I have always dreamed to have a kingdom by the sea
Just like how Edgar Allan Poe described his Annabel Lee
But instead, I’m just the only who will live there
No kinsmen, no guard, no lover to pair.
I will bring an enormous clowder for company
Have a large stock of cat stuff, catfoods, and catnips, if there were any
I will make them my servants, my ever trusted ones
For I know their service is ever irrevocable, will never leave me behind.
My kingdom must be unknown by everyone
Nobody will tracked me down, nor visit for a homage
For when I died, I will never make a fuss
I will let my cats grieve, and devour me at rise.
Jun 25, 2016
Jun 25, 2016 at 10:20 AM UTC
Nawa'y sa paglaho ng unos na namamagitan sa ating mundo
Sana naman iyong mapagtanto
Nasa bawat sandali nang iyong pakikipagbuno
Sa tabi mo'y hindi ako lumisan, nanatiling gabay sa'yo.
Jun 25, 2016
Jun 25, 2016 at 10:16 AM UTC
Sa aking pinakaunang alaala ako’y
nalulunod
sumasabay sa pwersa ng agos
tumatama sa mga hitang walang nakakaramdam sa pangyayari sa ilalim
tanging nakikita ko lamang ay ang bughaw na katubigan
at mga bulang pilit kumakawala sa aking bibig.
Tanggap ko na naman
kung yaon na lamang ang itatagal ng aking munting buhay
handa na ako sa aking kasasapitan,
nang may mga malaking kamay na inahon akong walang hirap
patungo sa liwanag na inakalang hindi ko na ulit masisilayan.
Labing siyam na taon na ang lumipas
biglang tumimo sa utak ang pangyayaring nagpalapit sa kamatayan
paano na lang
kung yaon ba’y natuloy
mababago ba ang buhay nang mga taong
nakasalamuha ng mga sumunod na mga panahon?
Sapagkat isa lamang akong basura
na parang muling binalik
nang mawaring may pag-asa pa
upang muling gamitin
at muling maging patapon
sa mga matang mapanlait
dito sa mapanlinlang
na mundong
patuloy
na umiikot
para
ipamukha
sa akin
na isa akong
pinaka
walang
kwentang
tao.
Jun 25, 2016
Jun 25, 2016 at 10:13 AM UTC
*Sa ganda **** taglay,
Hinayaan kitang sa akin ay kumapit.
Hiindi ko namalayan,
Unti-unti mo na akong pinapatay.*
Dec 15, 2015
Dec 15, 2015 at 9:56 PM UTC
Nangingibabaw ang amoy ng kape sa paligid,
Pati kamay ng orasan ay naririnig.
Mababawi pa ba ng katahimikan
Ang mga nasayang na sandali?
Dec 14, 2015
Dec 14, 2015 at 7:17 PM UTC
