Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
karl-gerald-saul
karl-gerald-saul
Filipino Simpleng Makatang Pinoy
Madaling araw, mata’y dumilat Bitbit pa rin ang pag-asang salat Kumakalam ang sikmura, pero ang lata, walang laman pa. Naglakad muli sa kanto't eskinita Umulan—basa ang katawan, nanginginig sa ginaw Bumuhos man ang ulan, walang bumuhos na barya sa kanyang lata. Isang matahimik na dasal ang binulong, “Panginoon, kahit konti lang po, tulong…” Ngunit ang mga tao’y nagmamadali Walang nakatingin, walang pumapansin. Sa ilalim ng kariton, muling nahiga Yakap ang lata, iniisip pa ba siya? Kahit minsan mahirap maniwala, Bukas ulit, haharap sa mundo dala ang lata.
0
Jul 16, 2025
Jul 16, 2025 at 5:29 AM UTC
Palimos (Part 2)
ARMAS MO'Y PANALANGIN. Bago natin hangarin ang pansarili hiling, Hingin na bawat isa'y makabangon at gumaling; Sa gabay Nya, walang maiiwang nakabitin Pagkat ang DIYOS ay mas higit pa sa bituin. Mataimtim na dasal ang mainam na gawin. Isuko sa kanya ang lahat ng masamang gawain; Talikuran at wag na nating ulit-ulitin Ang Kanyang utos ay di dapat balewalain Normal lang matakot, pananalig mo'y wag hawiin Boung pusong pananampalataya - Sya'y purihin; Huminahon at sa kanya tayo'y manalangin Handa syang makinig, naghihintay lamang sa'atin. Simpleng pagsubok lamang ito kung tutuusin Kung sa kanya ang tiwala mo'y hindi bitin; May dumating mang hadlang at ika'y sirain Itanim sa isipan - armas mo'y panalangin.
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 6:39 AM UTC
Armas mo'y Panalangin
Minsan sa buhay natin, kahit alam natin na tag-araw, may iilang ambon o ulan na sa buhay nati'y dadalaw. Sa pagdating at sa pagbuhos ng ulan, May ilan naghahanap na punong masisilungan, ngunit di katagalan - sila'y mababasa't tuluyang mauulanan, pagkat di kaya ng mga sanga't dahon na saluin ang buhos ng ulan. May mga nakahandang armas na payong naman ang iba, ngunit mababasa naman ang kanilang mga binti't paa, na kung minsan sinasabayan ng malakas na hangin, na ang mga payong nila'y kayang liparin o sirain. Ang iba nama'y sa pagbuhos ng ulan - nagagalak, may parang lasenggerong tumitingala, sinasalo, sumashot na parang alak, may mga batang masayang naglalaro habang naliligo, na kung minsan nagtatampisaw sa mga inaipong ulan sa estero. Kung ako ang 'yong tatanungin, ang ulan nakatalaga sa bawat tao, Na kahit anong iwas mo - darating at darating ito sayo. ang mga patak nito'y sadyang maliliit - kapag ito'y patuloy na bumuhos, kung minsan ito'y mabigat at masakit. Kaya ang tanong ko sayo aking kapatid, Saan ka dito sa aking mga nabanggit? Na sa unang pagpatak ng ulan sa iyong bumbunan, Ano ang iyong gagawin at naiisip na paraan?
0
Sep 13, 2013
Sep 13, 2013 at 12:14 AM UTC
Ulan sa Tag-Araw
Wag mo akong itulad sa iba Na laging nakapayong kapag umuulan Kahit basa kaya ko pa rin tahakin ang daan Daan na kasing putik ng kanilang nilalakaran. Wag mo akong itulad sa iba Na akala mo kung sinong napakalaki ang mga mata Na halos puro nalang mali ang kanilang nakikita Daig pa ang maykapal kung makapanghusga. Wag mo akong itulad sa iba Na kung sinong mapakakapal ang mga bulsa't pitaka Sila na kayang bumili ng kung anu ano lalo na pati ang hustisya Sasaktan, gigipitin ng ilan masunod lang ang ninanais nila. Wag na wag mo akong itutulad sayo Wag mo din akong itulad sa tatay at nanay mo Lalong lalo na sa taong mga nakapaligid sayo Bakit? Hindi tayo pareho,  Mayaman ka at hampaslupa ako.
0
Oct 8, 2011
Oct 8, 2011 at 1:19 PM UTC
Wag Mo Akong Itulad Sa Iba (Hampaslupa Ako)
Kaibigan, Naalala mo pa ba ang masasaya nating kwentuhan? May konting joke lang iyo mo na agad tatawanan, Sumasabay pa ang mga laway **** nagtatalsikan, Na nagkalat sa mukha kong iyo mo pa ngang pinupunasan. Sa kanto, Naalala mo pa ba ang ating istambayan? Nagpapasama ka sa’kin matanaw mo lang ang crush **** dadaan, Ngunit dedma ka, hindi ka nilingon kahit sinigaw mo na ang pangalan, Kaya minsan umuuwi tayong ikay bigo at kung minsan ay luhaan. Sa tabing ilog, Iyo mo rin bang naaalala’t natatandaan? Sa puno ng mangga doon tayo nagtayo ng bahay-bahayan, Dun tayo nagdadala ng pagkain para sabay tayong mananghalian, At dun ko na saksihan ang iyong kakaibang katakawan. Pagkatapos ng bakasyon, sabay tayong pumapasok sa eskwelahan, Kapag break time magkasamang nakikisalo sa mga kaklase, nakikipagburautan, Sa takdang aralin sabay tayong gumagawa at nakikipagkopyahan, At sa pag-uwi sabay din tayong dumidiretso sa komputeran at bilyaran. At nung nagsembreak, Asan ka na nga ba aking kaibigan? Hindi na kita nakita’t matagpuan sa kung saan, Lumingon na ako sa likod, kaliwa at sa kanan, Ngunit ang anino mo hindi ko na matagpuan.
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 3:19 AM UTC
Sembreak
Nais kong lumipad tulad ng ibon sa kalawakan nais kong lumangoy gaya ng isda sa karagatan nais kong maging leong mabangis na katatakutan ng lahat nais kong maging serena na kumakanta habang lumalangoy sa dagat Nais kong maging musikero na tumutugtog na mga instrumento nais kong maging sikat na singer na hawak hawak ang mikropono pagkat ako'y isang hamak na bata lamang na nangangarap ng imposible Lahat ng iya'y imposible kong makamit - imposibleng magawa sinong tutulong sa'kin? sinong gagabay sa'kin? wala, wala talaga, kung meron sino kaya? sa pangarap ko lang talaga ito magagawa
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 1:13 AM UTC
Bata (Ang Imposibleng Pangarap)
Magrasang damit ng batang madungis tyang gutom at katawa'y malangis palaboy-laboy sa eskinita pagala-gala sa kalsada uupo sa sulok may katabing lata limos na inaabot ang lata sa mga tao nagmamakaawa para makakuha kahit kaka-unting barya Paglipas ng hapon at pagsapit ng gabi walang paligo at katawa'y makati ang naipon nyang pera kulang kulang sampu ang halaga di na matiis ang gutom nagkalkal ng basura sa tagal walang makita nainip, nakatulog, nahiga, ang naipong barya idadagdag nalang bukas sa lata
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 12:55 AM UTC
Palimos
Nasasabi mo pa ba na "Kamusta ka?" Sa dami ng mga kung anong bagay na iyong ginagawa? Nasasabi mo rin ba na "Kailangan kita" O hindi na dahil sa makasarili ka? Nasasabi mo pa ba na "Masaya akong kasama ka" Sa kabila ng mga problema **** karamay kita? Nasasabi mo rin ba na "Ingat ka ha" Sa araw araw ng pamumuhay mo, ako kaya'y naaalala pa? Mahirap intindihin at masakit isipin At sadyang nakakabobong unawain Na ang taong minahal mo Ay siya pang mananakit sayo
0
Aug 18, 2011
Aug 18, 2011 at 12:46 AM UTC
Masambit mo pa kaya?