Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
mymelodyisyou
nakikipaghabulan sa oras
Balisa, sa lawa ng pag-iisa Sa gitna ng hatinggabi at umaga Mga aninong dumaraan Hihigupin ang kamalayan Maiiwan ka sa dilim Malulunod sa kawalan Susubukang tumayo, iiwas sa demonyo ng kahapon, ng ngayon, at kung darating man; ng bukas Balisa, sa lawa ng pag-iisa Sa gitna ng hatinggabi at umaga Basang basa sa hinagpis at pag-iiyak sa lahat ng mga bagay na hindi tiyak Tatakbo palayo't susubukang lumisan sa kaibuturan, sa kalungkutan, at sana dumating pa: ang kaliwanagan Balisa, sa lawa ng pag-iisa Palagi nang inu-umaga May pait na dulot ang lubos na pag-iisa
0
Nov 29, 2020
Nov 29, 2020 at 1:36 AM UTC
Sa gitna ng hatinggabi at umaga
May kung paparating habang tumatakbo ako papalayo Mabilis ang kilos ko ngunit siya, dahan-dahan lang na papalapit sa akin Inabutan niya ako pero hindi siya tumigil Sinamahan niya akong tumakbo Mas bumibilis ang mga paa ko Na tila papalayo sa kanya Nahahabol niya kada tapak ko sa sahig Parang hindi naman kami lumalayo Ni hindi kami umuusad Pero pagod na pagod kami sa pagtakbo Nanghina ang paa ko Umalalay siya Nanghina ang paa niya Umalalay din ako Sa hinaba haba ng pagtakbo namin Hindi ko nalaman ang pangalan niya Sa hinaba haba ng pagtakbo niya Hindi niya alam bakit niya ako sinusundan Nanghina ang paa ko Umalalay siya Nanghina ang paa niya Umiyak lang ako Nakikita ko na ang dulo Tinignan ko siya kung sabay pa rin kami Sabay pa rin kaming nakarating Sa dulo ng kanya-kanyang paroroonan.
0
Sep 25, 2020
Sep 25, 2020 at 3:56 AM UTC
Prologue
hindi matapos tapos na pambihirang damdaming hindi ulit maintindihan sinuyod ko na noon ang pinakailalimlaliman akala ko ay nabunot na ang tinik at mga pag-aakala nalulunod muli sa karagatan ng pagpapalagay gusto ko nang magtagumpay umaasa na ngayon iba ang kahihinatnan ngunit ako ay magigising lamang sa malalim na pagkakahimlay
0
Aug 25, 2020
Aug 25, 2020 at 11:56 PM UTC
tulo(n)g
sa unang sulyap, nabago mo lahat sa unang isang oras, isang iglap ako ay iyong iyo na sa sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti nagbubunyi ang mga matang naaakit sa mga sulyap nating nagsasalit di ko inasahang mananatili patawarin; di ko na mai-alis ang titig ko’y wari’y di mo na nais di na matiis ikaw sulyapan pa sana’y di na ito matapos pa ang sandaling nakita ang sinag sa iyong mga ngiti nagbunyi ang mga matang naakit sa mga sulyap nating nagsalit di ko inasahang nanatili.
0
Feb 19, 2017
Feb 19, 2017 at 9:48 PM UTC
Orasa
Lasapin ang bunga ng paghihirap Puso, isip at kaluluwa lang naman Ang iyong nilaan para ikaw ay bigyan ng kaunting sahuran. Kung minsan, napapagod Ay, madalas nga palang pagod Ang katawan man ay bumabagsak Gagaling ka rin at Itutuloy ang paghihirap Sabi ko noong bata pa ako "Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko. Pagka't gusto kong pagalingin ang bawat maysakit na tao." Hanggang sa nagpagtanto **** Habang lumalaki Ni hindi naman pagiging doktor ang gusto mo paglaki Ako ay sinanay upang maging alipin Upang siyudad ng sikat na Politiko ay yumaman sa aming kamay Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad Nalilipad-lipad at napunta sa "tagapaglingkod ninyong totoo, kami ay kasangga ninyo." Sabi nga ng ilan ay Buhay ay sadyang gulong ng palad Hindi ako naniniwala dahil, ikaw mismo na nabubuhay ang siya lamang makapagsasabi at makapagdidikta ng iyong kapalaran Nasa iyong kamay ang kasagutan Kaya pakilusin na ang mga paa Buksan ang iyong mga mata Pakinggan ng iyong mga tenga ang bawat hinaing Ito ay magbabago rin kung bawat katawan ay kikilos sabay-sabay muling galawin Tayo ang sagot sa hirap na dinaranas Tayo rin mismo ang makapagbabago Ng kung ano mang ang nakasanayan Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil Tayo lamang Tayo lamang ang pagbabago.
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 5:19 AM UTC
"Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko"
Sakitan tayo, isa, dalawa, tatlo, wasak ang puso.
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 4:56 AM UTC
Bilang
Storms are coming and I Only want it to stop Flood is all over the room and I am Swept by the streams Words are filling my brain “Will you stop thinking?” Thank God someone said that, “I’ll help you in your healing.” Voices are inconsistent and I Am finding out how should they be gone Or should they be gone? Static, I don’t know What to do but, I am Writing thunderstorms by now Hoping for a sunrise to come Hoping that self will stride, fighting.
0
Mar 15, 2016
Mar 15, 2016 at 11:19 PM UTC
Thunderstorms
May problema talagang dala kunwari panaginip Halika sulat tayo Nagtago man sa ulan Ang ngiti ay kanta at sayaw sa hikbi ng ngayon
0
Feb 23, 2016
Feb 23, 2016 at 2:10 AM UTC
Bagahe
talk to the shadow the empty nothing will be gone take the nearest drive and end its cry
0
Feb 23, 2016
Feb 23, 2016 at 2:08 AM UTC
s word
seeking help must listen please fix us see from the window meet at the curse they begin to ****
0
Feb 23, 2016
Feb 23, 2016 at 2:07 AM UTC
the voices within