Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Bryant Arinos Aug 2018
Ako si Juan

Para kanino ba ang pangalang yan?
Para sa taong may pinag-aralan?
Para sa taong may pinaghirapan?
O para rin sa mga taong nahihirapan?

Mga tanong yan na umiikot sa mundong kinabibilangan ko.
Hindi ko piniling maging ganito pero ito na ata ang isinulat sa tadhana ko.
Ang maging di kanais-kais sa paningin
At mas lalong di maging kapansin-pansin.

Ako Si Juan

Pilipino rin ako pero bakit tingin niyo sa akin walang kwentang tao?
Pilipino rin ako at hindi ko ninais na maging ganito ang buhay ko.
Oo pilipino rin ako pero bakit parang ayaw niyo akong tanggapin bilang tao sa lipunang ito?

Dahil ba marumi ang damit ko?
Dahil ba nangangamoy araw ako?
Dahil ba wala akong napagaralan?
O dahil di na ako katangap-tangap?

Ako si Juan

Pakiusap wag niyo akong husgahan dahil sa ako'y mahirap
Di ko pinili ang takbo ng buhay na mayroon ako.
Di ko piniling maging pulubing palaboy-laboy
At higit sa lahat

Di ko piniling mawala ang lahat.

Ang pera, ang pagkain, ang tirahan, ang pamilya, ang inumin ang kaibigan.

At hindi ko pinili ang maging mahiral.

Pasensya ate, kuya, kung lagi ko kayong kinukulit para sa kaunting pansin.
Pasensya na ate at kuya kung kinakalabit ko ang mga damit ninyong mamahalin.
Pasensya na ate at kuya kung sa bawat pagdaan ninyo'y nababahuan kayo sa akin.

Pero maliban sa pera, palimos naman po ng panalangin.

Panalangin na sana'y hindi ako sumuko sa ibinigay saking pagsubok
Panalangin laban sa lahat ng bagay na nagdala sakin sa pagkalugmok
Panalangin na hindi ako paano sa daan kapag ako ay natutulog
At panalangin na sa paggising ko'y may lakas pa rin akong bumangon.

Pasensya kung gagamitin ko pa ang pangalang Juan na simbolo ng pagiging likas na Pilipinong may pinagaralan

Pero sana maisip niyo na di ko kailangan ng mga bagay na sa aki'y magpapayaman

Ang kailangan ko ay ang intindihin niyo ang aking kalagayan

Kung makikita niyo man akong naglalakad o nakaupo sa lansangan

Maaari bang sumigaw kayo o tawagin niyo ako sa pangalang Juan?

Dahil minsan rin sa buhay ko ay katulad niyo rin ako

Napaglaruan lang ng tadhana at nawala lahat ng meron ako.

Pulubi ako, mabaho, konti ang nalalaman, walang panligo, pangkain, perang pambili ng gamot pangotra sa sakit na dala ng paligid.

Pero ito ang tandaan ninyo,

Huling mensahe ni lumang Juan para sa mga makabagong Juan

Ako si Juan

Pagnakita ninyo ako wag niyo akong pandirian
Subukan niyong kilalanin ako maliban sa aking pangalan

Wag niyo akong husgahan na ipambibili ng droga ang naipon kong barya

Wag niyo akong husgahan na nagtatrabaho ako sa isang sindikatong galawan.

At sana'y ako'y inyong alalahanin at wag niyo sana akong kalimutan

Na minsan sa buhay ko na nakapagpakilala ako na "Ako Si Juan ang dating Pilipino na ngayo'y tinatakwil na ng lipunan."
Bryant Arinos Jul 2018
Pinakikinggan lang kita kapag nagkikwento ka
Ayaw kong iniistorbo ka kasi nakikita kong masaya ka
Pero sa bawat bigkas mo ng mga binuong mga letra, sa'kin iba ang tama
Lalo na't iba ang dating ng bawat salita.

Masaya ka at nakangiti,
Ang sarap **** ipinta.
Yung mga ngiti na dati'y sa'kin nagmumula,
Sa iba mo na ngayon nakukuha.

Yung lambingan natin... sa iba mo na nanagawa.
Yung init na kailangan mo pag maulan... naibibigay na ng iba.
Gusto ko sanang malimos ng pansin,
Buti nalang napakwento ka...

Buti nalang may silbi pa akong natira.

Di mo lang kasi ata pansin
Pero nasasaktan rin ako

Nagseselos rin ako...
Nagseselos ako.

Buti pa siya napupuri mo
Buti pa siya pinapansin mo
Buti pa siya naipagmamayabang mo
Buti pa siya.

Pero ayos lang
Sino ba naman ako?
Ako lang naman to,
Yung sinasabi **** mahal mo at ako na nagmamahal sayo...

Kaso ako rin ata yung unti-unting kinakalimutan mo.

Wala naman akong magagawa kung sabihin **** ayaw mo na.
Kung itutulak mo ko palayo
Kung pipilitin mo kong lumayo.

Dahil oo tahimik lang ako.

Pero mahal, nasasaktan ako.
Bryant Arinos Jul 2018
Ito nanaman tayo,
Walang pansinan,
Walang imikan,
Tahimik at walang kibuan.

Akala ko ba tapos na?
Bakit bumabalik pa?
Akala ko ba okay na?
Bakit naulit pa?

Pakiusap naman, magsalita ka
Sabihin mo kung anong problema
Kung sino ang dapat masisi sa ating dalawa.

Wag mo namang sarilihin,
Nandito ako oh, ba't di mo ko kausapin?
Kung may problema tayo ayusin natin
Hindi yung hinahayaan hanggang sa tayo'y patayin ng katahimikang dulot ng pag-aaway.

Kaya mahal ****-usap, magsalita ka dahil...

Hindi ko alam ang dahilan,

Hindi ako manghuhula.
Bryant Arinos Jan 2018
Alam kong ako ang laman ng isip mo
Alam kong ako ang laging sambit ng bibig mo
Alam kong ako ang tinitibok ng puso mo
Alam kong mayroong 'ako' sa mundo mo

Puyat ka sabi mo
Kakahintay sa reply ko
Pagod ka na sabi mo
Kaka-dial sa number ko
Ayaw mo na sabi mo
Dahil wala man lang akong reply ni isa sa mga text mo

Alam kong ayaw mo na
Alam kong pagod ka na
Alam kong sobrang nahihirapan ka
Pero pasensya ka na
Hanggang dito lang talaga

Minsan naisip ko
Dapat nga magpasalamat pa ako
Dahil dumating ka sa buhay ko
Pero pasensya na... hindi ikaw ang pinangarap ko

Sinubukan kong isipin ka
Sinubukan kong mahalin ka
Pinilit kong maging masaya
Pinilit ko kahit hindi kaya
Paulit-ulit, walang palya
Araw-araw, gabi-gabi
Sinasabi sa sariling dapat ikaw lang
Naniniwala sa kasinungalingang 'tayo lang'

Sana nga ikaw na lang
Sana nga tayo na lang
Sana hindi na lang sya

Pero pasensya na talaga
Sinubukan ko naman
Pinilit ko naman

Pero tama na siguro na magising tayo pareho
Tanggapin mo na lang ang pasya ko
Dahil dito sa mundo ko walang ikaw at ako
May iba akong gusto at hindi ikaw ang taong iyon
Bryant Arinos Jan 2018
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya,
Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo.
Kasama kita sa maikling panahon,
Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala.

Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok,
Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos.
Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok…
Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos

Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok.
Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,,
Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa.
Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok.

Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa
Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana,
Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko.
Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
Bryant Arinos Jan 2018
Susunduin kita, baka maghintay ka nang kaunti
Darating ako, baka pawisan pa at naiihi
Wala pa akong kotse kaya sa jeep tayo sasakay
Pero sa buong byahe natin, ‘di ko bibitawan ang iyong kamay.

Kakain tayo kahit saan sa may Maginhawa
Tapos magbibiruan habang malakas na tumatawa
Sobrang bundat tayong pareho uuwi
At may mga tinga man, pareho tayong nakangiti.

Ihahatid kita kahit saan ka pa nakatira
Kahit inaantok na ako, baka nga tulugan pa kita
Pero hindi ko gagawin yun hanggat hindi pa kumakalso
Sa manipis ko ngang balikat ang napakaganda **** ulo.

Hindi perpekto ang mga panahong kasama mo ako
Hindi kumpleto ang ako na kakilala mo
Ikaw kasi sana ang pupuno sa aking mga kakulangan
Kaso kinompleto ka na niya. At hindi mo na ako kailangan.
Bryant Arinos Jan 2018
Ako na lang

Pwede bang ako na lang?
Yung karamay **** mag-isip kung saan kakain?
Yung hinihiling mo nang mataimtim sa iyong mga pananalangin?

Pwede bang ako na lang sana ang sasama sa’yo kung saan ka man pupunta?

Pwede bang yakap ko na lang yung sisilungan mo kapag sobrang pagod ka na?

Ako na lang mahalin mo.

Pwede bang ako nalang sana yung mahal mo?
Yung kasama **** nakangiti sa libu-libong mga litrato?

Pwede bang buhayin na lang natin yung mga pangako nating pinaplano?

Pwede bang ako na lang ulit ang magpapasaya sa’yo kapag pinepeste ka na ng tadhana?

Pwede bang kamay ko na lang ulit ang hahaplos sa mukha mo at papahid sa’yong mga pagluha?

Pero hindi na nga siguro pwede lahat ng iyon.
Kasi may kayo na.

At ako nalang.

Ako nalang ulit.
Next page