Nabubuhay ako sa inggit, nagsasawa na ako sa gantong proseso ng buhay ko. Ayokong mabuhay na puro inggit sa ibang tao, ayoko mabuhay na hindi ko alam paano magpakatotoo, ayoko nang ganto na hindi ko nasasabi yung nais kong sabihin sa buong mundo, pero paano?
Kailangan ko ng tulong, aminado ako. Pero pagtatawanan lang nila ako at kukutyain, sasabihing may sira ako sa ulo at hindi ko na kailangan ng ibang tao para tulungan ang sarili ko. Pagod na akong manahimik ngunit hindi ko pa rin kayang magsalita para sakin, nakakainggit. Nakakainggit yung ibang taong kayang kaya magsalita para sa mga sarili nila, konting isip at pilit sa sarili na magsalita at ilabas ang saloobin nila nagagawa nila.
Kahit anong pilit ko sa sarili kong lumaban at magsalita para sa sarili ko at kahit ilang beses pang sabihin sa'kin ng ibang tao paulit-ulit nang paulit-ulit, hindi ko kaya. Hindi ko kayang tumayo para sa sarili ko ang hina hina ko nakakahiya nagagawa kong tumawa at magsalita ng diretso sa ibang tao gamit ang mga salitang puro walang kwenta at walang kwento pero hindi ko kayang magsalita ng diretso kapag may halo ng katotohanan at kwento.
Gusto kong magkwento, gusto kong magsalita, gusto kong sumigaw, gusto ko ako naman pakinggan ng sarili ko, gusto kong magalit ng todo, gusto kong sumaya kahit papaano.
Gusto kong ikwento sa isang tao o kahit sa buong mundo kung gaano ko gustong magsalita at isigaw yung mga nararamdaman ko. Gusto kong pakinggan ng emosyon ko ang nasa isip ko na tama na ang pagiging duwag tumayo ka at magsalita para sa sarili mo ngunit hindi ko kayang magalit ng todo at hindi ko alam, hindi ko na alam kung kailan ako sasaya kahit papaano.
Naiinggit ako, pero ayoko ng ganito ayokong mainggit sa ibang tao ayoko parang awa niyo na tulungan niyo ako.