Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
vincenttt013
Hinahaplos ko ang mga hita mo Ayaw kong matapos ang araw na 'to, Sapagka't ang sarap ng ganito Puno lang ng ligaya sa piling mo Inaabot ko ang diwa mo Inaabot mo rin ang diwa ko Nararamdaman natin ang bawat isa Sinusulit lang talaga ng may kusa Isipan ay malabong mabalisa Binubulong sa'yo ang mga salita Mahal kita sa puso't gawa Malayo lang, tila nakakaulila Idilat mo ang mga tulikap mo Ngiti ang sasalubong sa'yo Yakap ang sasalubong sa'kin Lahat sa'yo masarap lasapin
0
Apr 14, 2018
Apr 14, 2018 at 7:12 AM UTC
Lahat, Takas Reyalidad
Sumusulat s'ya sa akin ng liham, Ngunit ayaw n'yang ipaalam Tinatanong ko s'ya kung ano iyan Ang sagot n'ya'y 'di n'ya alam Sa katagalan gusto ko malaman Binasa ko ito ng 'di n'ya alam Nalungkot ako sa aking nabasa't nalaman, Sapagka't ako'y kaniyang iiwan Ngunit sa dulo'y ako'y naging luhaan, Sapagka't may sakit s'ya at walang gamutan Akala'y kami'y walang hangganan Ang isa pala'y mamamatay at ako'y iiwan.
0
Mar 20, 2018
Mar 20, 2018 at 11:18 AM UTC
Paalam
Buhay na lang ikaw sa mga salita, Ngunit 'di na sa dating gawa Alaala'y naglilipana katumbas ng bula, Ngunit biglang nawawala Sa itaas ka ng agos ng ilog Sa ibaba ako ng agos ng ilog, Ngunit ikaw ang busilak na iniirog Nang tayo'y magkalayo, puso'y nadudurog Bayaran 'man ng libong salapi 'Di na mabubuhay ang isang labi Kasiyahan ay lubusang nagagapi Sana maibalik ang dating luwalhati.
0
Mar 20, 2018
Mar 20, 2018 at 11:02 AM UTC
Buhay
O ginintuang lupa! 'Di mawawaldas ang puri mo, Sapagka't ang pag-ibig ay sa iyo Mananatiling tapat sa puso ko Ipaglalaban ang kasarinlan mo Tapusin ang digmaan na ito, Sapagka't walang dulot ito, Kundi yaring kamatayan sa lupa mo Huwag agawin ang kasarinlan sa mga kamay mo Dapat lalo lamang pagtibayin ito Supilin ang kahit sinong aagaw nito, Sapagka't 'di ko ipawawaldas ang puri mo.
0
Mar 20, 2018
Mar 20, 2018 at 10:46 AM UTC
'Di pawawaldas!
Idelohiya sa talunan Digmaan ang labanan Buhay ay kawalan Mundo'y katapusan.
0
Mar 19, 2018
Mar 19, 2018 at 11:20 PM UTC
Tapos
Ang mutya ng kaarawan Sana'y muling masulyapan Tinig mo'y may dalang katotohanan Sana'y labis kong mapakinggan Hiling na sana'y magkausapan Ang araw na 'yun ay 'di makalimutan Taimtim na umaasang magkakitaan, Upang ika'y pasalamatan Pagca't ako'y muling nabuhayan Nagapi ang nanlulumong kamatayan Sa loob ng masidhing kalooban Ikaw ang nagdala ng matinding kagalakan May isang sumpang wagas Kahit na ang araw ay mag wakas Sa puso ko'y ikaw ang binibigkas Tuwing ako'y naghihintay sa labas.
0
Mar 19, 2018
Mar 19, 2018 at 11:16 PM UTC
Naghihintay
Sabi'y h'wag sumamba sa mga rebulto, Pagka’t kailanman ‘di 'to naging totoo At usap-usapan lamang ang mga milagro Sumamba pa rin sila sapagka’t napupuno nang grasya dito.
0
Mar 19, 2018
Mar 19, 2018 at 11:13 PM UTC
Rebulto
Dungaw sa pula Isasalaysay ng mga tula Nilapitan sa wala Alaala'y nagiging bula Kinabukasan sila'y tulala Bakit ko ginawa 'yun bigla? Naiisip mo ba? Nakakalula... nakakalula, Sapagka't walang kinabukasan ang isang pariwara.
0
Mar 19, 2018
Mar 19, 2018 at 11:12 PM UTC
Pula