Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Mar 31 · 51
Destiny
Dark Mar 31
Who really are you?
Should I say what are you?
Why do you need to make our lives harder?
Why do you need to make us experience such a great sorrow?
Why do you need to give us such a burden?
Is it really destined for us to be like this?
To be played by you.

I will ask this question again,
Who really are you?
Should I say what are you?
Just curious whyyy destiny let us meet, but we can't be together and alsoo why destiny always give us problems.. lolz
Mar 24 · 3.0k
Patuloy
Dark Mar 24
Mahal, tanda mo pa ba yung pangako ko,
Yung pangako ko na mananatili ako sa tabi mo,
Mahal, sinabi ko sayo na aalis lang ako pag sinabi mo,
Kaya kong manatili sa piling mo kahit na nasasaktan na ako.

Kahit na alam kong pampalipas oras mo lang ako nanatili parin ako,
Tanga na kung tanga pakielam ko,
Eh mahal kita,
Kahit na alam kong wala na akong pag- asa,
Kahit na alam ko na may mahal ka ng iba
Nandito pa rin ako sa tabi mo at may ngiti sa labi ko,

Hindi ko malaman kung saan ako nagkulang,
O sadyang di mo lang makita yung halaga ko,
Masakit man isipin na gwapo siya,
May makinis na mukha
Nakakahiya nga pag pinagtabi kami,
Isang tingin sakanya tao talaga,
Ako? Abnormal tingan walang wala kumpara sa kanya.

At ito pa ang mas masakit pag lagi mo siyang kwento,
Para kayong bumubuo ng mundo,
Kung saan lahat ay perpekto,
Ikaw at siya hindi nga maipagkakaila na perpekto nga,

Alam mo ba na ang saya ko noong hawak ko ang iyong kamay,
Para ako ay nasa ulap dahil sa lambot ng iyong kamay,
Ang bilis ng tibok ng puso ko para na nga akong mamatay,
Nakakahiya pa nga eh pasmado yung kamay ko,
Mas lalo akong natuwa nung di mo inagaw ang mga kamay mo na kayakap sakin,

Pero sabi nga nila lahat ng saya ay pandalian at kalakip nito ay sakit,
Simula noong nadaan natin siya,
Ang mga kamay natin na magkayakap,
Ay unti-unting nag hihiwalay ang pagkakayakap,
Feeling ko nga rebound mo ako,
Alam ko na walang tayo,
Pero base sa mga pinapakita mo ay meron talagang ikaw at ako,

Nag hahawak kamay,
Nag yayakapan,
Nag aaylabyuhan,
Kulang na nga lang maghalikan eh,
Pero lahat yun diko alam kung pangkaibigan lang o ibang level na,
Akala ko nga may pag asa ako eh,
May pag asang magkaroon ng titulong ikaw at ako,
Mga akala na magiging masaya tayo,
Ayan nanaman ako sa mga akala ko,
Puro akala akala akala pero sa huli di nmn nag katotoo,

Mahal kita,mahal kita,mahal kita yan ang paulit ulit kong gustong sabihin sayo,
Syempre sasagutin mo rin ako na mahal kita,
Ang saya saya pag lagi mo sinasabi na mahal mo rin ako,
Pero napapaisip ako kung galing ba sa puso mo ang mga salitang binitawan mo,
O napipilitan ka lang sabihin yon,

Dahil advance ako mag-isip uunahan na kita,
Mahal pasensya ka na ha,
Kung hindi ko na matutupad yung mga pangako ko,
Pangako na malapit na mapako,
Hindi ko sinabi na diko matutupad,
Pero parang papunta na,

Sana wag mo kong hayaan umalis,
Baka makita mo na lang ako nasa piling na ng iba,
Pero sabagay pano mo nga pala ako makikita kung ang mga mata mo'y laging nakatuon sa kanya,
Jan 9 · 95
Fair
Dark Jan 9
They keep asking theirselves why love is unfair,
But for me love is fair,
We can't accept that love is fair coz were scared,
Why scared?

Someone will leave,
Someone will come,
Someone wil break you,
Someone will fix you.

We're scared to love again,
Scared to feel the pain,
Scared to love the person who will come and fix us,
And I regretted not loving her.
Plsss give me feedback I am not really into english poem
Dec 2018 · 90
Oras
Dark Dec 2018
Lagi na lang bang ganito,
Tatawagan mo lang ako pagkailangan mo ako,
Lagi na lang akong pangalawa para sayo,
Isa rin akong pampalipas oras mo.

Bakit lagi nalang akong pangalawa?
Dadating ba yung araw na ako yung pang una?
Dadating rin ba yung araw na wala kang pagpipilian saming dalawa,
Ipaparamdam mo ba sakin yung pakiramdam na ako lang sapat na.

Makakagawa ba tayo ng mundo?
Yung mundong ikaw lang at ako,
Yung walang makikisaw-saw sa ating pagmamahalan na tayo ang bumuo,
Pero natandaan ko option mo nga lang pala ako.

Alam mo ba kung bakit ko hinahyaang maging pampalipas oras mo?
Simple lang kasi gusto kong mapansin mo ako,
At masaya ako pag kausap ka,
Kahit alam kung panandalian lang.
Dec 2018 · 18.6k
Maskara
Dark Dec 2018
Alam mo ba ang tunay kung nararamdaman,
Mga galaw mo na kaya akong saktan,
Tapos hindi mo alam,
Lahat ng sakit kinikimkim ko,
Para lang di mo lang ako masabihan ng walang tayo.

Sasabihan mo rin ako ng bakit ka ba ganyan dinaman kita jowa,
Ang sakit sobra,
Kaya lahat ng nararamdaman ko dinaan ko sa tula,
At sinasabi ko sayo lahat ng tula ko para naman matamaan ka.

Ang manhid mo grabe,
Hindi ko na alam ang gagawin,
Sinabi ko na sayo lahat ng ibig sabihin ng mga tula ko pero wala parin,
Alam mo bang yung pahanon na may kahawak kamay ka,
Nag selos ako pero sino nga ba ako para maramdaman yon.

Nasasaktan ako lalo na sa mga pinagsasabi mo,
Yung mga salita mo na parang kutsilyo na tinutusok ako,
Nag sabi ka ng I love you,
Pero hindi pala totoo.

Bakit kailangan mo pang sabihin?
Yung salitang kaya ako paasahin,
Kung hindi naman sa puso mo nanggaling,
Ang sakit isipin lahat pala yun ay hanggang pang kaibigan lang pala.

Sinabi na nila sayo na nasasaktan ako deep inside,
Tas ikaw tumatawa,
Ano yung feelings ko clown para pagtawanan mo,
Ang sakit sakit na.

Hindi ko alam kung bakit ka tumatawa pero nasasaktan na ako,
Hindi ko na kaya,
Sana wag dumating yung araw na aalis ako,
Kung saan sa huli mo lang narealized ang lahat nang sinasabi ko sayo.

Sana dumating yung araw na pagsisihan mo yung pag alis ko,
Pero sino nga ba ako para sayo?
At bakit kailangan mo pang pagsisihan ang pag alis ko,
Isang hamak na kaibigan lamang ako.

Sana rin dumating yung araw na hindi ako aalis,
Kasi may tayo,
May ikaw at ako,
At yun ay isang panaginip na imposobleng mangyari.
Nov 2018 · 103
Wala
Dark Nov 2018
Ano mo ba talaga ako?
Sino nga ba ako para sayo?
Ano bang relasyon meron tayo?
Meron bang ikaw at ako?

Hindi ko alam kung paasa ka ba,
O sadyang umaasa ako sa wala,
Minsan ika'y malambing,
At minsan rin ako'y estranghero sa iyong paningin.

Pagod na ako kakasuyo sayo pag ika'y nagtatampo,
Pagod na rin ako kakaisip kung meron bang tayo,
Sawang sawa na ako masaktan,
Sobra na ang mga sakit na ibibigay mo sa akin.

Tanda mo pa ba ang araw na umamin ako sayo,
Umamin ako ako na mahal kita at ang sagot mo,
Pasensya na hanggang kaibigan lang ang maiibibgay ko,
Na paka tanga ko para maniwala sa isang katulad mo.

Sabagay, bakit ko nga ba linagyan ng halaga ang mga salita mo?
Tapos sa huli ako ang matatalo,
Kasi may mahal ka ng iba,
At ako nasa isang tabi na walang kwenta.

Akala ko parehas tayo ng nararamdaman,
Mga akala na nagawa akong saktan,
Hindi ko alam ang gagawin ko,
Lalo na pag kasama mo siya at hindi ako.

Hindi ka ba masaya sa piling ko,
Para siya ang piliin mo at hindi ako,
May kulang pa ba sakin?
Para siya ang papasukin sa puso mo,
At hindi ako.
Nov 2018 · 83
Ghost
Dark Nov 2018
I can hear her voice
I can see her face,
Her beauty is like a goddess,
And her voice is like a harmony in my ears.

She's brave,
That she can make me her slave.
But why others are blind?
And why can't they see our fairyland?

Why can't they see her?
Why can't they see my lover?
They keep asking why I am always frenzy
And they always keep on saying that I am crazy.

I remember what she said to me,
Our relationship and I are pure illusion,
I was created by your imagination,
And you're in a state of hallucination,

I realized that I am alone,
The gap between us is like parallel lines,
We can see each other,
But we can never intersect to each other.

We're like yin and yang,
If we collide we're like a snake that has poisonous fang,
We're like an angel and demon,
We can't love each other because there is a reason.
Nov 2018 · 6.2k
Republika Filipina
Dark Nov 2018
Isang republika na gawa sa pangarap,
Pangarap na walang kasing sarap,
Pangulo na karapatdapat sana'y mahanap,
Upang pangangarap ay makita kahit isang sulyap.

Pero pano natin ito magagawa kung tayo'y nakakulong,
Ang nakaraan na kinulong tayo sa isang selyadong kabaong,
Na hanngang ngayo'y tayo'y nakalibing,
Dahil produktong banyaga'y ating laging hinihiling,

May pag-asa pa ba tayong lumaya?
May pag-asa pa ba tayong umiwas sa hiya?
Kung lagi tayong kumokopya,
Kailan pa ba tayo tunay na liligaya?

Tama nga ang sinabi ni heneral Luna na "hindi natin kalaban ang amerikano o ang espanyol dahil ang tunay nating kalaban ay sarili natin",
Paano tayo tatayo sa sarili nating paa kung tayo'y nagpapaalipin,
Ang sugat ng kolonisayon ay ating gamutin,
Wag hayaang tayo'y lamunin.

Produktong pilipino'y mahalin,
Hindi ang produkto ng banyaga ang tangkilikin,
Sariling wika ang aralin,
Hindi ang wikang tayo'y paiiyakin.

Pero ang mga hiling ko'y napakahirap makamit,
Dahil tayo'y isa paring yagit,
At nagpapagamit,
At masasabi kung tayong mga pilipino ay punit.
Nov 2018 · 233
Friends to Strangers
Dark Nov 2018
We are like brother and sister,
Until the day that we became strangers,
The friendship that I keep,
It is now in the ocean deep.

Happiness is our start,
Until love tear us apart,
I know I broke your trust,
Can we go back to the past?

I want to live in a dream,
When we were always a team,
I want a title name you and me,
But I realized it's you and him.

Our friendship is over,
But remember I am always in the shadow of your lover,
How I wished to be free,
Like a bird that can flee.
Nov 2018 · 80
Umaasa
Dark Nov 2018
Patuloy paring umaasa,
Dahil sa mga kilos mo na paasa,
Mga kilos na nagbibigay pag-asa,
Sa puso kong parang tasa.

Bakit mo ba pinagkakait?
Ang pag-ibig na kaakit-akit,
Ang pag-ibig na langit,
Ngunit naging mapait.

Bakit sayo pa tumibok ang puso?
Puso'y sa huli'y naging piraso,
Akala ko'y pag-ibig mo'y paraiso,
Ngunit ito'y pala'y abuso.

Masakit umasa,
Sa taong parang diyosa,
Ngunit paasa,
Ang pag-ibig ay puno ng sorpresa.
Oct 2018 · 2.8k
Nalilito
Dark Oct 2018
Sino nga ba ang pipiliin?
Ako'y nalilito sa babae'ng mamahalin,
Parehas na inaangkin,
Sino nga ba ang mamahalin?

Sila'y parehas na mahal,
Parehas na espesyal,
Parehas na minamahal,
Sino nga ba ang orihinal?

Puso'y nalilito,
Ang puso ko'y magulo,
Sino nga ba ang paborito?
Sino nga ba ang gusto?

Parehas na ayaw mawala,
Pinipiglan ng masasayang alaala,
Pagmamahal sa ka nilang dalawa gusto nang mawala,
Upang dina makagawa ng malaking pinsala,
Oct 2018 · 184
Ilusyon
Dark Oct 2018
Isang magandang relasyon,
Gawa sa purong ilusyon,
Sa mundo ng makabagong henerasyon,
Bat hindi totohanin ang ilusyon?

Pagmamahal na huwad,
Ako'y naloko agad,
Dahil ika'y lubos na hinahangad,
Bat ganyan ang iyong personalidad?

Ika'y minahal ng sobra,
Sukli ay pagmamahal na basura,
Ako'y nakikipaglaban sa gera,
At ika'y na sa isang sulok nagbibilang ng pera.

Pambihirang pag-ibig yan,
Pag-ibig na kalokohan,
Ako'y nahihiya dahil ako'y ipinagpalit sa kayamanan,
Kaya't ika'y kinasusuklaman.
Oct 2018 · 3.6k
Kathang-isip
Dark Oct 2018
Araw gabi ikaw ay iniisip,
Bat ayaw mawala sa isip,
Pati pag-tulog ika'y laging nasa isip,
Sa mahihimbing kong pagtulog ika'y laging nasa panaginip.

Masayang pangyayari di mawawaglit sa aking isipan,
Dahil ikaw ang bumobuo ng buhay kong may hangganan,
Kaya't sana iyong tandaan,
Puso ko'y iyong pangalagaan.

Ika'y inaasahan,
Maging kasintahan,
Ika'y aking nagustohan,
Kaya't sa huli ako'y naparusahan.

Pero ang ating relasyon ay isang kathang-isip lamang,
Relasyong aking isinilang,
Dahil sarili ko'y linilinlang,
Ako'y nanghihinayang.
Oct 2018 · 120
Hanggang kailan
Dark Oct 2018
Hanggang kailan ang pagsasama natin,
Alam kong hindi na natin kayang abutin ang mga pangarap natin,
Hanggang kailan na lang, hanggang isang lingo, isang buwan, isang taon,
Hanggang kailan?

Sabihin mo lang kung di mo na kaya,
Dahil ititigil ko na ang relasyon na di na kaaya-aya,
Kaya’t susulitin ang mga panahon na kasama kita,
Yung panahong akin ka pa.

Tanda mo pa ba ang mga panahong perpekto,
Yung mga panahong mahal mo pa ako,
Mga panahong ako pa ang tinitibok ng puso mo,
Ang panahong masaya pa tayo.

Ngunit ang panahon ay lumipas,
At ang pag-ibig natin ay kumukupas,
Pero ang mga masasayang panahon na ating ginawa ay di kukupas,
Kaya ang relasyon ay parang sopas.
Oct 2018 · 3.6k
Selos
Dark Oct 2018
May karapatan ba akong mag-selos?
Kung ako'y nasa isang sulok nakagapos,
At tignan ka na walang halong bastos,
At masaktan pagkatapos,

Hanggang kailan ko ba ipaglalaban,
Ang digmaang wala akong laban,
Kung saan ako lang ang lumalaban,
At walang kasamang lumaban.

Ika'y aking tunay na mahal,
Pagmamahal na illegal,
Ako'y sana mag susugal,
Ngunit natandaan ko sa ating dalawa ako lang pala ang nagmamahal.
Oct 2018 · 88
PAG-IBIG
Dark Oct 2018
Ano nga ba ang pag-ibig?
Pag-ibig ba na masarap sa pakiramdam?
Yung pakiramdam na buo ka na
Na di mo na kailangan lahat ng bagay na makakapag pasaya sayo dahil siya lang sapat na sobra sobra pa.

Pero ano nga ba ang tunay na  ibig sabihin ng pag-ibig?
Ang sabi ng iba ay masaya, malungkot, at higit sa lahat masakit,
Pero para sakin na batang walang kamuwang muwang sa mundo,
Ang pag-ibig ay isang pakiramdam na na higit sa salitang masaya malungkot at masakit.

Dahil isa tong pakiramdam na dalawang taong tunay na nag mamahalan lamang ang nakakatamasa,
Kahit na akong batang may gatas pa sa labi di rin alam ang tunay na ibig sabihin nito,
Pero kung ako ay tatanungin ang pag ibig ay sagabal lamang sa pag-aaral,
Pinapunta tayo ng ating magulang sa iskwelahan upang mag aral hindi humanap ng kasintahan.

Kaya isang payo lang sa aking kapwa mag-aaral,
Mag-aral na lamang,
Hindi ko ginawa itong tulang ito para patamaan ang mga istudyanteng may kasintahan na,
Ginawa ko itong tula para kayo mamulat sa mga bagay na hindi pa dapat natin  ginagawa.

— The End —