ma
makabagongmakata69
Whisper
Poems
79
Followers
5
Words
11.5k
Sort
Popular
Latest
A-Z
Sort
A-Z
AKO'Y AKO
Hindi ako susuko / patuloy akong titindig at lalaban. / Sa kabila ng mga kabiguan
41
Nov 7, 2017
Ang Buhay ay Parang ***
Bastos? Aba hindi ah, ito ang pinaka angkop na tayutay patungkol sa buhay. Makinig ka lang at malalaman mo na ang gagawin kong paghahambing sa pagkakatulad ng buhay at pagtatalik ay totoo. Ganito yun: / Libog – oo, kailangan mo ng matinding libog kung gusto **** maging maligaya sa buhay. Kailangan na punong-puno ng pagnanasa ang damdamin mo dahil kung hindi ay mababagot ka at mananamlay. Kailangan na lagyan mo ng libog kung ano man ang iyong ginagawa para ito magtagumpay. / Romansa – lasapin mo ang bawat sandali ng iyong buhay na tulad sa isang gabi nang pagtatalik. Langhapin mo ang bango at baho nito para mo malasahan ang tunay na sarap.
5
Nov 9, 2017
ANG LIWANAG SA MADALING ARAW
Ito ang kahulugan ng pangalan mo, / Ikaw ang liwanag sa madaling araw, / Ang unang kislap na pumupunit sa dilim.
16
Dec 7, 2017
ANG MATANDANG ASO
“Mahirap na daw turuan ng bagong laro ang matandang aso”, siguro nga totoo ito. Pero may mga bagay na nalalaman ang matandang aso na hindi alam ng mga kabataan ngayon. Alam ng matandang aso ang sagot sa maraming talinghaga at hiwaga na taglay ng buhay. Nakita n’ya ang mga paliwanag na nagbibigay ng liwanag; nakita n’ya ang mga katotohanan at kasinungalingan na nasa pagitan ng mga sulok-sulok ng buhay. Alam n’ya na hindi lahat ng kumikinang ay ginto, na hindi porke kalmada ang dagat ay wala nang darating na unos. Hindi ibig sabihin na kapag komokak ang palaka ay tag-ulan na. Alam n’ya na ang kamatayan ay hindi talaga kasawian kundi isang bagong yugto, isang bagong pagsisimula at isang bagong anyo ng buhay. / Alam ng matandang aso ang pagkakaiba nang tunay na umiibig sa nalilibugan lang. kaya natatawa s’ya kapag nakikita ang mga kabataan na inaabuso ang salitang “pagibig”. Mahina na ang katawan ng matandang aso subalit nananatiling malakas ang kanyang isip; malabo na ang kanyang mga mata pero malinaw parin ang kanyang puso at pandama. Marami na s’yang naisulat at marami na s’yang binigkas na mga talumpati, alam n’yang hindi lahat ng nagbabasa at nakikinig ay natututo. Marami sa kanila ay nananatiling mga ungas at gago. Alam n’ya na ang karunungan ay hindi agad-agad na tinatanggap ng mga hanagal na nakikinig, na hindi ang talumpati at panulat ang talagang nagmumulat kundi ang mga karanasan at mga pinagdadaanan. / Malalim na ang gabi pagod at inaantok na ang matandang aso pero hindi s’ya makatulog. Dahil alam n’ya na sa bawat pagkahimbing ay laging may naka-abang na bangungot. Na ang bawat bukang-liwayway ay hindi laging may dalang pag-asa. Na, ang maghapon madalas ay isang tanikala na iyong kailangan na hatakin. Hindi naging masaya subalit hindi rin naman naging malungkot ang buhay ng matandang aso, pero hindi s’ya nanghihinayang sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kasabihan na “ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka”.
3
Nov 30, 2017
Ang Multong Gumagala
"A spectre is haunting Europe" / - Communist Manifesto / Ang multong gumagala noon sa Europa ay hindi parin natatahimik. Hanggang ngayon ay patuloy itong gumagala at nanggagambala. Hindi n’ya pinatatahimik ang mga burgis at elitista. Kaya’t patuloy na nagsasabwatan ang ibat-ibang kapangyarihan sa lipunan upang labanan ang multong ito at hadlangan ang kanyang paggala. Ang mga lider ng relihiyon, ang mga kapitalista, ang mga namumuno sa gobyerno na panay oportunista, ang pasistang militar, ang pulisya pati na ang midya lahat sila ay nagsasamasama upang kalabanin ang multong gumagala.
10
Nov 8, 2017
Ang Pasko Ng Burgis
kumikinang ang mamahaling parol na nakadambana sa bintana ng mansion na nasa loob ng isang malaking subdivision. nagniningning ang patay sindi nitong kulay na umaaliw sa balana. salamat sa malaking pakinabang na kanyang kinita nang walang anomang pakundangan sa dugo at pawis ng mga abang manggagawa. / nasa kanyang sala naman ang mataas na Christmas Tree habang sa paanan nito nakahandusay ang kahon-kahon na magagarbong mga regalo. malayong-malayo ito sa barung-barung ng mga nagtitiis sa siphayo ng dusa at karalitaan. / ang mahabang lamesa na nasa kanyang komedor ay talagang pinagpala sapagkat nakapatong dito ang hiniwang hamon, keso de bola, spaghetti, carbonara, lasagna, ubas at ang lahat ng masasarap na pangarap ng isang batang kalye na kumakalam ang sikmura habang tinitiis ang ginaw ng Disyembre.
5
Nov 3, 2017
ANG REBOLUSYUNARYO AT ANG KANYANG MGA TULA
“Uncle ** utang sa’yo ng Vietnam ang kanyang kalayaan, / Ikaw ang amang mapagpalaya na sa kanila ay gumabay. / Ikaw ang dakilang liwanag na sa kanila’y pumatnubay,
27
Nov 27, 2017
ANO ANG ENTABLADO?
Isa itong tablang parisukat, / platapormang nakaangat. / Dito tumatayo ang nakabarong
7
Nov 6, 2017
Araw Ng Mga Patay
may araw ang mga patay / e paano naman / ang mga buhay?
32
Nov 3, 2017
A Wasted Life (for Phil)
In my solitude I always feel this emptiness inside my soul. I prowl in search for something; I’m acting like a foolish ghoul. But what is it that I’m really searching for? Probably it is something that will satisfy my soul. But how can I fill my bowl? Many nights and sunrise have passed still I couldn’t find that thing that will heal the loneliness that is concealed inside my soul. / A song is not a song without its lyrics and a poem is not a poem without its verse. If my life is a song or poem what would be my lyrics or my verse? The melody in my heart is not enough and there is no free verse in the stanzas of my soul. Love, romance, passion these are the reasons why some people are happy and some are not. Have I love well? Don’t know about it, what is true love after all? Is it just a feeling that titillates the heart or an act of ****** stunt on top of the bed? I really don’t know, I cannot say nor define what love really is. For I have not love well in my life. What a pity, my heart is poor, poor in love. I had *** but no love ….. **** / Did I care? Don’t remember if I did, maybe or maybe not. Lots of people cared for me sorry don’t know how to do it. Didn’t give a **** about others, I am a worthless opportunist and a mean ******* Still I ask why my life is miserable and heavy. Did I give my best? No, because I always go inside my comfort zone. When the going gets tough I always give up.
4
Nov 22, 2017
Load more poems
Explore
Hello Poetry
Voting
Write