Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
pmrtna
pmrtna
nasa punto na ko na ayaw kitang mawala napamahal na nga ata ako sayo ng sobra sana huwg mo kong ibalewala pangako, mananatili ako sa hirap man o ginhawa naaalala ko mga bawat sandali habang ikaw ay nasaking tabi parang dati lang, ikaw ay aking minimithi ngayon sakin ka na, nakakasama pa tuwing gabi napaka sarap mo talagang mahalin at kung alam mo lang na sayo ko rin narasanasan maging masaya kahit hindi ko hilingin kaya kahit na gusto nila tayo paghiwalayin hindi ko hahayaan sapagkat ako'y sayo at ika'y akin.
0
Apr 5, 2020
Apr 5, 2020 at 8:39 AM UTC
desidido.
Aking sinta noong tayo ay nagsisimula Ako sayo'y hindi tiwala Sa dami ba naman ng sakit na naranasan Mahirap na ulit na ika'y basta pagkatiwalaan Ngunit mahal pinatunayan mo Na ikaw ay karapat dapat sa pagmamahal na ito Kaylan man ay di pagsisisihan Na pag ibig ko sayo'y nilaan Tanggap ko bawat pagkukulang mo Tanggap ko bawat sakit na dinala at madadala mo Tanggap ko ang bawat mali sayo Dalhin dyan ka nagiging perpekto Kung san man tayo magtungo Hiling ko lamang na hanggang sa dulo Sayong bisig pa rin uuwi Kahit na ano man ang mangyari
0
Apr 5, 2020
Apr 5, 2020 at 5:31 AM UTC
walang pagsisisi
Dumating sa aking buhay na hindi inaakala Gayunpaman maiituring kita na isang biyaya Isang biyayang sobra sa aking nagpaligaya At sa tuwing kausap kita, Ngiti sa mukha ay hindi maipinta, Marahil ang boses mo ay parang musika, Kaya't puso'y laging naaalala ka. Lilipas ang mga araw at buwan, Tayo ay magkakatampuhan, Ang dami ring taong sa ating buhay ay lumisan, Pero ako, dito lang ako di kita iiwan Salamat ika’y natagpuan Binigay ka man sakin ng hindi inaasahan Iyon ay hinding hindi ko pagsisisihan Sa hirap at ginhawa mahal, nandito lang ako ako’y iyong maaasahan Dito ka lang sakin, Hinding hindi kita bibiguing pasayahin Ikaw at ikaw lang ang pipiliin Kung alam mo lang kung gaano kita dinadalangin Tumingin man sa madaming bituin Wala nang iba pang hihilinginin Dahil sa aking paningin ikaw na ang pinaka magandang bituin Itigil mo na ang panliligaw mo Sapagkat ika’y sinasagot ko na ng aking matamis na oo
0
Apr 4, 2020
Apr 4, 2020 at 11:47 AM UTC
aking biyaya