Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Baket ka naninimdim? Masakit na ba?
Baket ka malungkot? Nahihirapan kna ba?
Baket ka lumuluha? Pag asa ba'y ubos na?
Bket ka umiiyak? Ikaw ba'y susuko na?

Ika nga nila OKAY LANG YAN.
Buhay ka pa kaya ka nsasaktan
Buhay ka pa kaya ka nhihirapan
Ngunit alam mo na ito'y may kapalit na kagalakan

Ang lungkot ay parte na ng ating buhay
Na kung minsa'y nakapanlulupaypay
Ni Hindi mo alam kung saan nagmumula
Iisiping paano Ito nagsimula

Ngunit sasabihin ko Rin sayo,

Masaya lang ang salitang makakapag paliwanag ng kaligayahan
Masaya rin ang may kakakayahan makapagtago ng iyong nrarAmdaman,
Piliin mo maging masaya sa kabila ng iyong nararanasan
Piliin **** magalak khet ikay nahihirapan

Sapagkat  sa paraang masaya makakalimutan mo ang lahat
Sa paraang masaya madali lang ang lahat
Wag kang mawalan ng pag asa kung ika'y nagigising pa sa umaga
Sapagkat lakas ng loob sayo'y alam kong mahalaga

Dahil Sa panahon ngayon?

Sarili mo lang ang iyong maasahan
Sarili mo lang ang iyong matatakbuhan
Sarili mo lang ang iyong kaagapay
Hanggang sa iyong tagumpay

Kaya Ikaw! Oo ikaw!
Piliin mo maging masaya kahet masakit
Piliin mo magalak kahet mahirap
Piliin mo ang sarili mo sa kabila ng lahat.
Walang ibang tutulong sayo kundi IKAW MISMO.
Trying to avoid sadness
Noong ika'y nasa aking sinapupunan
Maraming pagsubok ang nagdaan
Masasakit na salita'y naranasan
Ngunit ako'y nagpatuloy at lumaban

Ikaw ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob
Kayat labis kong kinatuwa na sa akin ika'y pinagkaloob
Pinapangako kong ikay aking aalagaan
Ano mang pagsubok ang magdaan

Sa iyong unang pag iyak
Ang buhay ko'y binigyan ng galak
Anu man ang iyong nais sabihin
Narito lng ako upang ikay unawain

Pagmamahal ay ipapairal
Mabuting gawain ay ipapangaral
Huwag mo sana akong biguin
Lumaking mging masunurin

Lumaking may tyaga
Nang sa aking pagtanda'y may mag aruga
Pagmamahal ay pairalin
Nang sa iba'y maging halimbawa ka rin
Its a wonderful gift from GOD
tila ako' y naguguluhan
sa mundong aking ginagalawan
maging sa aking natutunghayan
lahat ay wala ng kabuluhan

maraming gumugulo sa aking isipan
tila 'sang daang dalawa ang hantungan
nais Kong hanapin ang kasagutan
sa aking mga katanungan

ngunit ako'y may pag alinlangan
titigil ba o magpapatuloy sa paroroonan
nais ko ng katiyakan
kung ako'y may dapat abangan

sabihin sa akin ano ang kailangan
ang puso'y puno ng kalituhan
ano ang gagawin? maari mo ba akong tulungan?
nang paroroona'y mapagtagumpayan

sa paroroonan ba'y may naghihintay,
magandang bukas sa akin nakalaan?
may bukas bang dapat abangan,
kung matagpua'y di panghihinayangan?
mundo'y wala ng kasiguraduhan, ikaw na mismo ang gagawa ng srili **** patutunguhan
Nakikita mo ba?
Nakikita mo ba
Sa mga mata ko,
Ang hinanaing ng damdamin ko?

Nararamdaman mo ba?
Nararamdaman mo ba
Sa bawat ngiting pinapakita ko,
May tinatagong sakit ang puso ko?

Masaya ako sa paningin mo,
Ngunit kilala mo na ba ang totoong ako?
Masaya lamang akong lumalaban.
Pagkat alam kong ito'y aking laban.

Ngunit dumarating parin sa punto
Na sa gabing madilim at tahimik
Nais kong sumigaw, umiyak,
At ilabas lahat ng aking saloobin.

Pagkat sa pagsapit muli ng umaga
Muli nanaman akong magpapanggap,
Magpapanggap na masaya't
Ayos lang ang lahat.

Hanggang kailan nga ba?
Hanggang kailan paulit-ulit na ganito?
May hangganan nga ba ito?
Makakalaya ba ako dito?

Nais ko sa pagdating ng panahon
Muli akong makabangon,
At magpapatuloy sa paglalakbay.
Haharapin muli ang hamon ng buhay.
that is my feeling right now, I want to express my feeling through my poems..
Nais kong iyong malaman
Na ako'y nasisiyahan,
Nag-iisang mahal kong kaibigan
Kapatid ang naging turingan.

Magkaiba man tayo ng tinatahak
Ako pa rin ay nagagalak,
Sapagkat ako sayo'y tiyak
Na ika'y may pusong busilak.

Sa iyong pagluha,
Sa iyong paghihirap,
Sa iyong pagdurusa,
Ako rin ay naninimdim.

Ano man maging dagok sa buhay
Narito lamang ako handang umalalay,
Kahit pa ako minsa'y iyong kaaway
Ika'y patuloy na sasamahan hanggang sa iyong tagumpay.

Kaya kaibigan tanggapin mo.
Ito'y handog ko para sayo,
Tapat na pagdamay alay sayo
Hangad ko ang pagpapahalaga mo.
dedicated to my beloved best friend Angelica Liporada.
Inay bakit?
ako lang nman sayo'y pinagkaloob
ngunit tila ika'y may sama ng loob
sayo lang naman ako'y pinagkatiwala
ngunit bakit ako'y binalewala

bakit sa iba ako'y pagpapala
gayo'y sayo ako'y pagkakasala
ang mundo'y ninais sanang masaksihan
ngunit ito'y Hindi mo hinayaang matunghayan

sinilang mo ako ngunit ako'y iyong pinamigay
ginawa ninyo ako bakit ako'y pinatay?
Hindi ko man alam ang iyong karanasan 
ang buhay ko sana'y iyong pinagbigyan

ginawa ako ng walang sawa
pinatay, pinamigay ng walang awa
sa ginawa mo ba'y ika'y natuwa?
ano kaya ngayon ang iyong ginagawa?

nais sana kitang ipagmalaki
na sa akin sana'y ikaw ang magpapalaki
ngunit paano ko Ito magagawa,
kung ako'y iyong hinayaang mawala

bakit sa karanasan ng kahapon ako'y dinamay
tila tinuring walang saysay,
naghangad lang naman akong mabuhay
nang sa iyong hinaharap ako'y iyong kaagapay

paano ipaparamdam ang aking pagmamahal
kung ang buhay di hinayaang tumagal
paano kita matutulungan
kung ako'y iniwan o tinuluyan man

sa iyong sinapupunan ako'y magbabalik
maramdaman sana ang iyong pagkasabik
nang ako rin ay manabik
sa iyong mga yakap at halik

Aking Inay
ako lang sayo'y magmamahal ng totoo
sa iyong sinapupunan hayaan sanang mabuo
kalimutan natin ang karanasan ng kahapon
sa aking paglabas Simula na ng ating pagbangon.
No to abortion.
kumusta ka?
bakit namumugto ang iyong mga mata?
inagawan na parang bata,
pilit pinapakita ang ngiti
gayo'y alam Kong may tinatagong pighati

masakiiiiit!!  sigaw ng iyong puso
ang hiraaaap!!  hiyaw ng iyong isip
nakikita ko at ramdam ko ang iyong kalungkutan
ngunit narito ako upang ika'y damayan

lahat ba ng karanasan ay pasakit?
kayat ang tanong sa sarili ay puro "bakit?"
nahanap mo na ba ang iyong kasagutan
sa iyong mga katanungan?

subukang bumangon sa pagkadapa
nadapa ka lang ngunit ika'y buhay pa
ito'y senyales na may bukas pa
na nagsasabing may pag-asa pa

ikaw ay may magandang kinabukasan
kaya't diyablo'y di ka tinitigilan
pairalin ang pananampalataya
nang sa diyablo ay makalaya

huwag kang mawalan ng pag-asa
nang pangarap ay matamasa
laban lang sa hamon ng buhay
sapagkat ito'y sa kanya'y may saysay

tumindig ka't muling magsimula
aking tulong sayo'y laging nakahanda
upang ang iyong mga ngiti
wala ng itatagong pighati
Just talk to me and I will always listen. Could at least one friend, please copy and repost (not share) this? We are trying to demonstrate that someone is always listening.


#suicideawareness
#youarenotalone
Next page