Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
saltedwound
saltedwound
People find me heartless, I've just learned to use my heart less. / / twitter.com/Beycitracin
Kasalanan ba ang makilala ka at isiping nabighani ka? Kasalanan ba ang mahalin ka at isiping ako'y may halaga? Kasalanan ba ang maging bigo at isiping may pag-asa pa? Kasalanan ba ang sumuko na at isiping maisasalba pa?
0
Mar 6, 2016
Mar 6, 2016 at 2:18 PM UTC
Kasalanan
Oras na para malaman **** wala na. Wala na ang pagtangi kong lumipas na. Oras na para malaman **** tapos na. Tapos na ang mga gabing luha'y pumatak na. Oras na para malaman **** pagod na. Pagod na ang pusong kong masaktan pa. Oras na para malaman **** takot na. Takot na ang sarili kong magtiwala pa.
0
Mar 6, 2016
Mar 6, 2016 at 2:11 PM UTC
Oras Na
Ipapaagos ko na lang sa ulan lahat ng sakit na nararamdaman. Ipapalad ko na lang sa hangin lahat ng hiling na hindi dininggin. Dahil ikaw ang bagyo na biglang dumating at biglang aalis sa buhay ko.
0
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 11:53 AM UTC
Bagyo
**Hanggang dito na lang ba tayo? Hanggang dito na lang ba ako?** I. Matagal na itinagong damdamin Hiniling noon na mapansin At dahil sa ihip ng hangin Tinangay sa'yo ang pagtingin. Sabay tayong lumaban Upang mapatunayang pang-matagalan Pagsuko ng isa'y 'di inaasahan Paano na ang pagmamahalan? Oras ang ipinagkait Kaya ba ayaw nang kumapit? Mahal, kay tinding sakit Ito ba talaga ang kapalit? *Hanggang dito na lang ba tayo? Hindi na ba madadaan sa suyo? Hanggang dito na lang ba ako? Pagmamasdan na lamang paglisan mo.* II. Mahabang buhok na kulot Wari ko'y hindi ka salot Muntik na akong mabuslot Sa butas ng pag-ibig na dulot. Nakapagpalagayan, loob ay gumaan Araw-araw kausap, hindi nagkasawaan Dumating ang puntong nagkalokohan Namumuong damdami'y pinaglaruan. Sinabing mahal mo ako noong lasing ka Akala ko'y totoo kaya naniwala na Ganoon na siguro ako katanga Kahit kasinungalinga'y pinaniwalaan na. *Hanggang dito na lang ba tayo? Nasiyahan ka ba sa paglalaro? Hanggang dito na lang ba ako? Sasakyan na lamang ang mga biro mo.* III. Sobrang lapit pero malayo rin Kayang tanawin at lakarin Inhinyero, hindi mo ba mapansin? Na ang puso'y nais gapangin. Sa pagdaan ay umaasa Sa eskwelahan ay palinga-linga At kapag natanaw na Ibang saya ang dala mo, sinta. Nguit dumating na ang panahon Ang panahong hindi na makaahon Pagtangi'y kailangan nang ibaon Ito na ang huling desisyon. *Hanggang dito na lang ba tayo? Na ayos lang kahit sa pagtango? Hanggang dito na lang ba ako? Aasa na lamang sa paglampas mo.* **Alam kong walang magiging tayo Kaya sawi na naman ako.**
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 11:20 AM UTC
Hanggang Dito

Continue reading...
55
Napapagod ako. Pagod na pagod. Bakit ka masasawi kung ikaw naman ay minamahal ko ng tangi? Nasasabik na akong hagkan kang muli at sa bawat ngiti ay ikaw ang sanhi. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na akong matanaw kang bumubulong sa hangin na para bang hindi ko naririnig. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na itagong mahal nga kita. Dahil ako, mahal kita, noon, noon, hanggang ngayon. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na akong makita at makasama ka sa panaginip ko lamang at sa bawat kanta'y ganda mo'y naaalala. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na umasang maaaring may tayo. Pagod na baka tanggihan mo ang pagmamahal ko. Napapagod ako. Pagod na pagod. Pagod na akong isigaw ang ngalan sa mga bituin. Pagod na akong tawagin ka upang punan ang pagkukulang na nadarama. Napapagod ako. Pagod na pagod. *Pagod na kung kailan, ibig na kitang mahalin, ang puso mo'y itinatago na sa akin.*
0
Oct 23, 2015
Oct 23, 2015 at 8:33 AM UTC
Napapagod Ako