Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
myONE
myONE
28/F
Ang nais ko sa pagmulat ng iyong mga mata ngayong umaga, Ika'y aking mapasaya at mapangite sa isang simpleng mensahe na mahal na mahal kita.
0
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 12:46 AM UTC
Untitled
sa bawat araw at gabi na pamamalagi ko sa mundong ibabaw ikaw ang aking nasa puso at isipan pagmamahal ko'y hindi matutunaw katulad ng mga bato sa dalampasigan hampasin man ng malakas na alon nananatili pa ring nakasabog sa gilid ng karagatan parang ako lang 'yan kahit iyong pinagtutulakan, mananatili na buo at matatag ang pag-ibig na nararamdaman
0
Sep 24, 2017
Sep 24, 2017 at 9:27 PM UTC
mga bato sa dalampasigan
Maging mahirap man sa'tin bumagay ang panahon at pagkakataon Ikaw pa din ang nasa isip at puso ko Maging mainit o malamig ang gabi Sana ay manatili 'yung pagmamahal na napaparamdam mo sa'kin Dahil mananatili ako na ikaw lang ang aking iibigin.
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 12:38 AM UTC
Sana mahal...
Pinipigilan ako ng pagprotekta sa'yo Na lambingin ka tuwing maaalala kita Gusto kitang kausapin sa tuwing namimiss kita Pero hindi ko pwedeng gawin dahil baka awayin ka n'ya Tinuturuan kitang kalimutan ako Paunti-unti at nasasaktan ako Pero paunti-unti 'ring nadudurog ang puso ko Tuwing ginagawa kong tanggalin ako sa sistema mo Gusto kong makalimutan mo ako At lumayo sa'yo ng di mo nalalaman Umalis ng walang paalam Kahit masakit, 'pag talagang kailangan Isipin ka sa buong magdamag Ang tanging pwede kong gawin Dahil hindi kita maaaring lambingin At sabi ng konsensya ko'y huwag Aalis ako mahal sa panahong hindi mo iisiping mawawala na ako Sa panahong masaya ka at maayos ka Aalis akong hindi nagpapaalam At hindi mo nalalaman Masanay ka ng hindi ako dumarating Sa ating tagpuan, sa ating pinag-usapan Hindi mo na ako dapat hintayin Sapagkat ako nama'y aalis din Kapag hindi na ako sumisipot Sa tagpuang sa akin ay ipinaabot Masanay ka na mahal Baka saglit na lang at 'di na magtagal Dahil ang labis na pagmamahal ko sayo'y bawal Kahit gusto kong makasama ka ng napakatagal Lahat ng alaala **** meron ako Ang laging nasa puso't isip ko 'Pag nalagot na ang hininga ko Doon magtatapos ang lahat ng ito.
0
Aug 30, 2017
Aug 30, 2017 at 5:09 AM UTC
Mahal ko, aalis na ako...
Madaling mahalin ang gaya mo At ang buong ako ay ibinigay ko sa'yo Hangal ang tawag sa isang gaya ko Alipin ako ng pagmamahal mo Ligaya ka lagi sa puso ko Kung pwede nga lang sana mahal O baka hindi talaga magtatagal...
0
Aug 30, 2017
Aug 30, 2017 at 4:51 AM UTC
OK LAHAM
Pag-ibig ko sayo'y parang talaba Na pilit pa ring kumakapit At pakamamahalin kita Sa kung anong alam kong paraan At aking kakayahan
0
Aug 30, 2017
Aug 30, 2017 at 4:43 AM UTC
Talaba
Kung lalayo ka at iiwan mo lang ako Mananatili ka sa aking alaala Na ikaw ang lang ang babaeng bumuhay ng aking katawang lupa At nagbigay sigla sa malamlam kong pagsinta Nagbigay ligaya sa matamlay kong buhay At sa paglisan mo Ikaw din ang magbibigay sa'kin Ng kalungkutang hindi ko makakaya... -myonlyONE
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 3:28 AM UTC
ikaw mahal (ikalawang bahagi)
Sa bawat pagsikat ng araw Ikaw ang aking gabay at sandigan Maging sa paglubog nya sa hapon Sa kabundukan, ikaw ang aking tanglaw Sa gabing kay panglaw Sa gitna ng dilim Ikaw mahal ang aking ilaw Mahal kita at pakamamahalin habang ako'y nabubuhay. Mananatili ka sa aking puso at isipan Nakatatak sa balat ko At nagpapaalala na ikaw ay aking minahal ng tunay - your ONE
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 2:11 AM UTC
IKAW MAHAL...