Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
randell-quitain
randell-quitain
M taga-ilog
pag-ibig minsa'y hirap mawari, iyaka't magagalit, iwana't lumalapit, talagang nakakapagod, sarap tumalikod ngunit... pag-ibig muli'y manawari.
0
Nov 18, 2019
Nov 18, 2019 at 9:22 AM UTC
hiraya
isang taon, isang tao; ang nag-isa, 'di mag-iisa.
0
Sep 23, 2019
Sep 23, 2019 at 1:56 AM UTC
pangako
mga naghahanap ng lunas, bibig; buka lang ang alam, kamay nalimot maghugas, "masama" ang pakiramdam.
0
Mar 15, 2019
Mar 15, 2019 at 12:00 PM UTC
gamot
dito ka sana kumislap, dito ka sana bumagsak, handa na aking yakap, itatabi ang iyong iyak, ... sa iyong pagbagsak.
0
Oct 1, 2018
Oct 1, 2018 at 4:22 AM UTC
bulalakaw
sa ilalim ng mga dumaraang ulap, kasabay ng mga walang kabuluhang numero, ay hindi maglalahong panatilihin, ang ningning na ito para sa'yo, tulad ng liwanag ng buwan; minsan ay masela't matamis.
0
Sep 16, 2018
Sep 16, 2018 at 11:37 AM UTC
sarung bangi
unang patak nitong tintang, patak ng dulo'y simula; nitong dulo'y walang tuldok, tintang; simula tuldok, subok.
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 3:06 PM UTC
parisukat
nang nasabi mo ang 'yong takot, hawak ko na noon ang kumot, 'di ba kay sarap sa damdamin? mabuti tayo ay umamin.
0
Aug 7, 2018
Aug 7, 2018 at 12:16 PM UTC
aliw
ikaw ang matayog na ulap, dulo ng lingas ay nahanap, tagapagpatahimik nitong kulog, bagyo'y naging ambon sa aking pagtulog.
0
Jul 7, 2018
Jul 7, 2018 at 1:57 PM UTC
himbing
ang huling bilang ay tatlo, papalapit na ang tagpo, roon hihinto ang paggalaw, hahayaang puso'y magsayaw.
0
Jun 7, 2018
Jun 7, 2018 at 2:49 PM UTC
alpas
mga matang lumilipon, na wari’y bagyo’t alon, sa sulyap ako’y lumipas, nalunod yakap ang lunas.
0
May 8, 2018
May 8, 2018 at 12:53 AM UTC
lupig