Jamela Aug 18

Ngayong gabi'y tutulo ang mga luha,
Iniluwa ng gabi, gaya ng pag saklob sa mga dukha,
Ikaw na nakahandusay, at trinaydor ng dilim,
Asan na si Lando na may hawak na patalim?

Ngayong gabi'y dadanak ang luha,
Gaya ng pag humuho ng mga katawang
Binusabos ng sangkahayupang
Tinatawag niyong pulisan.

At bukas pag sikat ng araw,
Itong pagtangis ay mapapalitan ng uhaw
Sa dugo't hustisya para sa bayang
Pinapatay dahil "nanlalaban".

Jamela Aug 18

Mula sa unang pagdilat, minahal na kita.
Kinilala mula sa mga mga huwad na sopista,
Ngunit isang araw may nakapagsabi
Na anong na lamang ang silbi
Ng pag-ibig kung hindi ko mahal ang sarili.

Kinagabihan ay nilisan ka,
Nag-aatubiling mang-iwan pa
Sapagkat sino na lamang ang magmamahal sayo, kung hindi ako?

Para sa mga Pilipinong minsa'y nag-alinlangang lisanin ang bayan, bago tuluyang yakapin ang kultura't buhay banyaga.
Jamela Aug 18

Kaya't babalik tayo sa simula
Kung bakit ba ako napasulat ng tula
Sapagkat natapos na ang maikling dula,
Kahit na hindi ko man lang namalayan,
Na kasali na pala tayo sa tanghalan.

Ngayo'y naiwan tayo dito sa entablado,
Batid mo ba na para makasabay sayo,
Pinilit kong maging eksperto sa teatro?
Ngunit ano mang pilit bagalan,
Ang bawat yugto ay may katapusan,
Gaya na lamang ng ating lokohan.

Isang araw bigla ka na lang tumahimik,
Hindi na lang ako umimik,
Nag-alinlangan na baka ako lang ang nag-iisip;
Naghihintay, nagtataka, naiinip.

Hindi naman ako manhid, o makitid
Natanggap ko na ang mensaheng
duwag kang ipabatid,
Na hindi na tayo makababalik sa dati;
At sa wakas, naubos na ang mga masasabi,
Hindi na ako ang huling kausap mo sa gabi,
Ni hindi na rin ako ang iyong kakampi,
Bukas makalawa, mawawala ka na sa aking tabi.

Kaya'y uunahan na kita't muling isasara,
Ang isipang sayo'y dati'y bukas,
Buburahin ang ating bakas,
Dito sa dibdib na hanggang ngayo'y nakabara,
Bilang isang pahimakas,
Sa'yo, sa akin, sa atin.

  Aug 12 Jamela
Robert Frost

Whose woods these are I think I know.
His house is in the village, though;
He will not see me stopping here
To watch his woods fill up with snow.

My little horse must think it queer
To stop without a farmhouse near
Between the woods and frozen lake
The darkest evening of the year.

He gives his harness bells a shake
To ask if there is some mistake.
The only other sound’s the sweep
Of easy wind and downy flake.

The woods are lovely, dark, and deep,
But I have promises to keep,
And miles to go before I sleep,
And miles to go before I sleep.

  Aug 9 Jamela
Edgar Allan Poe

It was many and many a year ago,
  In a kingdom by the sea,
That a maiden there lived whom you may know
  By the name of ANNABEL LEE;
And this maiden she lived with no other thought
  Than to love and be loved by me.

I was a child and she was a child,
  In this kingdom by the sea:
But we loved with a love that was more than love—
  I and my ANNABEL LEE;
With a love that the winged seraphs of heaven
  Coveted her and me.

And this was the reason that, long ago,
  In this kingdom by the sea,
A wind blew out of a cloud, chilling
  My beautiful ANNABEL LEE;
So that her highborn kinsmen came
  And bore her away from me,
To shut her up in a sepulchre
  In this kingdom by the sea.

The angels, not half so happy in heaven,
  Went envying her and me—
Yes!—that was the reason (as all men know,
  In this kingdom by the sea)
That the wind came out of the cloud by night,
  Chilling and killing my ANNABEL LEE.

But our love it was stronger by far than the love
  Of those who were older than we—
  Of many far wiser than we—
And neither the angels in heaven above,
  Nor the demons down under the sea,
Can ever dissever my soul from the soul
  Of the beautiful ANNABEL LEE.

For the moon never beams without bringing me dreams
  Of the beautiful ANNABEL LEE;
And the stars never rise but I see the bright eyes
  Of the beautiful ANNABEL LEE;
And so, all the night-tide, I lie down by the side
Of my darling, my darling, my life and my bride,
  In her sepulchre there by the sea—
  In her tomb by the side of the sea.

Jamela Jul 15

Past East Street, farther than the Parkway drive
Where the trodden path ends; where ends the 8 to 5,
Where the strained eyes close, where the dreamers thrive,
In its 5ft. glory lies my lair, The Hive.

An oxymoron, the contradiction
Where else shall you cease, to exist?
To be shackled, and freed?
If not on your bed, but in your head?

Thus, on a pulpy heavenly plate,
Neck up; so to goes my crown, my glory
The what ifs and the would be;
Along with the ayes and nays to bury
To traverse the beyond to inifinity
To, and remain sedate
Amidst the activity.

Jamela Jul 9

Sinungaling ako.
Sa totoo lang, eh, gusto ko mapag-isa, tangina, lubayan mo ako
Ang gusto ko lang ay magkulong sa madilim kong kwarto
Ibaon ang bumabagabag sa isipan kong magulo, at ginugulo
Katahimikan lang naman ang gusto ko
Kaya, please lang, lubayan niyo ako

Ang kaso nga lang, eh, sinungaling ako.
Ganiyan na lang ba sa'yo kadali ang iwan ako?
Kung sa bagay, ano nga bang alam mo?
Hindi naman ikaw ‘tong napupuyat, iyong naalimpungatan sa kalagitnaan ng gabi, at gumigising ng may kirot sa dibdib.
Hindi naman ikaw iyong pilit na nagkukungyari, ngumingiti, at tumatawa na parang may sanib.
Hindi naman ikaw iyong pag gising na pag gising ay ngarag
Hindi naman ikaw iyong sinasabihan nilang sabaw, o bangag
Hindi naman ikaw ang nalulunod, natutulala, natatameme sa mga lumipas at nagaganap.
Hindi naman ikaw itong lumilipad ang diwa sa alapaap
Oo, hindi naman ikaw iyong hirap gumalaw para salubungin ang bawat araw
Oo, hindi naman ikaw ang hindi maka-sabay sa sayaw
Hindi nga ikaw

Kaya naiintindihan ko kung piliin mong lumisan
Naiintindihan ko kung hindi kita maaasahan
Alam ko namang wala kang maimumungkahing ibang paraan,
Manatili ka man, hindi mo rin ako mapapatahan
Pero kung aalis ka, huwag iyong dahan-dahan
Huwag mo akong ibitin sa kawalan
Iwan mo man ako, dapat iyong biglaan
Para hindi ako masyadong magdamdam
Ika nga nila, ang makataong pagpatay ay ginagawa ng mabilisan

Sige, humayo ka, at iwan mo ang lahat ng ito.
Pero sana, sana... tandaan mong sinungaling ako.

Samantala, magkunwari pa tayo, baka sakaling magka totoo.

Next page