Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
phylodophy
phylodophy
too far down
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa. naalala mo pa ba noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat, sa may malinaw at malinis na sapa? ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha, pagtupi ng mga obra: mga bangkang gawa sa papel, na ating pinapanood ang pag-anod sa tubig na banayad na dumadaloy; nagpapadala lang sa agos. at hindi, hindi ito isang paligsahan o karera. ang tanging pakay ay malibang at magsaya. kung lumubog o masira man ang ating mga bangka, ayos lang, gumawa na lang ng iba. pero ngayon, tayo ay lumaki at tumanda. pati lunan natin ay nag-iba. sa ating pagtingala, hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita, kundi ang bughaw na langit na walang anuman ang makakadaig sa lawak at laya. at siyempre, ang ating malinaw na sapa ay humantong na sa karagatan. di matalos ang hangganan, di matalos ang lalim. maraming tinatagong lihim. nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel. at dito sa dagat, nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi araw-araw may digmaan sa laot. kalaban natin ang mabagsik na hangin, mga higanteng alon, mga piratang nananamantala, pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod. pero bago pa man magsimula ang digmaan, tayo na ang panalo. walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso. sa ating paglingon mapapagtanto na hindi masukat ang layo ng narating na pala at mararating pa natin. matagal nang wala ang gubat at sapa, napalitan na rin ang mga mumunting bangka. ngunit ako, ay nandito pa at patuloy na mananatili kahit na magkaiba at magkalayo ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko. 'di bale iisa lang naman ang Kapitan, iisa lamang ang kayamanan na hinahanap, iisa lamang ang lupain na tinutungo. hindi talaga matiwasay at madali ang paglalayag dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya kung dumanas man ng sindak at lungkot, huwag maniwala sa lawak at lalim na natatanaw sa mga alon; kasi kahit saan man mapadpad, kahit saan man ihatid ng tadhaha, nandito lang ako.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 9:28 AM UTC
Layag

Continue reading...
70
May isang katanungan na laging bumabagabal sa aking puso, sa aking isipan. Tila lagi ko na lang nininilay kung ano ang sagot; ang sagot na tama kahit maaaring maging isang masakit na tama sa akin. *Pero hindi ako magtatanong dahil "Hindi" man o "Oo" masisiraan pa rin ako ng ulo.* "Mahal mo rin ba ako?"
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 9:24 AM UTC
Sagot
kaya kitang mahalin pero hindi kita kayang ingatan. sa piling ko ikaw lang ay masasaktan kaya ang hiling ko lang sa 'yo ay damdamin para sa akin sana iyong malimutan. lahat ng ginagawa ko para sa iyo ay nasa ngalan ng pag-big kaya paumanhin, mahal, ako'y iyong patawarin.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 9:23 AM UTC
Ang Huling Tula:
... makalipas ng daang-daang araw ikaw ay nagbalik, nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti. 'di nila mapigilang magtaka kung ano ang pasalubong dala mo sa iyong pagbisita; kung anong mga damdamin at alaala ang mahuhugot mula sa mga puso nating 'di malaman kung nagtataguan ba o naghahanapan, basta siguradong nawawala. ... ang surpresa mo kaya ay kaba? sabik? takot? hiya? hiwaga? hindi. pinunit ang balot at binuksan ang kahon. natagpuan ko ay wala. oo, wala lang. wala na pala tayong natira para sa isa't isa. baka tinangay na ng bagyo, ninakaw na ng iba, o 'di kaya'y naglaho lang talaga na parang bula. ... 'di nila mapigilang magtaka at napaisip din ako kung bakit. natagpuan ko ang sagot at ito ay ... wala.
0
Jul 28, 2015
Jul 28, 2015 at 10:29 AM UTC
Wala lang
for a paper girl
0
Jul 28, 2015
Jul 28, 2015 at 10:25 AM UTC
A Paper town
I push you away hoping I'd forget you
0
May 17, 2015
May 17, 2015 at 2:40 AM UTC
Reason
Is your faith so fragile you **** to protect it?
0
May 17, 2015
May 17, 2015 at 2:35 AM UTC
Why Else
Now the years had passed, You return to my room. The adventures returned as I saw you. But I'm sorry Peter, I'm no longer the child who's heartbroken because of you.
0
May 12, 2015
May 12, 2015 at 4:14 AM UTC
Peter Pan Returns
This is the last poem I will ever write for you I don't know how many words, stanzas, or pages it might take but I will not stop until I have said each word that describes you *perfect, beautiful, amazing, breathtaking joy, love, pain, heart break, anger, bitterness* I can go on and on because you see, this is the last poem I will ever write for you I have to get everything off my chest I have to get you out of my mind and the only way I can do that is if I write one last poem for you and this is how it goes I have loved you in ways you can never imagine, in ways no one can ever love you, but while I was doing so I lost myself
0
May 12, 2015
May 12, 2015 at 12:46 AM UTC
The Last Poem I Will Ever Write For You
There is only one thing I'm sure of in this world And it was gravity We may not see it, but we could definitely feel it I surely felt it When I fell for You.
0
May 10, 2015
May 10, 2015 at 7:23 AM UTC
Gravity