Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Carl Oct 2018
Kung mayroon akong pinakaayaw na almusal
Iyon ay yung lulunukin kong katotohanan na  lilipas
ang bawat oras, papatak ang bawat segundo ng napakagulong
buhay ko na wala ka.
Sayang lang, Ang ganda kasi nung mga eksenang pinangarap ko
Na buo na ang bahay na ang palapag ay tatlo, Pagpasok mo rito,
ikaw ay nakaupo sa sala na binuo ng mga pangarap mo at oo.
Nang hihinayang ako, paglulutuan sana kita tapos gigising ka sa umaga na may mainit na kape ka nang nakatimpla.

Pero inabot na kasi tayo ng takipsilim
Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim
Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin
Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungaling.

Alam ko balang araw, masaya kana sa iyong bagong kasama.
Sa mga munting eksena na nag lalaro sa isip ko, gusto ko na yung eksenang masaya ka na lang sa iba.
At balang araw hindi na tayo masusuka sa mapakla at mapait na almusal ng ating pag-ibig, salamat, totoo.

Salamat sa hindi na manguyang pag-ibig mo.
Carl Oct 2018
Hahawakan ang kamay mo
Papatunayan na kaya ko
Titimplahan pa rin ng paboritong kape
Sa maulan at malamig na gabi.

Hahawakan ang kamay
Magsisilbing gabay
Karerang malapit nang matapos,
Naalis na rin ang taling nakagapos.

Hanggang sa huli
Hindi mo na nga tinapos, mga pangakong kapos.
Bumulong ka sa dilim, umaasang ikaw ay mananatili.
Ngunit kumiliti ang mga salitang,
Hanggang sa muli.
Carl Oct 2018
Ako
Ako ang buwan, ikaw ang araw.
Nag-nanakaw ako ng liwanag, habang ikaw, nakakasilaw.
Kung mag tatago ka riyan sa likod ng iyong planeta.
Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim 'pag wala ka.

— The End —