Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
thewalkingcloud
thewalkingcloud
22/F/ph a little unsteady
minsa’y hindi magtutugma mauuna ang kanan mahuhuli ang kaliwa pipiliting sumabay sa indak ng iyong katawan umaasang hindi mo ako iiwan sa dulo tayo ay magsasabay sa pagpitik ng daliri hanggang sa pagtaas ng kamay matatapos ang araw na tayo’y magkasama ang langit at kahel, tila nagbabaga pinagmamasdan ang pagsikat ng buwan sa iyong mga mata nananatili ang katotohanang tahanan ka.
0
Feb 14, 2021
Feb 14, 2021 at 11:57 PM UTC
Untitled
ikaw ang banaag sa ulap na makulimlim liwanag mo’y bituin kumikinang sa bawat pagtingin
0
Sep 20, 2020
Sep 20, 2020 at 10:18 PM UTC
Untitled
letting go of familiar places open roads that were once mazes we're on both sides of the bench does this sidewalk go on or does it end?
0
Sep 20, 2020
Sep 20, 2020 at 12:16 PM UTC
road one
munting salamin sa ‘yong mga mata sarili ko’y nakikita salitan sa paghinga puso mo’y kinikilala babagsak ang mga luha isa isa’t dahan-dahan malayang magtatampisaw tuwing sasapit ang ulan panahon ang kalaban sa bawat kinabukasan hindi mag-aalinlangan hindi rin magkukulang tahimik ang gabi puso minsa’y humihikbi sa pagtulog ikaw ang dalangin nag-iisang hiling sa mga bituin ikaw ang tanging dahilan kahapon, ngayon at kailan man pangarap kong tahanan ikaw at ako sa iisang larawan
0
Sep 20, 2020
Sep 20, 2020 at 12:14 PM UTC
Untitled
maglalayag sa hiwaga ng hiraya simula sa sulok ng maharlika hanggang sa dulo ng maginhawa alapaap na bang maituturing itong kalsada? humahawak, bumibitaw magpupumiglas ngunit hindi aayaw sanga’t daho’y sumasayaw pusong puno’y sumisigaw sigurado sa bawat yapak ng paa ligaya sa kislap ng mga mata bawat ngiti sa iyong pagtawa langit ang makasama ka babalik tayong muli sa maginhawa
0
Sep 3, 2020
Sep 3, 2020 at 12:32 AM UTC
m a g i n h a w a
there's a whole world in your tears a garden of withering flowers a wave of emotions and a sepia-toned sunset.
0
May 19, 2020
May 19, 2020 at 7:38 AM UTC
Untitled
animo'y bulak ang pagdampi 'sing lambot ng kumot sa gabi sa likod ng mga labi'y nagkukubli magkasingkahulugan na ba ang iyong luha at ngiti? nalilito ang aking mga mata bakit nananatiling blangko ang mga pahina? hindi ba't ang bawat pagtatapos ay panibago ring simula?
0
May 8, 2020
May 8, 2020 at 9:28 PM UTC
Untitled
tila mga ligaw na paru-parong tinutunton ang halimuyak mo matagal na palang lumipas may iba nang namamalagi dito malimit nang lumangoy sa dagat ng alaala hindi na rin lumiliko sa maling kalsada ngunit bakit tinatanong sa hangin kung nasaan ka? madalas pa rin palang ikaw ang ninanais makita.
0
May 8, 2020
May 8, 2020 at 9:26 PM UTC
Untitled
i don’t want to live in your world anymore i don’t want to fill in the spaces between your fingers and your hands knowing they used to hold a different man
0
Mar 30, 2020
Mar 30, 2020 at 10:22 AM UTC
mad
Ikaw ang mga tala Hindi. Ikaw ang bulalakaw Hindi. Hindi ako sigurado Mahal, walang sigurado Ikaw ba ang langit? Ikaw ba ang kalangitan? Kalawakan? Ikaw ba ang buong kalawakan? Kukubli ba sa hagkan **** maligamgam? Ngingiti ba sa pagsambit ng iyong pangalan? Mahal, ikaw. Oo, ikaw. Ikaw ang lahat. At ang lahat ay ikaw.
0
Mar 27, 2020
Mar 27, 2020 at 3:12 PM UTC
Ikaw