Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
keng
keng
F
Walang forever sa taong bitter Pero pano ka naman di ma bbitter Kung yung ex mo kasi cheater Sa una lang magaling Susundin lahat ng hiling Kala mo naman gwapo. FEELING! Chos. Gwapo nga siya Kaya nga lapitin ng disgrasya Ubos ang pera sa’king alkansya Ginagasta pang dota niya Pati sa ibang babae. Walanghiya! Susumbong ko siya kay kuya. Minahal ko yun nang todo Matalino ako pero naging bobo Ang dali niya pala akong naloko Siya pa nakipaghiwalay Sa chat pa. Jusq dai! Walang itlog ka bai.
0
May 10, 2018
May 10, 2018 at 12:12 PM UTC
BWISET KA.
Isa. Dalawa. Tatlo. Magkasama lagi tayong tatlo. Tayo lang, oo. Hindi siya. Hindi sila. Tayo lang sabi niyo. Pero, bakit nadagdagan? Gumawa naman ako ng paraan Pero kayo naman ang lumilihis sa ating daan. Ay, mali. Sa inyo lang pala. At sakin lang pala. Teka, sige, ayus lang pala madagdagan Pero habang tumatagal ako na ata yung nakakaligtaan Bakit? Bakit naman ganon? Sa hinaba haba ng panahon Eto pala ang ating mapapala Mawawala at maghihiwalay Pupunta sa kani kaniyang landas at saka sabi ng ba bye Sa tingin ko masaya na kayo Sana masaya na rin ako Kahit nasira yung pangako Nabuksan naman ang pintuan ng kasalukuyan at naisara ang kahapon Pero paniwalaan niyo ako, lungkot pa rin ang aking baon Lumilipas ang araw na walang nakakaalala Dumaraan ang mga gabing nakaharap sa mga tala At naiisip na, bakit ako iniwan? Nakikita ko kayo at binabati niyo ko Pero paano niyo nagagawang ngumiti na parang walang nagbago? Sa harap ko pa talaga sinasabi niyo mga sarili niyong plano Habang heto ako, sinusubukang hindi maapektuhan pero paano? Sa ilang taon na pinagsamahan, nasayang na nang tuluyan Sabihin niyo. Pano mapapawi ang lungkot dahil sa mga kaibigang minahal **** totoo. At sigurado akong totoo kasi nasasaktan pa rin ako nang ganito. Ang dating masasayang alaala nating lahat. Nagtapos na lamang sa pasasalamat
0
May 10, 2018
May 10, 2018 at 11:30 AM UTC
friENDs
Ang gusto ko yung lalaking matipuno Yung pagbubuksan ako ng pinto Yung umaga pa lang pumupunta na rito Tsaka dapat binabati niya magulang ko Isama mo na rin buong pamilya’t kamag anak ko Grabe ang lakas maka pogi non Lalo na kapag binibilhan ako ng wanton Yun kasi yung paborito ko Kaya nakakakilig pag kilala ka ng lalaki nang todo Ganun yung tipo ko Simple lang at magalang Madasalin at mapagmahal sa magulang Isa lang Isa lang ang hinihintay ko at alam kong ikaw yun. Yung taong bubuo ng mga pangarap natin At tutupad sa mga binitawang salita sakin Ikaw yun Ang yayakap sakin kapag malungkot ako At pag kailangan ko ng makikinig sa mga problema ko. Ikaw yun. Nung una. Akala ko nung una ikaw na yun. Isang malaking pagkakamali lang pala. Imahinasyon lang pala lahat ng ito Ang lala Nabiktima lang pala ako ng maling akala At nadala sa pagbabago **** lagi akong umaasa Kaya ayoko na Ayoko nang pagbuksan ka ng pinto sa tuwing lalabas tayo Ayoko nang habulin ka pag nauuna kang maglakad at ikaw pa yung may ganang magalit Ayoko nang paulit ulit ipaalala sayo na batiin mo mga magulang ko pag nakikita mo Ayoko nang magtiis pa diyan sa katamaran mo dahil pagod na ako. Nagsasawa na ako sa paulit ulit na salitang binibigkas mo pero di naman totoo. Dahil ang totoo, hindi naman tumutugma sa mga kilos mo. Ikaw na ang sentro ng relasyong to. Sa halip na ako ang yakapin mo dahil malungkot ako, ako ang yumayakap sayo. Hindi ako makapagsabi ng problema mo dahil sinisingitan mo nang mas malala yung problema mo. Lagi ka na lang nagagalit kapag may kausap ako. Pero pag ikaw yung may kausap, nagagalit ba ako? Wala na sa lugar yung pagseselos mo. Lahat na lang ng makausap ko pinaghihinalaan mo. Ang toxic na ng relationship na to. Kaya gusto ko na tapusin kung ano man ang meron tayo. Natauhan ako na ako na pala ang gusto ko. Ako pala yung hinahanap ko. Pero kailangan ko ng taong parang ako. Yung mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sayo. Saan ba ako makakahanap ng taong katulad ko?
0
May 10, 2018
May 10, 2018 at 11:23 AM UTC
Ang Gusto Ko

Continue reading...
46