Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
nergui
nergui
Mga bagay na di ko nagampanan, Mga pangarap na hindi nasundan, Mga pagsubok na hirap lampasan, Mga sagot na sana ay nalaman. Ang mga pagsisising aking bitbit, Mga alaalang sa isip nakapiit, Kapayapaang pilit kong makamit, At mga taling di kayang mapatid.
0
May 16
May 16, 2026 at 4:00 AM UTC
Tingin
Sa gitna ng magulong paligid, Presensya mo'y tanging batid. Sa gitna man ng bawat yanig, Ikaw ang himig sa aking pandinig. Kahit na mundo'y magbago, Mananatili ang aking pangako. Ikaw ang dulo ng bawat biyahe ko, Sa piling mo'y 'di na lalayo.
0
Mar 30
Mar 30, 2026 at 8:43 AM UTC
Lunas
Kailan kaya masasabi Ang lihim na kay tagal sa labi? Kailan mo kaya malalaman Ang tanging sigaw ng kalooban? Habang tumatagal, lalong natatakot Na ang pag-amin ko’y mag-iwan ng poot. Mas pipiliin na lang bang manahimik, Kaysa mawala ka dahil sa isang bulong ng pag-ibig?
0
Mar 13
Mar 13, 2026 at 8:08 AM UTC
Duwag
Sa bawat segundo'y napapaisip. Sa bawat tingin tila ba'y naiinip. Tahimik lang na nakatingin, umaasa na kahit sa sandali'y mapansin. Sa pagkatorpe ko, 'di masabi nasa loob ng puso. Sapagkat sa tuwing ika'y nasa harap, isipan ay tila lumilipad sa alapaap.
0
Mar 12
Mar 12, 2026 at 9:46 AM UTC
Malika
Ang bigat ng pakiramdam, puso na balot ng agam agam, utak na parang isang kalaban, mga isipang di ko na kayang sabayan. kailan kaya ako uusad sa damdaming ito? Kapag ba nasanay na ako? O kapag manhid na ang pusong nagdurugo? Tulong kasi onti na lang ako’y susuko.
0
Dec 10, 2025
Dec 10, 2025 at 12:20 PM UTC
Kaumay
Even in the midst of chaos, still in my mind, you always cross. no matter how bad the day is, a thought of you is always like a bliss. a painkiller, like the song say; even if it's bitter, I'll still stay. since consistency is the key, I'll wait, hoping someday you'll choose me.
0
Dec 5, 2025
Dec 5, 2025 at 5:32 AM UTC
Ibuprofen
Bulaklak na kay linis tignan, Sa bawat tingin ako’y nahahangaan. Tila ba’y paalala sa ganda ng kalikasan, Na hinding-hindi ako magsasawang alagaan. Sa bawat talutot na iyong nakikita, Ito'y aking pagmamahal na sana'y madarama. Sa halimuyak ng bulaklak, damhin mo rin, Na sa puso ko’y ikaw lamang ang para sakin.
0
Nov 16, 2025
Nov 16, 2025 at 6:22 AM UTC
Sibol
Sa gitna ng tahimik na gabi, Mga bituin ay nagmamasid sa tabi. Naiwan sa isipang di mapakali, Hinihiling na lahat ay bumalik sa dati. Sa bawat ihip ng malamig na hangin, Dumarami nang dumarami ang aking dalangin. Ang mga alaala’y pilit kong limutin, Ngunit puso’y ayaw pa ring palayain.
0
Oct 24, 2025
Oct 24, 2025 at 9:04 AM UTC
Gunita
Ganda’y hindi kayang pantayan, Hinding-hindi magsasawang silayan. Ngiting tila ba’y nakakamatay, Na para bang kahit sino’y mawawalan ng malay. Boses mo’y nakakapagpakalma, Talo pa ang alak sa lakas ng tama. Hindi sapat ang aking mga salita, Para ipakita na ika’y kahanga-hanga. Sana mapagtanto **** ikaw lang ang sinusulatan ko, Na kahit bulag, pipi, o bingi ako, Ikaw pa rin ang papasok sa puso ko, Sa lahat ng dasal at 11:11 wish ko. Sana malaman mo, Na ikaw ang hiling na uunahin ko.
0
Oct 21, 2025
Oct 21, 2025 at 1:06 AM UTC
Rakenrol
Sa isang kalmadong gabi, ika'y iniisip Sa puso at diwa, ika'y nakakapit Tila ikaw ang laman ng aking mga tula Bawat salita'y inalay para sa isang musa Hindi mapigilan ang aking mga ngiti Tuwing kagandahan mo'y aking minimithi Ang ngiti na tila ba'y puno ng bait Parang gamot sa lahat ng mga sakit
0
Aug 30, 2025
Aug 30, 2025 at 10:38 AM UTC
Ngiti