Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
sugarhoneyseyy Sep 2017
SANA SA PANAHONG IBIBIGKAS KO ANG MGA SALITANG 'AYOKO NA SAYO' AY TULUYAN MO NG IIWAN ANG PUSO'T ISIP KO
  Sep 2017 sugarhoneyseyy
jermaine
Itong tula na ito ay para sayo -- hindi man magkatugma, pero gusto ko ay basahin mo ito. Hindi ko alam kung ako'y may pagasa ba sayo, dahil ako ay nalilito kung sino ba ang gusto mo. Ako ba o yung babaeng tinutukoy nila? Walang kasiguraduhan kung sino. Hindi ko maiwasang hindi umasa, hindi ko rin maiwasan na mawalan ng pagasa.

Nawawalan na ako ng dahilan para umaasa pa, umasa na maging tayo. Ang hirap pag walang label, hindi mo alam kung anong meron sainyo, at katulad ng nararamdaman ko ngayon, nalilito at hindi alam ang gagawin.

Gusto ko nang bumitaw, ngunit ako'y natatakot na ang puso mo ay ako ang sinisigaw balang araw. Nasa gitna ako ng "letting go" at "don't let go" hindi naman kasi tayo close at ang mahirap pa pangalan lang ang alam ko tungkol sayo.

Gusto ko sanang umamin sayo, ngunit ang ikinakatakot ko ay baka ma-reject ako. Ako'y kinakabahan na may halong hiya, kaya wala akong lakas na umamin na **crush kita.
:((
sugarhoneyseyy Sep 2017
"Walang imposible, kailangan mo lang maniwala" sabi ni Mika sa Love You to the Stars and Back

Yan yung pinanghahawakan ko ngayon at sa mga susunod na araw...



Posible nga bang magkagusto ka sakin?
o
Posibleng di ka magkagusto sakin?
comment down below :)))) kung ano sa palagay niyo ang sagot hehe
sugarhoneyseyy Sep 2017
nakahiga ka sa aking kandungan, maraming tao ang nandoon at nagsasalita ngunit nakapako lang aking paningin sa iyo nang bigla kang nagtanong...

"Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?" nakatitig ka sakin at hinihintay mo ang sagot ko sa tanong mo pero wala akong balak sagutin ang tanong mo kasi miski ako di ko rin alam ang sagot...

Nagising na lang ako na gusto na kita, walang dahilan kung bakit kita nagustuhan

Siguro nga, tama ang sinasabi ng karamihan "magigising ka na lang na mahal mo na siya"
sorry, kung medyo magulo hehe
sugarhoneyseyy Aug 2017
"sana ako na lang yung katabi niya"
yan ang mga salitang binitawan ko noong unang araw ng pasukan
di pa naman kita kilala noon, kaya ako'y nagtataka kung bakit ko naisip iyon

ika'y nasa harapan at ako naman ay nasa likod, malayo sa iyo
ngunit di ko alam kung narinig ba ni Lord ang kahilingan ko at kanyang tinupad iyon

pangalawang araw, nagkaroon tayo ng bagong kaklase kaya naiba ang ayos ng upuan at sa hindi inaasahan, ika'y aking nakatabi
di ko alam kung pano ko ipapaliwanag ang aking nararamdaman nung mga panahon na iyon

di pa tayo magkakilala pero sobrang daldal mo na, napakafeeling close mo
alam ko talaga sa sarili ko na hindi kita magugustuhan kasi punyeta ang yabang yabang mo, gwapong-gwapo ka sa sarili mo

pero mali pala ang akala ko, sa bawat quarter nagiiba ng pwesto ng upuan, pero bakit ganon? lagi tayong magkatabi
sa sampung buwan na tayo ay magkaklase/magkatabi, nalibot na ata natin yung apat na sulok ng silid-aralan

di ko alam na sa loob ng sampung buwan na iyon ay mahuhulog ako sayo kasi sino ba namang tao ang hindi mahuhulog sa isang tulad mo?
yaw q na huhu
sugarhoneyseyy Aug 2017
Ano bang meron siya na wala ako?
Di hamak naman na mas matagal mo kong nakasama kaysa sa kanya.
Mas pinaramdam ko kung gaano ka kahalaga
Eh siya? Hindi siya napapagod na itaboy ka
Samantalang ako, hindi napapagod sabihin sayo kung gaano kita kamahal

Ito lamang mga tanong ko...
Ano bang meron siya na wala ako?
Bakit hindi na lang ako?
Ako itong nandito pero iba ang hinahanap mo..
PAANO BA MAGMOVE ON!!!
  Aug 2017 sugarhoneyseyy
ZT
Kung alam ko lang na mamimiss kita nang ganito,
Hindi na sana ako umalis.
Kung alam ko lang na ganito pala kasakit,
Hindi na sana kita binitiwan.
Kung alam ko lang na mahuhulog ako sayo nang ganito ka lalim,
Hindi na sana kita minahal

Pero ang totoo ay,
Alam ko...
Matagal ko nang alam,
Alam na alam ko

Pero..

Alam ko.. Alam ko na mamimiss kita nang labis

Pero.. pero
Kailangan kong umalis at iwan ka,
Kasi alam kong mali.
Mali ang makapiling kita

Alam ko na masasaktan ako nang sobra,
Pero kailangan kitang pakawalan
Dahil.. kailanma'y
hindi ka talaga naging sakin

Alam ko na mahuhulog ako sayo nang napakalalim...
Pero hinayaan ko parin ang sarili ko na mahulog sayo

Nagbabakasakali na sana, sana
Possible, maari, baka lang ay
saluin mo ako

Pero
Hindi eh..
Nahulog nga ako pero walang sumalo.

Kasi habang nahuhulog pa ako,
May kayakap ka na palang iba.

At nang bumagsak na ako sa lupa
Ang sakit..
Ang sakit sakit..
Nadurog na ang puso ko, wasak..
Was...Wasak na wasak na at
Nagkalat sa lupa

Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit?

Mas masakit
Kasi heto parin ako, hawak-hawak ang durog ko na puso
Naghihintay
Na mahalin mo rin ako...
nasubukan niyo na bang magmahal? umasa? at paasahin lamang?
nasaktan na, nawasak na ang puso.. pero nagmamahal pa rin?
Next page