Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Khayri RR Woulfe Nov 2018
Noong bata pa ako, nasaksihan ko kung paanong kantutin ng barako ang inahing baboy.
Bilang isang paslit, takot ang naramdaman ko nang makita ko ang umaagos na tamod mula sa tubo ng barako.
Habang lumalaki ako at nagkakaisip ay unti-unti ko ring nakalimutan ang nakagigimbal na karanasang iyon.
Subalit hindi ko lubos akalain na ang takot na aking naramdaman ay manunumbalik pagkalipas ng maraming taon.


Isa ang baboy sa pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming pamilya.
Pagkaraniwang tanawin na ito sa mga nayon.
Lagi rin silang makikita sa mga liblib na lugar na malayo sa kabihasnan.
Baboy na nakatali.
Baboy na nakakulong.
Baboy na tumatahol.
Baboy na nangangalmot.
Baboy na umaalulong.
Baboy na tumatalon.
Baboy na tumatakbo.
Baboy na lumalangoy.
Baboy sa kakahuyan.
Baboy sa kabundukan.
Baboy sa damuhan.
Baboy sa putikan.
Baboy sa ilog at pangpang.
Baboy sa bakuran.
Baboy sa daan.
Baboy sa katayan.
Baboy sa hapagkainan.
Baboy sa gitna ng handaan na may kagat pang pulang mansanas sa hindi mawaring kadahilanan.


Kabilang ang pamilya namin sa umaasa sa perang kikitain sa pag-aalaga sa mga baboy.
Madali lang silang alagaan.
Basta mayroon kang panustos sa kanilang pagkain sa araw-araw at kaya **** tiisin ang alingasaw ng kanilang napakasangsang na dumi at ihi ay ayos na.
Hindi rin sila gaanong maselan sa pagkain.
Kahit sapal ng niyog, darak, balat ng prutas, talbos ng kamote at tangkay ng gabi ay binabanatan nila.
Noong bata ako, isa ito sa mga paboritong gawain ko at hindi nagtagal ay napamahal na ako sa kanila.


May alagang baboy kami na minahal ko talaga bilang isang kaibigan.
Itago na lamang natin siya sa pangalang “Bikchi” dahil hindi naman talaga kami nagbibigay-pangalan sa mga baboy.
Paglaki nila ay mawawalay rin sila sa iyo.


Kakaibang baboy itong si Bikchi.
Biik pa lamang siya ay namumukod-tangi na siya sa kanyang mga kapatid.
Hindi siya sugapa sa pagkain.
Hindi ito ganid, hindi tulad nang sa isang tipikal na baboy.
Hihintayin muna niyang mailapag ang bahugan bago siya kumain.
Hindi rin siya malikot paliguan at hindi matigas ang ulo.
Kakaiba kumpara sa isang pangkaraniwang baboy.
Sabi nga ng nanay ko,
“Sana, lahat ng baboy ay katulad niya.”
At nang dumating ang panahong kailangan na namin siyang ibenta, umiyak ako nang husto at hindi kumain ng hapunan.


“Sus domestica,” sabi ng **** ko sa agham.
Domestic pig.
Walang gaanong talino.
Isang uri ng hayop na karne lamang ang pakinabang.
Marumi, sabi ng iba, pero sa iba, pera ang tingin nila rito.
Minsan, narinig ko ang kapitbahay namin na pinapagalitan ang anak niyang batugan.
“Punyetangina ka!
Puro kain-tulog na lang ang ginagawa mo, hindi kana tumutulong dito sa bahay!
Buti pa'y mag-alaga na lang ako ng baboy.
Kahit palamunin ay kikita pa ako!"


Simple lang ang buhay ng mga baboy.
Ipapanganak, kakain, tataba, at ibebenta (tumaba man o hindi.)
Isang simpleng dahilan na naging pamantayan na ng mga tao.
Hindi sila maaaring alagaan sa loob ng bahay dahil baboy sila: marumi.
Minsan, nakawala mula sa kulungan ang isang baboy namin.
Niragasa niya ang mga bagong tanim na kamote ni amang.
Binungkal niya ang buong taniman at halos walang itinira.
Nagalit sa amin si amang at sinabing,
“Dapat ay binabantayan ninyong mabuti 'yan kasi baboy 'yan!
Hindi gagawa ng mabuti 'yan!”


Nasa sekondarya na ako nang matuklasan ko ang iba pang kahulugan ng “baboy.”
Kahit pala tao ay maaari ding maging baboy—at mas masahol pa.
Nawili ako sa mga tayutay at talinghaga at madalas ay baboy ang tema ko sa aking mga tula.
Sabi ng aking ****,
“Kahit itago mo sa talinghaga, litaw na litaw pa rin ang mga baboy sa tula mo.”


Lumipas pa ang mga taon at naging bahagi na nga sila ng ating lipunan.
Hindi na lamang sila basta panghandaan at lamang-tiyan.
Karamihan sa kanila ay hawak na ang matataas na posisyon sa pamahalaan at nitong mga nagdaang araw ay palagi silang laman ng mga pahayagan.
Baboy na nasa balita.
Baboy na nagbabalita.
Laman ng mga diyaryo na tila isang balot ng lumpia.
Baboy na laman ng mga balota.


Unti-unti ay nagbalik sa aking ulirat ang isang eksena noong ako ay bata: ang umaagos na ***** na nagtanim ng takot at kababuyan sa aking murang isip.
Napagtanto ko rin sa wakas.
Doon pala ako takot: sa kababuyan.
Sa kantutan.
Sa kung paano nila kantutin ang ating Ina at tamnan ng nakasusulasok na semilya.
Sa paggawa ng mga baboy sa mga supling nilang baboy gamit ang lantarang pambababoy.


Sana, huwag na silang dumami.
Sana, bantayan natin sila dahil baboy sila at hindi sila gagawa ng maganda.
Mga baboy na alagain at patabain pero tayo ang ibebenta.
Kung makawala sa kulungan ay kahit kamote, walang ititira.
Sila ang dahilan kung bakit nasanay na tayong magmura.


Pero sana, lahat ng baboy, katulad ni Bikchi.
Written
17 April 2014

Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Khayri RR Woulfe Nov 2018
Through the hollows, into the grey
Across the rolling hills of pain
Run all night till the darkest day.



When shadows behind the mists play
Charge forward to the silent rain
Through the hollows, into the grey.



As our memories fade away
But the signs in the sky remain
Run all night till the darkest day.



As the leaves in the forest sway
Doubt the trees and keep on running
Through the hollows, into the grey.




When the road breaks along the way
As the shadows come forth crawling
Run all night till the darkest day.



When the time comes for us to play
As they come to where we're hiding
Through the hollows, into the grey
Run all night till the darkest day.
Written
05 November 2018


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Khayri RR Woulfe Aug 2018
Hindi na natapos ang bagyo
At muling bubuhos ang ulan
Hindi na natapos ang araw
Hanggang masunog ang kalangitan.


Walang patid ang hangin
Lahat ng bagay ay kayang liparin
Rumaragasa ang tubig
Ngunit walang luhang kayang pawiin.


Hinahanap pa rin ang umaga
Kahit tanghali ay lipas na
Hinahanap pa rin ang liwanag
Humupa man ang sakuna.


Gumuguho pa rin ang lupa
Tinatabunan ang nakaraan
Gumuguho pa rin ang bundok
Gumuguho rin ang kapatagan
Gumuguho ang mga burol
Gumuguho ang mapupurol
Matalim man ay guguho rin
Pasusukuin ng suliranin.


Gumuguho ang lahat
Gumuguho sa bandang huli.


Hindi na natapos ang pagkawasak
Bumabagsak ang tulay na puno ng bitak.


Hindi na natapos ang paglisan.
Basa pa ang libingan,
May ihahatid muli sa himlayan.


Hindi na natapos ang unos
Delubyo sa gitna ng buhawi
Lindol sa gitna ng tagtuyot
Hinagpis sa gitna ng pagkamuhi.


Panaghoy sa dulo ng pagkasawi.


Dito na lang ako sa lilim
Kung saan nag-aagaw ang liwanag at dilim
Magkukubli sa isang sulok
Hanggang lamunin ng alikabok.


Hindi na natapos ang gabi
At tumigil ang orasan
Hindi pa tapos ang bagyo
Ay bumubuhos muli ang ulan.
Written
12 August 2018


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Khayri RR Woulfe Jan 2018
Bagong-bago
no'ng panahon ni Nokia


Oras-oras
keypad tinitipa


Upang maabot
ang final level


Na babalik din
sa unang level


Cheat code gamitin na
para mas masaya


Everwing ni FB
ay walang panama.
Written
10 August 2017


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Khayri RR Woulfe Jan 2018
Craving, hunting for human flesh
Obnoxious beasts have been unleashed
Roaring, growling, killing spree
Piercing limbs menacingly
Severed heads hang on the tree
Eyes are watching, run with me.
Written
01 November 2015


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Khayri RR Woulfe Dec 2017
May you never
rest in peace

In your grave
bereft of grace

Yield your worms
and decompose

All your flesh
and blood and bones

Kangkong is veggie
that grows in water

Okra is known as
the Lady Finger.
Written
02 August 2017


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Khayri RR Woulfe Dec 2017
Isang batang babae
ang pangalan ay Izabel


Zabel ang palayaw
nakasuot ng kahel


Ang lahat ng ito
ay pangarap niya lang


Batang babae
isa palang hukluban


Eskandalo niya ay
kanya nang tinatakasan


Lahat ng patunay
pilit niyang pinagtatakpan.
Written
02 August 2017


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Next page