Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
HYA May 2018
Sa bawat pagkakataon na tayo ay nagkikita
Aking nasisilayan ang karunungan sa iyong mga dala
Sa iyong suot na sa iyo ay bumabalot
Upang maitago ang mga tinatagong kulubot

Kaya, ngayon, huwag ka sanang magpakitang muli
Kung ginagapos ka pa rin ng iyong mga tali
Subalit hindi maiiwasan ang pagtulak ng kapalaran
Upang maipahayag sa kapwa nating mata ang katapatan

At kung magkikita tayong muli, maghubad ka
Ipakita mo sa akin ang katotohanang nakatago sa iyong palda
Ang presko **** balat na hindi ko pa nasisilayan
Ang iyong mga lihim na hindi ko namamalayan

Kung magkikita tayong muli, maghubad ka
Ipakita mo akin ang dilim sa iyong kaluluwa
Gusto kong marinig ang tunog ng mga salita
Ibig kong maghagkan ang iyong takot na nananalanta

Kung magkikita tayong muli, huwag kang magsuot ng damit
Ayaw kong masilayan ang dumi na sa iyo nakadikit
Iwasan mo rin ang pagtatali sa iyong buhok
Huwag **** itago kung ayaw mo itong mabulok

Gusto kong makita ang kalawakan sa iyong mga mata
Ang mga bituin na sumasayaw nang palihim at kumakanta
Maghubad ka, giliw, maghubad ka
Huwag kang mag-atubili na ipakita sa kanila
sings versace after writing this hahahaha
---
To all of you out there (and also to the future me), never be scared showing your scars. They are the evidences that you survived. Scars both in skin and in the soul; they are precious.
---
HYA May 2018
Ipagpaliban ang hangarin
Na maging akin ang iyon tingin
Ang mga mata ay panatilihin
Nang magawan kita ng awitin

Sa musikang segundo lamang ang aabutin
'Ika'y manatili,' iyan ang sasabihin
Ang munting pakiusap ay iyong dinggin
At payagan na ang iyong puso'y angkinin.
myuzeeek
HYA Apr 2018
Sundan mo ang aking hintuturo at lumapit
Ang aking mga bisig ay sisiguraduhin kong sa iyo nakakapit
Dahan-dahan mo akong ihiga sa nabubulok na kama
Ipikit mo ang iyong mga mata at hahalikan kita nang may tama

Mula sa iyong labi, pababa nang pababa
Huwag kang masyadong gumalaw, isalba ang hininga
Mukhang matatagalan ang ating pananatili sa kapwang bisig
Ngayon na ang tamang panahon upang masilayan ko ang iyong bagsik

Ipapasok ko ang iyong pagkatao sa aking pinagmamay-ari
Hawakan mo ang aking dibdib na namumukod tangi
Igagalaw ko ang aking katawan sa ritmong ating pinagsikapan
Pagkatapos ng huling minuto, aabot na tayo sa kalangitan

Tayo ay humiga sa kamang nakasaksi
Sa ating katakawan sa kapwa katawang maliksi
Niyakap kita nang mahigpit at nagsalita
Subalit ang bawat pantig ay iyong binalewala

Saad ko'y 'mahal kita'
At ang iyong tugon ay isang malalim na hininga
Sabay ang pagbibigay pasalamat
At nagmungkahi na ang lahat ng ito'y gawing alamat

Ang aking pagmamahal ay katumbas lang pala
Ng isang pasasalamat at wala ng ibang halaga
Ipinagkaloob ko ang lahat ng aking kayang ibigay
Ipinangako kong sasambahin ko pati ang iyong kamay

Handa akong isuko ang aking mga kayamanan
Handa **** tanggapin ang lahat at sa huli, ako'y iwan
Handa akong ipagsigawan sa madla na ika'y aking iniibig
Handa mo akong ipamigay at ipayakap sa ibang pares ng bisig

Ngayon, muli **** sundan ang aking hintuturo
Sana'y maintindihan **** itinuturo nito ang aking pinto.
huwag magmadaling isuko ang bandera ng mga kakabaihan sa katulad niyang hindi makakatumbas sa halaga ng seryosong labanan

striktong patnubay at gabay ng mga magulang ang kailangan
HYA Apr 2018
Naaalala ko pa noong sinabi **** buksan ko ang aking puso sa maraming posibilidad
Kaya ang aking saradong pinto ay aking binuksan at humangad
Sabi mo ay maiintindihan mo ako sapagkat nararamdaman **** magkapareho tayo
Subalit, sa isang iglap, sumiradong muli ang aking pinto.
Kaibigan, pababayaan mo nalang ba akong humangad sa walang kasiguraduhan?
HYA Mar 2018
Sa apat na sulok ng kwadradong patalim
Nakatago sa dilim ang puso nang palihim
Ngiting nakakurba sa malamultong kalsada
Tuwa sa tawang hindi nakakadismaya

Sa patalim na nakakatakot isipin sa dalangin
Ngayon ay taas noo ko ng yayakapin.
I am infatuated with someone I know I should not be infatuated with. But what else can I do?  He is an expert in shooting hearts of poets.

HAHAHAHAHA ew. I would read this again after months or years and I know I'll be laughing so hard when that time comes.
HYA Feb 2018
Pumara ako ng jeep sa tapat ng kanto
Kinausap ko ang sarili at nagmukhang tonto
Pagpasok ko sa loob ay doon ko natanto
Na iba't ibang uri pala ang mga ito

Una, ang babae na tinatawag ako upang kunin ang bayad
At sino ba naman ako upang hindi pumayag?
Binilang ko ang pera at ito'y nagkakahalaga ng sampu
Subalit ang naisukli sa kanya'y piso

"Manong, kulang po ng dalawa ang sukli niyo
Baka lumalabo na po ang pananaw mo
Manong, maaari ko bang kunin ang dalawang piso
At nang makababa na po ako?"

"Nako,  iha. Tumaas na ang presyo ng pamasahe ngayon
Lalo at magiging luma na ang bagong taon
Hindi mo ba narinig sa balita, iha?
Halika at aking ipapakita ang ebidensya"

Tumahimik ang babae at bumaba
Mukhang siya pala ang may malabong mata
Minsan kasi sa buhay,  magtingin tingin din sa kaliwa
Dahil kapag puro kanan lang,  iyan ay magsasawa

Hindi nagtagal, may nagbayad na naman
Ngayon, ang pera ay may malaking laman
"Manong, sayo na ang sukli
Para makabili ka naman ng gusali"

"Gusalina (gasulina) ba kamo, iho?
Huwag na, ito ang sukli mo
Makakaya naman ng bulsa ko
Heto na, iyan naman ay talagang dapat sayo."

Napaisip ako nang bigla
Nakakalungkot kasi talaga
Kahit buo yung ibinigay mo
Kapag ayaw niya, isasauli parin sa iyo

Nagpatuloy ang aming biyahe nang tahimik
Hanggang ang isang segundo'y pumitik
Bumaba ang isang mama nang hindi nagbayad
Kahit ang pera naman niya ay kanina pa sumasayad

Inireklamo namin siya kay manong
Siya ay aming tinanong
Kung bakit ang mama ay kaniyang pinabayaan
At hindi rin niya pinagalitan

"Para saan pa? E yun ang gusto niya
May mga tao talagang lalapitan ka lang, hindi ba?
Kapag sila ay may kailangan sa iyo
At kapag tapos na, sila ay lalayo

Kaya pabayaan mo na sila
Nakatulong ka naman,  iyon ang mahalaga
Huwag mag-alala,  nandyan naman si karma
Naghihintay lamang upang kunin sila"

Napatahimik kaming lahat at ngumiti
Sana, ang mga taong kagaya ni manong ay manatili
Maputi ang budhi at kapuri-puri
Sa mundong alam natin ay sari-sari

May napansin akong binatang hindi mapakali
Kaya tinanong ko siya kung ano ang nangyayari
Gusto na niya raw na bumaba
Ngunit napapangunahan siya ni kaba sa pagsasalita

Baka may sabihin ang iba tungkol sa kaniya
Baka magiging katawa-tawa siya
Baka ang lahat ay titingin
At baka mas lalo siyang maliliitin

Magsasalita na sana ako ngunit ako'y naunahan
Ng isang babae doon sa aking kanan
Naglahad siya ng iba't ibang ideya na hindi ko naisip
At ang nakabuka kong bibig ay sadyang tumakip

Nga naman. Bakit ka pa kumakapit?
E wala naman sa iyo ang pumipilit
Kung ayaw mo na, bumitaw ka na
At ang kapit ay huwag ng higpitin pa

Narinig ko ang pag-uusap ng dalawang estudyante
Tungkol sa matematikang nagpapapabebe
Ayaw daw magpaintindi kahit ano ang kanilang pilit
Kaunti nalang at sila na ay magagalit

Meron pa ang linyang nakahilera na ayaw magkonekta
Walang magawa kahit sobrang lapit na
Kaya namang ngumiti sa isa't isa
Ngunit silang dalawa ay puro lamang salita

Isa pa tong linyang padaplis na isang beses lamang nagkatagpo
Pagkatapos ng nakaraan ay patuloy ng lalayo
Hanggang makakalimutan ang mukhang nakita
Hanggang lumabo ang mga inipong alaala

Pero kung hindi mo naman naiintidihan, babalik ka parin sa matematika
Kapag mababa ang iyong grado, siguradong malilintikan ka
Kung titingin sa papel, walang ibang malalaman kung hindi ang pangalan
Aasa nalang sa katabi at makikipagsabwatan

Tumawa kaming lahat sa kanilang pag-uusap
Habang ang simoy ng hangin ay nilalasap
Nagrepresenta ang isang pasahero na sila'y tulungan
Upang hindi na nila dapat pang makipagsabwatan

Kapag ang isa ay dadagdagan mo isa, ito ay magiging dalawa
Subalit hindi ganito kasimple ang lahat ng problema
Maghihirap ang iyong utak sa kakaisip sa sagot
Hindi mo nalang mamamalayan na ikaw na pala ay napapanot

Meryenda, almusal, tanghalian at hapunan
Susunod muli ang umagahan
Kung ganyan ang kadali ang buhay
Siguradong madali tayong mamamatay

Kasi walang magpapatapang sa ating mga kalooban
Puro madadaling bagay lamang ang ating masasaksihan
Kaya magpasalamat nalang sa kahit anong ibinigay ng Maykapal
Dahil kung hindi, sigurado.  Ikaw ay makapal.

Nagsimula na silang magturo sa dalawa
At ang kanilang mga bibig ay talagang nanganga
Ngunit nakita ko na kinakailangan ko na palang bumababa
At hindi na rin ako nag-atubiling bumayad at pumara

Araw-araw, iba't ibang uri ng tao ang nakakasalamuha
Kaya parating ngumiti at huwag lumuha
Dahil ngayon ay araw ng mga puso
Tayo na at magdiwang dahil tayong lahat ay may puso
piyesa para sa Araw ng mga Puso
Pero february 19 na! HAHAHA pero it's better to be late than never, nga diba?
HYA Feb 2018
Alam mo 'yon?

Yung titingin ka lang sa kawalan
Habang pinagmamasdan
Ang mga talang nag-aatubiling hagkan
Ang bawat taludtod na sa iyo ko ipinangalan

Sa una nating pagkikita
Sa iyo, ako'y sobrang namangha
Sa lakas ng iyong loob na magsalita
Sa para sa iyo ay totoong tama

Noong muling nagtama ang ating mga paningin
Isa lamang ang aking dinalangin
At iyon ay iyo sanang dinggin
Ang tinig na nagmimistulang hangin

Pero hindi na tayo pwede sa pangalawang pagkakataon
Gustuhin man ay hindi na dapat pang umahon
Sapagkat meroon ng ibang nagmamay-ari sa aking panahon
Ayaw ng maipatahan ang luhang nag-aapoy ng ambon

Ngunit, bakit? Ikaw pa rin ang aking dinadalangin
Baka maaari naman kitang hilingin
Sa Maykapal kahit sa isang pagkakataon
At baka dahil dito, ako ay muling makakabangon

Sa ikatatlong pagkislap ng ating damdamin
Inibig ko na sana ako ay iyong mahalin
Hindi na makapaghintay pa na sagutin
Mo ang aking nag-iisang panalangin

Ngunit ngayon, ikaw na naman ang hindi pwede
Tayo ay parang kapre at duwende
Hindi itinadhana sa isa't isa upang ayusin ang pusong sira
At ipinagtagpo lamang upang ang mga puso ay mas maging masaya

Sabi mo, baka hindi naman talaga ikaw ang reyna ng buhay ko
Siguro. Ngunit ikaw ang araw ng umaapaw kong mundo
Hindi mo alam kung gaano kita iinibig
Na kahit puso't isip ko ay pumigil sa pagkabig

Mukhang tama ka nga rin naman
Tayo ay mga bangka lamang na pilit na ipinagkita
Upang kahit sanggayon ay makakaway sa isa't isa
Mga luha natin ay dapat ng punasan
Mailalayo man ang mga kamay, mga alaala ay hindi makakalimutan.

Hanggang dito nalang, Celeste Francisco.
Masakit man, kailangan na nating pakawalan ang damdaming ito.
Meet me in St. Gallen, please HAHAHAHAHA

-not necessary to read-

So, I was told to make a spoken poetry for Valentine's. The first thing I wrote was ****. Not kidding. Even I cringed when I read it HAHAHAHA
However I can't do anything about it since we needed to present it to the class after that day. Aannnd, thank the Almighty for giving me an inspiration wahahhaha. Well, I was hurt that night and it gave me the strength to write. ☺It had a looot of errors since I did not have the chance to proofread it LUL Kidding, I had all the time to do it but I was lazy. The presentation was moved to February 19 (today) so yes, you can call me lazy. I am talking about this because I was really flattered when I saw their reactions and when I heard their applause while I was presenting our piece. Mayghad, thank you, Lord. It is entitled 'Iba't Ibang Uri' and maybe I'll post it here some time.

You did not really need to read this hahahaa I'm just really joyful today hehe.
Next page