Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
solanamalaya_
solanamalaya_
20/F/Philippines kahit saan may sining.
alam niya ang kakayahan kong magsulat ng mga tula, kahit hindi tugma ang bawat letra. alam niya, sa tuwing nalulumbay ako pluma't papel ang hawak ko gayundin kapag masaya. sinubukan niyang biguin ang pag-ibig at malinis kong intensyon. nabigo ako't nalungkot, ngunit hindi ko sasayangin ang isang pahina ng papel na naglalaman ng taludtod tungkol sakanya. at ang lahat ng ito'y tungkol sakanya, mukhang nasayang ko yata.
0
May 24
May 24, 2026 at 2:13 PM UTC
Walang titulo pt. 2
Maski ikaw maguguluhan sa kung paano kita nagustuhan, ikaw naman kasi wala ka manlang pakiramdam. Walang pangungusap, Puro amba lang.
0
Jun 16, 2025
Jun 16, 2025 at 2:01 PM UTC
Walang titulo pt. 1
tsansa lang ang hinihingi bakit di mo mabigay? hindi ka pa handa, o sadyang may hinihintay? hindi ko lang inaasahan, masyado bang biglaan? ang lihim na pag-ibig ko'y nang iyong malaman? mukhang malabo pa siguro, malabo hanggang dulo hayaan mo munang i-proseso ko at isaulo nung sinabi **** 'hindi ko kayang suklian ang pag-ibig mo'
0
Jun 7, 2025
Jun 7, 2025 at 11:09 AM UTC
Lihim na Pag-ibig
Ano nga ba ang layunin at gusto kong marating? Mananatili nalang ba sa ilalim at ilihim na kailangan ko ng tulong at sasagip sa akin?
0
Apr 27, 2025
Apr 27, 2025 at 1:30 PM UTC
Ano nga ba?
Hindi ko minsan masabayan yung trip mo. Trip mo palagi biruin at pikunin ako, habang trip ko ikaw.
0
Apr 10, 2025
Apr 10, 2025 at 4:33 PM UTC
Paano yan?
Mata ay "dumilat" Saklap sa "dumi" ay namulat Hawak ang kwaderno't panulat Maduming sistemang di na nakakagulat Mahirap o mayaman, anong pinagkaiba? Parehas na tao estado lang ang naiba Pero sabi ng iba pantay lamang ang dalawa Ngunit pag may kaya ang nag kasala wala nang kaso basta may kwarta Masyadong inabuso, sinolo ang pwesto Kapangyarihang hindi nagagamit ng tuwid at diretso Pag tinutukan mo ng kamera magbabago't magmamano Pag salat kahit wala pang warrant agad na arestado Mabagal at di balanse na hustisya Bumabase nalang sa kung sinong malaki ang kita Ano na pambihira, utak lalo humihina Tara na't halika, isambit mo ang mga di tamang nakikita
0
Mar 10, 2025
Mar 10, 2025 at 2:52 PM UTC
Gumising
kapayapaan paano mararanasan? kung kapwa mo pilipino tingin sayo kalaban kada talikod mo nagagawa kang pag-usapan mga taong hanggang dun nalang at di kayang masabi ng harapan maituturing bang kapayapaan ang pakikipaghatakan pababa at walang ibang ginawa kundi mangialam sa buhay ng iba mga taong nagsasabing "magpakatotoo ka lang." tapos huhusgahan ka nila? mga literal na utak talangka lalo na kayong dumadami, kailangan na ng bangka maging maliit na "KITA" galing sa dugo't pawis pinupuna. kailan kaya kayo mauuntog sa bato at sasabihing " ako'y natuto na." Daig pa ang hukom kung manghusga ubos ang salapi, sa kakapusta sa mga kwentong nagpasalin salin sa bibig ng iba. pati pagiging mapangmata, ginawa ng katawa-tawa. paano mo mararanasan ang nais **** kapayapaan? kung ayaw **** iwanan dati **** nakasanayan niluluwa mo pati sarili **** bayan, nagmamataas kahit wala pang napatunayan. hayaan mo akong tulungan ka sa iyong kalagayan pusong puno nang galit kailangan mo nang tigilan Lawakan mo ang isip at iyong laliman na kahit 'magkakaiba man tayo ng pinanggalingan, ay iisa lang naman tayo ng bansang sinilangan'
0
Mar 8, 2025
Mar 8, 2025 at 12:35 PM UTC
Kapayapaan