Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
ronnipeppi
ronnipeppi
tayo: ikaw at ako. kaba, takot at saya ang pumapalibot sa ating dalawa. ikaw na mismo ang nagpakita na hindi dapat ako mangamba. sa mundong hindi tumatahimik, boses mo lamang ang aking naririnig. at kahit anong pilit sa puso kong hindi matahimik, hanap ko ang iyong pag idlip. hindi ko matukoy kung ano ba talaga, walang nakakaalam kung bakit nga ba. hindi natin nakikita hindi nahahawakan hindi naamoy, nalalasahan at naririnig. pero alam nating dalawa. alam natin na tayo ay masaya. masaya sa kung anong mayroon tayo masaya sa kung anong wala tayo masaya sa lahat ng bagay basta masaya, masaya sa isa't isa. tinangap ko na, mga ilang oras,araw at taon na ang lumipas wala na ang sakit, wala na rin ang manhid dahil masaya na ako kung saan ka masaya. dito sa kung saang walang tayo pero may ikaw at ako. natutuwa ako sa'yo kung pano ka natuwa para sa'kin, napapangiti mo parin ako kapag naririnig ko ang pangarap mo sa iba, kung pano mo siya nakita, nakausap at higit sa lahat nakasama. huwag ka na mag alala dahil lagi naman ako nandito para maging gabay mo. huwag mo na ring isipin ako masyado, kaya ko naman na sarili ko. paano ba naman ikaw mismo ang nagturo sakin kung paano tumanggap ng maayos. aba, ayos nga.  kasi hanggang ngayon kaya ko pa. sabi nila, bakit daw hindi naging tayo. ikaw na ang sumagot na hindi pwede maging tayo kasi masaya ka kung anong mayroon tayo ngayon. ngunit hindi ko na nahabol sagot ko. "okay na akong sabihin **** tayo huwag lang mawala ang ikaw at ako."
0
Feb 5, 2017
Feb 5, 2017 at 9:07 AM UTC
Tayo: Ikaw At Ako

Continue reading...
45
habang lahat ng bagay ay umuusad, ikaw lang ang naging tanging pahinga, tuwing ang mundo ay bumibilis, banayad nating dalawa sinubukan ang tadhana. ikaw ang panaginip na pilit ko tulugan muli, na kung saan ang kwento ay naroon ka sa aking tabi, ikaw ay alon at ako ang dalampasigan, kahit anong baybay habang buhay kitang sasamahan. nakasulat na sa mga bituin at ulap, kahit ilipat sa kahit anong pahina, at punit punitin ang papel natin tayo, tayo parin ang matutuklasan. ang sarap pagmasdan ng iyong palad, nakatupi sa aking mga kamay, tingin mo na walang ibang dinala 'kundi kapayapaan. ikaw ang panaginip na pilit ko tulugan muli, na kung saan ang kwento ay nariyan ako sa iyong tabi, ikaw ang buwan na sumisilip bago gisingin muli ang aking araw.
0
Jan 8, 2017
Jan 8, 2017 at 8:57 AM UTC
panaginip
hindi mo yata napansin dahil ang bilis, ang bilis ng pagtibok ng puso ko ang bilis ng mga dumarating na alaala na nakalimutan na natin kung anong mayroon tayo ang bilis, ang bilis lang ng mahabang panahon na kung saan ibinigay ko na ang sarili ko sa iyo na kung saan wala na akong natira para sa sarili ko hindi ko inakala na parang kahapon lang pilit ko sabihin na mahal kita sa kahit anong paraan pero ngayon ay pinipilit na kitang huwag  ako pakawalan ang bilis. pero ang bagal ang bagal ng sakit na idinulot nang iyong pag lisan ang bagal ng panahon nang pag hilom ng sugat na iniwan mo sobrang bagal na halos nawala na ako sa kakabilang ng oras dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakalimutan ang araw na iyon. sana sa susunod magpapaalam ka muna bago mo bigyan ng ulap ang takipsilim na sa iilang oras na lang ay mag gagabi na.   sa tingin ko, dapat ko munang pigilan ang pagiisip sa mga bagay na to, dahil alam ko naman ni kahit isang salita ko hindi mo bibigyan ng pansin. Sobrang daya mo naman dahil lahat ng sinabi mo binigyan ko ng diin. lahat ng drama mo, lahat ng kalokohan mo lahat ng nagmamahal sayo lahat ng gusto mo lahat yun alam ko. hindi ko naman pwede ipagmayabang yun wala lang din dahil ang pwede malaman ng lahat iniwan mo na ako. wag na natin patagalin pa dahil alam na nila alam mo na alam ko na rin sa sarili ko. wag na natin ipilit yung mga bagay na wala na ang nais ko lang naman ay ang iyong paalam at sana marinig mo rin ang akin. paalam na sa munting pahayag na isinulat natin noong tayo pa ay masaya, madami akong natutunan sa'yo at madami ka rin natutunan sa akin, at biglaan, biglaan na muli nating bingyan ng magandang pag salubong ang pagwawakas na kung anong mayroon tayo dahil gusto mo na ako magsulat sa pahina ng iba ngunit naiwan ko ang lapis na kung saan nandoon pa sa iyong tabi paalam na sa mga umaga na sa pag gising ay halos ngiti agad ang nakadapi sa ating mukha na inuunahan pa natin ang pagsikat ng araw bago pa tayo magpaalam sa isat isa. paalam na rin sa saya na tayong dalawa lang ang nakaka alam paalam na. ang bilis lang diba? sana kung gaano kabilis rin ang pag paalam ko ay ganoon rin kabilis sa'yo. paalam.
0
Jan 8, 2017
Jan 8, 2017 at 8:45 AM UTC
paalam, paalam

73