararamdaman ko nalang ngayon
Napuno na ng sakit at inggit
Na hindi naman dapat masambit

Pasensya ka na baka kasi hindi pa talaga sapat
Baka siguro hindi talaga tayo
Baka kasi may galit satin yung tadhana,
Mahal kita pero, siguro hanggang dito nalang tayo.
May 2018 · 595
Baka sakali
Reign May 2018
Pipiliin kita,
Kasi baka ikaw na,
Baka sigurado na,
Baka sakali

Baka sakali,
Na ikaw na yung taong hinihintay ko
Hindi kita hinanap pero dumating ka nalang sa buhay ko
Siguro nga baka sakali

Hindi man sigurado
Pero hindi ko na gagawing kumplikado
Masaktan man ako
Tatanggapin ko dahil minsan na rin naman akong naloko

Sasabihin ko sayo pag nahihirapan na ako
Sasabihin ko sayo pag suko na
Pero mukhang malabo
Hinding hindi na ata ako lalayo sayo

Sana nga,
Sana nga yung baka sakali
Maging totoo na
Maging sapat na

Pero sa totoo lang
Sapat na sapat ka na
Sobra pa nga
Kaya nga nagbabakasakali ako na hindi mo ako bibiguin

Kasi pag ginawa mo 'yung bagay na yon
Iiyak lang ako
Pero babalik pa rin ako sayo
Tawagin mo akong tanga o ano pero hindi ako magpapakatanga para lang sa hindi importanteng tao

At isa lang ibig sabihin ng lahat ng ito
Baka sakali man to
Pero dahil mahal kita
Tingin ko ikaw na ang baka sakali ko hanggang dulo.
May 2018 · 109
behind that mask
Reign May 2018
behind that mask,

is a person who has a beautiful eyes in it with no tears left to cry

a person who has depressed pale face,

who's tired for some stupid questions

and a ******* explanations.

behind that mask,

is the person who's hurting

and loving someone who doesn't love him/her back

and how feelings and emotions can deceive us sometimes

to feel more sad

& to feel more awfully hated ourselves
Apr 2018 · 420
Hindi na sapat
Reign Apr 2018
Kailan nga ba hindi na nagiging sapat ang pag-ibig?
Pag ba naramdaman **** ayaw mo na?
O di ka na masaya?
O kaya naman ramdam mo paulit-ulit nalang?

Pero sa tingin ko hindi na sapat ang pag-ibig,
Pag wala ka ng respeto
Pag wala ka ng tiwala sa isang tao
Pag masyado ng perpekto yung tingin mo sa relasyon nyo

Kasi diba?
Paano mo masasabing totoong mahal mo
Kung wala ka naman respeto sa taong sinasabi **** "mahal" mo
At sa mga taong nasa paligid niya
Sige nga paano?

Paano mo masasabing may tiwala ka pa
Kung pati siya pinagdududahan mo
Na may iba siya
Kung yung mga tao rin sa paligid niya wala kang tiwala

Hindi madaling magtiwala oo
Pero ano ba naman yung sumugal ka magtiwala
Kasi nga sabi mo mahal mo siya
Kung mahal mo kahit mahirap gagawin mo, papasukan mo.

Pero anong ginawa mo?
Nagalit ka lang nang nagalit
Nagsasabi na ng totoo
Sasabihin mo pa
"Pasensya na wala akong kwentang tao"

Ako na magsasabi sayo
Hindi na pagmamahal yung binibigay mo sa taong mahal mo
Kabaliwan na o kaya naman impatwasyon
Baka inlove ka lang talaga sa ideya ng pagiging inlove
Hindi sa taong sinasabi **** "mahal" mo

Baka nga siguro ganon
Baka nga siguro tama lang na wala na kayo
Baka nga siguro bata pa yang pagiisip mo
Dahil kahit kailan hindi naman naging sapat
Apr 2018 · 524
Gusto kita
Reign Apr 2018
Matagal na kitang gusto
Hindi ko lang masabi-sabi sayo
Kasi baka iwasan mo ako
O baka sabihin mo "hindi kita gusto"

Ilang beses kong sinubukang aminin sayo
Pero inuunahan ako ng takot ko
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago
Baka isang taon pa palilipasin ko o bahala na nga lang ako

Pero isang araw nagkaroon ako ng lakas ng loob
Sabi ko sa sarili ko aaminin ko na sayo
Naghanda ako,
Papalapit na sana ako sayo...

Kaso, nakita ko
May kasama kang isang babae
Maganda siya oo
Walang wala ako

Hindi ko sinasadyang marinig yung sinabi mo
Pero isa lang yung naramdaman ko
Yung sakit tapos biglang tumulo mga luha ko
Pagkasabi nya sayo ng "Gusto rin kita"

Tumakbo ako papalayo sainyo
Na hindi ko namalayang nakakabunggo na pala ako
Hindi ko na rin kasi alam kung saan pupunta
O saan ulit magsisimula

At kasabay ng pag-iyak ko
Kasabay rin ng pagbuhos ng ulan sa araw na yon
At 'yon ang hinding hindi ko malilimutan
Na parang nakikisabay ang ulan sa aking kalungkutan.

Kaya sa mga hirap umamin dyan sinasabi ko sainyo
Wag niyong hayaang kainin kayo ng takot o emosyon niyo
Baka kung kailan nakakuha ka na ng lakas ng loob
Saka pala nakaamin na rin siya sa taong hinding hindi magiging ikaw.
Reign Apr 2018
Sa dinami-dami ng mga palpak sa mundo,
Bakit laging kabataan ang napapansin niyo?
Dahil ba sabi ni Rizal
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan?"

Hindi ba dahil sa pagpuna niyo
At pangiinsulto niyo kaya dumadami kami?
Oo kami,
Kaming mga palpak at puro walang patutunguhan sa mundo

Nabuntis sa maagang edad
Nagbisyo sa hindi pa tamang panahon
Mas inuuna ang pangarap kaysa pag-aaral
Tambay doon, tambay dito

Hindi niyo ba napapansin?
Dumadami na kami,
Hindi dahil sa gusto lang namin
Kundi dahil alam naman naming wala nang maniniwala samin

Nahihirapan rin kami
Hindi lang kayo,
Sa tingin ko hindi lang kaming mga bata, dalaga o binata
Ang kabataan sa mundo

Lahat tayo kabataan dito
Lahat tayo ginawa ng Diyos
Kaya nagtataka ako bakit laging kabataan ang paos
At ang kabataan ang laging wala sa mundo

Sa lahat ng panghuhusgang nakukuha namin
Galing sa mga magulang at mga taong hindi naman malapit saamin
Alam ko, at naniniwala pa rin ako
Na lahat tayo ay iisa at kaming kabataan pa rin ang magpapatunay na nasa amin ang pag-asa
Apr 2018 · 305
Kailan
Reign Apr 2018
Minsan napapaisip ako,
Bakit yung mga tauhan sa isang storya o palabas,
Ang bilis nilang mahanap yung taong para sakanila
Yung taong alam nilang bubuo sa buhay at storya nila

Piksyunado nga lang pala lahat,
Sa totoong buhay
Kailangan mo munang masaktan ng sobra
Bago dumating yung taong bubuo sayo at wawasak sayo

Madalas lagi akong naghihintay sa panahon na yon
Pero gaano nga ba kadalas ang lagi o minsan?
Araw araw, gabi gabi
O pagsikat ng araw at paglitaw ng buwan

Sa bagay bata pa naman ako
Marami pa akong pagdadaanan
At dadaanang dilim at pasakit galing sa iba
Pati na rin sa sarili ko

Kaso hindi ko talaga maiwasang malungkot
Araw araw kasi may bumubulong sakin
Bumubulong na "Tapusin mo na buhay mo"
"Wala namang nangyayari"

Hindi ko alam kung magpapatalo ba ako
Sa isang bulong
O ipapanalo ko yung laban na to
Dahil bigay to ng Diyos

Sana nga kayanin ko hanggang dulo
Sana magpakita na yung taong bubuo sakin
Kahit sa pansamantalang araw lang o buwan o taon
Para naman masabi ko sa sarili ko na minsan naging masaya rin ako.
Apr 2018 · 566
Paasa
Reign Apr 2018
Alam ko naman na siya yung gusto mo
Tanong ko lang titigil ko na ba ito?
O aasa nalang ako sayo
At tititigan litrato mo?

Habang ngumingiti ako,
Yung puso ko nagdurugo na
Lumuluha at unti-unting nawawasak ng dahil sayo
Kaya ko pa siguro

Bawat kilig na nararamdaman ko
Sa tuwing nagbibitaw ka ng salita
Alam kong isang malaking paasa lang lahat yon
At ako isang malaking tanga

At kung gaano ka katamis magsalita
Ganon mo rin kapait ipadama
Siguro, maaari pwede nating gawing katotohanan
Para hindi na lumuha yung puso kong umaasa

Tatakbo ako papalapit sayo
O kakalimutan nalang ang lahat?
At tatanggapin mga sasabihin mo
Dahil alam ko siya talaga yung gusto mo at hindi ako.
Apr 2018 · 271
Bulong
Reign Apr 2018
Sa mga nagdaang araw.
Nagtataka ako,
Masaya naman ako, masigla
At higit sa lahat hindi ko ramdam na mag-isa ko

Pero bakit tila ito nanaman siya
Yung dilim kinukuha nanaman ako
Bumubulong sa tenga ko
Na "mag-isa ka nanaman"

Ito nanaman sila
Yung mga luhang bigla nalang tutulo
Kasi hindi mo na kaya
Kasi nararamdaman **** may humahadlang sa kasiyahan mo

Tama pa ba ito?
Sa tingin ko hindi na,
Wala nang nangyayari
Puro kamalasan nalang

Alam ko masyado na akong sobra,
Para hilingin na sana mamatay nalang ako
Na sana hanggang dito nalang ako
Pero hindi ko mapigilan kasi hindi ko na rin alam

Nagdadasal ako na sana
Sana lang naman maging maayos na lahat
Pero bumubulong nanaman sila
Na "Saktan mo ang sarili mo"

Hindi ko na alam
Hindi ko na alam kung saan lulugar
Nakakapagod,
Nakakalungkot.

Ayoko na maramdaman to
Sobrang bigat sa pakiramdam
Na parang laging may tumutusok
Sinasaksak na ako ng sarili ko patalikod

Wala na kong kasama
Mag-isa nalang ako
Sino bang kakapitan ko?
Kundi sarili ko.
Apr 2018 · 167
I am
Reign Apr 2018
I am the girl who wrote poems about you,
The girl you used to call ugly, fat pig & whatnot
But despite all of that
I still like you love rather.

Yes I am that girl
Apr 2018 · 262
Isang kisapmata
Reign Apr 2018
Ang sabi mo saakin noon,

Walang iwanan,

Dapat tayo hanggang dulo

Ikaw lang at ako



Pero pasensya ka na mahal ko,

Hindi ko na ata kaya

Kailangan ko nang sumuko

Para sa ikabubuti ng ating mga puso



Alam ko hindi makatarungan,

Alam ko hindi sapat yung dahilan

Alam ko mali ako

Pero hindi ko na rin alam kung paano gagawing tama ang nasimulan ko



Sa bakit,

Sa paano,

At mga tanong na hindi ko rin maisagot mismo sa sarili ko

Kung bakit sa isang kisapmata nawala na ang nararamdaman ko sayo.
Apr 2018 · 113
Never been yours
Reign Apr 2018
I am wondering,

That even if you stay with me

Or not?

I will never be yours

I will never be her,

I will never be the one you need

Because everytime you tried to laugh

With my jokes & all

It's not genuine,

It's not real

It looks like your mind is in wander of something

Rather someone.

I know from the very beginning

That me & you doesn't exist;

But you & her does.
Apr 2018 · 449
Talo o Tayo?
Reign Apr 2018
Alam mo ba, ang sabi sakin ng iba ang tanga  ko talaga.
Pero hindi ko sila pinapakinggan kasi, alam ko may pag-asa pa.
May pag-asa pa para ibigin mo ako gaya ng pag-ibig na ibinibigay ko sayo.
Kaya pa, hindi ako susuko hangga't kaya ko pa kasi alam kong hindi pa ako talo.

Ikaw lang ata nagpapangiti sakin na parang wala na ang langit dahil sa taas ng aking labi.
Ikaw lang ata ang nagpapaiyak sakin na parang wala na ang mga ulan dahil sa tulo ng aking luha tuwing gabi.
Ikaw lang ata ang dahilan ng pagkatalo at pagkapanalo ko sa bawat paligsahan na aking nilalaro.
Ikaw lang ata ang mamahalin ko ng higit pa sa pagmamahal na ibibigay mo.

Pero hindi ko alam kung may maibibigay ka nga ba sakin o sadyang umaasa lang ako sa salitang tayo.
Tayo na ako lang ang nakakaalam at hindi mo alam ang aking inaasam.
Kaya kitang ipaglaban kanino man.
Pero ang tanong kaya mo rin ba akong ipaglaban gayung hindi mo nga ako mahal?

Sa larong ito, dalawa lamang ang pagpipilian mo.
Ang salitang talo o tayo.
Kung pipiliin mo man ang tayo hindi ka matatalo.
Pero kung gusto **** matalo, doon rin ako, para sa dulo meron pa ring salitang tayo.
I also published this one in Hugot Snap Poetry on Facebook!
Apr 2018 · 706
Laban pa O Suko na?
Reign Apr 2018
Hindi lahat maibibigay at masasagot ng salitang pagmamahal.
Kaya nating gawin pero minsan hindi natin kayang ipaglaban.
Akala kasi natin puro lang saya at walang kalungkutan.

Mahirap magmahal at masaktan pero mas mahirap ang ikaw nalang ang nagiisang lumalaban.
Kusang lumalaban sa pagiibigan niyong dalawa na wala nang patutunguhan.
Akala mo sapat na pero hindi pa pala.

Kung lalaban ka pa siguraduhin mo munang may pag-asa pa
Kaya nating lahat magbasa ng kaisipan ng isang tao lalo na kung mahal ka talaga niya.
Pero wag ka masyadong mag assume na ganon nga talaga.
Pero may mga bagay na hindi na kailangan ng kasagutan dahil kitang kita naman sa mga mata niya na hindi na talaga ikaw ang ang nasa puso niya.

Hindi na ikaw yung dahilan ng kasiyahan niya, hindi na ikaw yung dahilan ng kalungkutan niya.
Hindi na ikaw yung inspirasyon niya, hindi na ikaw yung taong minamahal niya.
At higit sa lahat hindi ka na niya kayang ipaglaban para sainyong dalawa.

Lalaban ka pa ba kung alam mo naman ng hindi ka na talaga para sakanya?
O suko na kasi alam mo na hindi mo na kaya.
Pero ang totoong sagot dyan ay pareho.

Lumaban ka pa hangga't may maipaglalaban ka pa, saka ka sumuko pag alam mo ng wala na talaga.  
At sa kahit anong desisyon mo diyos lang ang kasama mo at ang sarili mo.
Maiwan ka man, masaktan ka man, mawalan ka man ng pag-asa basta lagi **** tatandaan na nandyan ka pa nabubuhay at kaya pang lumaban sa agos ng buhay.
This one is published in Hugot Snap Poetry on Facebook!
Apr 2018 · 457
'Wag kang tumulad sa iba
Reign Apr 2018
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang porma wala namang ibubuga.
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang aral pero wala namang respeto at galang.
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang tuwad pero hindi marunong humingi ng tawad.
'Wag kang tumulad sa iba na puro lang kama pero hindi alam ang salitang tama.

Mas pipiliin mo ba yung pagsali sa pataasan ng ihi kaysa sa pagpupursigi?
Mas pipiliin mo bang sumali sa mali kaysa sa tama at sa huli walang pagsisisi?
Mas pipiliin mo bang magsend ng litrato **** hubad para lang sumikat?
Tapos bandang huli iiyak iyak?

Tama ka masarap, sabi nila pero hindi ko alam kung totoo ba.
Sige pag palagay natin na masarap nga ang ginagawa niyo,
Pero tanong ko lang pag ba nasaktan kayo sino sinisisi niyo?
Diba ibang tao, eh kayo lang naman pumili sa sitwasyon na yun.

Kaya niyong gawin, ayos lang sainyo kasi mahal niyo kuno.
Sa pagmamahal hindi binibigay lahat.
Kaya ka nasasaktan eh kasi akala mo pag binigay mo lahat,
Sapat na, ayos na at hindi ka na iiwan.

'Wag kang magdahilan ng kasi bata ka pa kaya akala mo tama.
Wow ha ano yun tinry mo tapos nung nasarapan ka tinuloy tuloy mo?
'Wag **** pairalin yung pagka mahina mo sa lahat ng bagay.
Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mahina ka.

Gamitin mo ang isip mo wag puro talino
Dapat may puso, dapat may diyos sa buhay mo.
'Wag puro pagmamahal sa iba ang isipin mo.
Isipin mo rin ang sarili mo.
Apr 2018 · 1.2k
Magulong Mundo
Reign Apr 2018
Isa ako sa tinatawag na,
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan
Isa ako sa mga kabataan na nakakaranas
Ng mga kung ano anong bagay

Bisyo doon, bisyo dito
Alak doon, alak dito
Saan man pumunta puro away
Puro issue, puro fake news

Nakakasawa, nakakasawang pumasan ng mga problema
Nakakaputangina
Nakakagago
Ginagago nanaman ako ng mundo

Bakit ba puro nalang problema?
Puro pasakit?
Puro taong magaling lang sa umpisa
Mga putangina sila

Pasensya na kaibigan
Masarap magmura bakit ba
Pero hindi ibig sabihin non masamang tao na ako
Bakit nga ba ako nagpapaliwanag nonsense wala namang makakaintindi

Ako? Ako yung taong tingin ng nakararami
Bobo, walang patutunguhan, at kung ano ano pa
Gago diba?
Oo ganon naman kadaling manghusga sa mundong ito

Sa totoo lang madaming ibang taong gustong pumasok sa mundo ko
Para saan? Para bandang huli mangiwan?
Para may mapagtripan?
Ang bobo ko rin kasi pinapasok ko yung mga taong walang kwenta

Yung mga taong walang konsensya
Hindi naman ako galit kahit kanino
Galit ako sa sarili ko
Bakit ba kasi ganto ako?

Putangina diba? Nakakatawa.
Nakakatawa na sa dinami-rami ng pwedeng problemahin
Bakit unang una ang pag-ibig?
Pwede namang pag-aaral, o kaya basta maraming iba dyan

Kaso ang gago yung pag-ibig na yan may pakana ng lahat
Diyan nagsisimula lahat
Kung bakit naimbento pa kasi yan
Nakakasawa paulit ulit

Pero isang araw pagdilat ng mga mata ko
Nabuhayan ako ng loob
Hindi ko pa pala talaga pasan ang mundo
Yung totoo kung sino ang naghihirap ng totoo?

Ang mundo, ang diyos
Dahil sino ba naman tayo para magreklamo?
Sino ba naman tayo para magreklamo sa mga problema
Di hamak na wala pa akong napapatunayan sa mundong ito

Siguro kaya ako nabuhay dahil para sakin to
Nabuhay ako para sakin hindi lang para basta sa iba
Magulo ang mundo oo pero hindi aayos ang mundo
Kung mas magulo pa ang mga tao .
Reign Apr 2018
Naglalakad sa gitna ng daan
Disoras ng gabi,
Iniisip ko paano ba magiging tama ang mali
Sa paningin ng iba

Sa paraang mataas na marka at grado ba?
Sa pagiging disente ba sa pagsasalita?
Sa pagiging magalang at marespeto ba?
Sa pagiging mayaman ba?

Tangina saan sabihin niyo
Yung mismong magulang mo na sila pa mismo magbababa sayo
Yung mga kaibigan **** plastikada at plastikado
Yung mga taong walang ibang ginawa kundi husgahan yung pagkatao mo

Lahat sila ayaw sayo kasi ayaw nila sayo
Pag nakamaikling shorts tawag sayo pokpok
Umuwi ka ng gabi tawag sayo adik
Mangatwiran ka bastos, akala ko ba pag alam **** nasa tama ka ipaglaban mo?

Pero bakit ako yung mali?
Bakit ako?
Hanggang kailan ba ako mabubuhay sa mundong ibabaw
Na walang ibang ginawa at sinabi saking wala akong kwenta

Nay, tay isa lang hinihiling ko
Yung kausapin niyo ako ng matino
Bilang anak niyo
Masyado bang sobra para hilingin yon?

Masyado ba akong masama kasi ganto lang ako?
Masyado ba akong bobo kasi hindi ko kaya yung gusto nyo?
Masyado ba akong mahina para sa lahat ng 'to?
Sana pinatay nyo nalang ako

Sana kayo nalang kumontrol sa buhay ko
Halika palit tayo
Dito kayo dyaan ako sainyo
Tapos sabihin niyo sakin kung paano maging tama ang mali.
Apr 2018 · 90
Why can't we be?
Reign Apr 2018
I learned that everything hasn't changed for the better,
Sometimes they changed for the two times worse situation.
Situation that everyone can be hurt or worst can be a "cray cray"
We always say that playboys, cheaters, playgirls, prostis & whatnots doesn't have a place in earth.
How can we be so dumb in this world full of hypocrites, & naive people?
Why can't we be one of them be a hero of words? Be a hero with sense,
Be a hero without cape but has respect, acceptance, & know who God is.
Why can't we be one of them?
Mar 2018 · 896
Alak
Reign Mar 2018
Naalala ko lang bigla habang nakatayo ako sa isang lugar kung saan nagsimula,
Kung saan nagsimula at paano kita nakilala
Wala akong kaide-deya kung anong mangyayari sa mga susunod na kabanata
Kasi ang alam ko lang nagkakilala tayo sa inuman ng barkada.

Hindi kita kilala noong una,
Pero nagulat ako nung nagmessage ka
Nung gabing yon mismo ang panimula ng una nating kabanata
Sabi ko sa sarili ko hindi ko ieentertain to kasi masasaktan lang ako.

Pero wala eh ang lakas mo kahit hindi ka pa masyadong gumagawa ng paraan para hagkan ako
Sabi ko ulit sa sarili ko "ang bilis naman"
Ang bilis kasi naman isang gabing inuman
Nauwi sa gustuhan

Hindi ko na ikekwento kung paano nagsimula ang sunod na kabanata
Kasi alam na nating lahat yun
Ang simula siya rin palang tatapos sa walang kwentang pagiibigan
Pero sa totoo lang ang hirap...

Ang hirap tanggaping wala na,
Yung dating masaya kayo wala na
Yung mga usap niyo wala na
Yung mga lokohan at away wala na

Sabi ko sa sarili ko bakit ang tanga ko
Ang duwag ko
Hindi ako lumaban
Ang bobo ko

Hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik ka, o hindi nalang
Hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik yung dating samahan, o hindi na
Hindi ko alam kung aasa pa ba akong babalik yung dating tayo, o aasa pa rin talaga
Hindi ko na alam...

Basta ang alam ko, sa alak nagsimula ang tayo at alak din ang hanap-hanap ko ngayong hiwalay na tayo.
a true story of mine
Mar 2018 · 105
What If
Reign Mar 2018
What if I've never loved you that day?
                     Would you still pursue me?
       Would you be the one who still woo me?
                Would you love me the same as much you love me that moment?
       Or you gonna love someone that is not me?
                            What if..
Mar 2018 · 97
Pretty Raw
Reign Mar 2018
Champagne w/ a candle lit date
                  Don't usually know how to break the gauche
            Yeah I know I'm pretty raw
                  But please deal with me for atleast an hour or more
Mar 2018 · 77
Love Isn't
Reign Mar 2018
Love isn't always about beautiful concepts                                                                        And has fiction happy endings
          It's all about how you feel,
                 And how happy you are when you met him
Mar 2018 · 442
Makahiya
Reign Mar 2018
Para akong makahiya tuwing nakikita kita,
Tuwing nandyan ka,
Hindi mo pa ako hinahawakan
Pero tumitiklop na ako ng kusa.

Gustong gusto na kita makuha,
Pero bakit tila para ka ring makahiya
Pagka ako na ang kakausap sayo
Lumalayo ka nalang bigla.

Sa isang iglap lumaki ang pag-asa ko
Na umasa pa lalo sayo
Kasi sabi ng nanay ko,
Wag ako basta basta susuko.

Ikaw ang naging inspirasyon ko,
Ikaw lang yung katangi-tanging halaman na gusto ko
Hindi man kita makuha
Alam kong ikaw na ang magkukusa.

Siguro hindi pa ngayon,
Hindi pa bukas,
Pero malay ko ba,
Kung pwede na sa makalawa.
Next page