Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
john-michael-andres
john-michael-andres
22/M/Philippines I write what I feel.
Sabi nila "ang nanay ang ilaw ng tahanan At ang tatay ang tagapundi" Saksi ako dyan. Away bati. Yan ang aking mga magulang. Madalas ang ilaw ang nagpapaliwanag, Isang sagisag Na ayos lang ang lahat, Iilawan ang daan kung saan ang dapat. Maasahan ang ilaw, Para kahit saan ka mag ***** Hindi ka maliligaw. Pero minsan ang ilaw, pwede ring Tala Isang tala ang nagturo sa tatlong hari Para mapuntahan ang isang pang hari. Maiihahalintulad ko si mama sa tala. dahil ang ilaw, daan at gabay sya ang gumawa. Alam nyo ba na ang bituin Bago mo makita ang kanyang ning ning Ay daan milyong kilometrong taon bago ito dumating Para lang makita natin. At kapag nakita na natin Maaring itong tala ay wala na rin. Pero iba yung sa akin. Nasa haparan ko lang yung akin. Hindi daang milyong kilometro ang agwat Nandito lang sya sa aking tapat Nayayakap, nahahagkat nakakausap. Bagamat dumating na ang kanyang pag angat Ang masasabi ko lang. Mahal na mahal kita at Salamat. Ngayon kapag titingin ak sa bituin Lagi kitang aalalahanin
0
Oct 21, 2025
Oct 21, 2025 at 3:47 PM UTC
Tala(Stars)
Sabi ng iba panalo ka pag napili ka pag ikaw ang inuuna pag alam **** panalo ka Ano bang pakiramdam? hindi ko kase alam. hindi kase ako yung pinili Ako yung muntik mapili Ako yung "siguro" yung "baka eto na to" minsan nga ako yung "sigurado ako" pero hindi ang napili mo. nakakasanay na lang din yung tipong may darating tapos aalis din tapos muntikan parin.
0
Jul 28, 2023
Jul 28, 2023 at 1:26 PM UTC
Muntik
Hindi na ikaw ang gusto ko Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko Sa twing nakatingin ako sa sayo. Ayaw ko na ng mga mata mo. Ayaw ko na ng mga ngiti mo. Ayaw ko na ng lahat sayo. kibit balikat nalang ako At hindi papansinin ang nararamdaman ko. Parang normal lang. Gaya nung wala pang ikaw. Kaya ko nung wala pang ikaw Nagulo lang nman ako nung may ikaw. Kasi nung may ikaw Para akong baliw. Baliw na laging nakangiti Nakatingin sa langit Iniisip ka palagi Ayaw ko na non. Kaya aaraw arawin ko na to. wala ng atrasan to. kakayanin ko kase malakas ako.   Kahit nakatingin ako sayo ngayon. Ngayon. Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko Bakit ikaw parin ang gusto ko. ultimo Sa pagising sa umaga pag papasok excited pa kasi ikaw ang bungad sa mata ko. tapos makukunteto sa sandali. kuntento sa sandali? HINDI kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo “pasulyap sulyap” Ibig sabihin Segundo Pero sa bawat segundo ng isang oras na ginugol ko Ang gusto ko tumitig lang sayo   Sa mga mata mo, sa ngiti mo Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo Tanggap ko. Kasi ikaw parin ang gusto ko Ikaw ang gusto ko. Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba Kaya sinunod ko sila Pero sa twing ikaw ay makikita ko Para akong nasa madilim na kwarto na tanging ilaw mo lang ang hindi sarado. Sa mga sandaling yun Walang ibang gamit Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat. susubok na kong magsalita pero lumalayo kana tinawag ka ng kaibigan mo, dahil ang oras ay nalalapit na.    Patapos na ang sandali at biglang may nagkamali pagkakataon ko na muli hakbang tatahakin na ang daan palapit sayo pero tinawag kana muli ng mga kaibigan mo. habang humihiling ako madagdagan lang kahit limang segundo. Pero sa oras  na yun ikaw ang unang lumabas ng silid Wala ng sandali hindi dininig ang hiling ko Tapos na. Ang huling isang oras ko sayo.
0
Mar 24, 2023
Mar 24, 2023 at 10:32 AM UTC
Isang Oras

Continue reading...
71
Nakita ko na ang babaeng pinakamaganda sa mundo, Sya ang babaeng pangarap ko, at sa harap ko inaabot nya ang kamay ko. Nagtatanong kung ang ikaw at ako ay pwedeng maging tayo. At "OO" ang sagot ko. Napakasaya ng araw na to. Bawat araw na dumaan, pag ibig natin nadagdagan. hindi ko na mapigilan, mga paro paro sa aking tyan Natutuwa , kinakabahan hindi ko na rin alam kung ano ang aking nararamdaman. Tuwa ko'y walang paglagyan. Magkayakap at magkatitigan. Mahal kita ng walang hanggan. Nasa ganyan tayong senaryo, nang marinig ko ang orasan Sakto alasais, naryan na raw ang hapunan.
0
Nov 6, 2022
Nov 6, 2022 at 10:22 PM UTC
Bangon
Kayat hawakan mo ako at ipapangako ko sayo na ikaw at ako magsasama hanggang dulo sabay tayong hahakbang sa lalim Ng kawalan At ito na ang simula. Simula ng tayo, wala ng ikaw, at wala ng ako. Simula ngayon haharap tayo sa kapanapanabik na umaga. Magkasama. Bilang mag asawa. Kaya tara!! samahan mo ako sa laro ng buhay. samahan mo ako sa sakit sa hirap, sa ligaya sa tuwa at sa habang buhay. at sabay Sabay nating lalakabayin ang daan ng kahirapan, at kasaganahan. Sa lubak man o patag iaakay, aalalay. wag kang matakot sumabay pagkat tayo ay may sandatang matibay. Pag ibig. Pag ibig na ang Diyos ang gabay
0
Nov 13, 2021
Nov 13, 2021 at 11:18 AM UTC
KLWKN
1st Verse: Ano kayang ginagawa mo? Inisip mo rin kaya ako? Impossible. Impossible. 2nd Verse: Kung ako yong tatanungin. Kung ano ang ginagawa ko? Eto, nag iisip ng letrang aangkop para sayo. Chorus:    Habang inaala nung una tayong magkita Nung una tayong nagkakilala Sa maraming beses na tayo'y nagkasama Sa mga tawa na dulot ko sayo At ngiting dulot mo mga biro mo paglalambing mo Naalala ko. 3rd verse Ayoko nang isipin pero paano ko gagawin kung ang lahat ng bagay, tungkol sayo? Sayo Sayo Repeat Chorus Instrumental Bridge: Pinili kong hindi magsabi Pinili kong maging bulag   Sa isang pagkakataong nasayang NASAYAAAAAANG Repeat Chorus (Half)
0
May 11, 2019
May 11, 2019 at 11:44 PM UTC
Galimlim
Patawad. Sa mga salitang sinabi ko, mga salitang di sadyang lumabas sa bibig ko mga salitang hindi sigurado ng puso ko sinabi kong magiging malakas ako, sinabi kong ayos na ko, pero hindi ako ganun kalakas di ako ganun ka ayos at nalaman ko, nalaman ko na, hindi pala naghihilom ang sugat ko Pero kung merong ibang nagpapasaya sayo nagpupuno ng pagkukulang ko, Sino ako? Sino ako para humarang sa kasiyahan mo. Hindi ako hahadlang sayo. Alam kong kabaliwan ito, sana pagkatiwalaan mo kung ito ang dapat akoy maglalaho. Kung tama na ang nararamdaman, gawin mo ang yong gusto Dahil hindi ko isisi sayo na ang pinili mo ay hindi ako Mahal masakit pa Pero kung meron ng ibang nagpapasaya pinupunan nag pagkukulang ko ng iba Sino ako ? Sino ako para humadlang sayo diba ? Kung ito man ang aking nadarama, hindi mo na ito problema dahil kung meron ng ibang nagpapasaya Hindi ako papagitna. Kung may pagkakataong may magtanong kung sino ka. sasagutin ko. Dating Kakilala.
0
Apr 7, 2018
Apr 7, 2018 at 3:12 PM UTC
Sino ako
Narasanan mo na bang mabasa ng ulan? Makipag laban sa ulan? Yung lahat ginawa mo na wag ka lang mabasa? Sumilong ka na, nagpayong ka na, may kapote ka pa. Pero wala basa parin. Paano pag ganto? Itapon ang hawak **** payong Lumabas sa iyong silong Tanggalin ang yong pandong. Ikay umabante Damhin ang bawat patak ng ulan Ipikit ang mata Habang nakatingala Hayaan ang tubig na galing sa langit na basain ang yong mukha At pumikit bumalik sa nakaraan Masasayang alala. Na kasama mo ang ulan Gaya nuong bata ka. "Mama payagan mo sana Hayaan akong makipaglaro sa kanya" Laking tuwa pag napayagan ka. Tatakbo takbo Hindi alintana kung baka mapano Huhubarin ang Tsinelas at gagawing barko Hindi bat napaka saya mo. Kaya pag dilat mo May tanong lang ako Maiinis ka pa ba o Hayaan **** basain ka ng ulan? Wag mo sanang labanan. Ngumiti ka na lang At bumalik lang sa nakaraan.
0
Jul 18, 2017
Jul 18, 2017 at 10:00 PM UTC
Ulan
Hahayaan kita Hindi na ko magsasalita Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa Hindi ko na sasabihin pa ang mga salitang sinasabi ko sayo Nung tayo pa Pero bago ka mawala ng tuluyan Sana. Sana magkunwari ka man lang magkunwari kang tayo na parang mahal mo pa ako na parang ikaw at ako lang ang tao mundo Na parang atin parin ang bukas yung takot tayong dumating ang bukas Na parang wala sa diksyonaryo natin ang bukas. Pero wala na nga palang bukas Hindi na pala sa atin ang bukas Dahil bukas, ang matitira ay ako Kaya may isang hiling lang ako sayo Na kung ito man ang huling gabi na magkasama tayo Ituring mo akong higit. Lalo sa puso mo Bigyan mo ako ng huling sandali Yung pwedeng kong baunin Yung pwedeng sa utak ulit ulitin. Ulit ulit ulit Hahayaan kita Hindi na ko magsasalita Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa Hindi ko na sasabihin pa ang mga salitang sinasabi ko sayo Nung tayo pa Nung mga araw na mahal mo pa ako na hawak mo pa ang kamay ko Noong bago dumating ang ngayon Ngayon Wag ka nang magsalita Halata na sa yong mga mata Na itoy huling gabi na At alam ko nakikita mo rin sa mga mata ko Na sa akin ang gabing ito ay mahalaga Kaya bigyan mo ako ng alaala Dahil baka akoy hindi na muling magmahal pa.
0
Nov 10, 2016
Nov 10, 2016 at 11:12 PM UTC
Huling hiling
Hindi na ikaw ang gusto ko Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko Sa twing nakatingin ako sa sayo. Ayaw ko na ng mga mata mo. Ayaw ko na ng mga ngiti mo. Ayaw ko na ng lahat sayo. Pinili kong maging pusong bato At hindi pansisinin ang nararamdaman ko. Parang normal lang Gaya nung wala pang ikaw. Kaya ko nung wala pang ikaw Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw Kasi nung may ikaw Para akong baliw na laging nakangiti Nakatingin sa langit Iniisip ka palagi At Ayaw ko na non. Kaya araw araw akong magiging bato Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako. Kahit nakatingin ako sayo ngayon. Ngayon. Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko Bakit ikaw parin ang gusto ko Sa pagising sa umaga excited pa akong pumasok kasi ikaw ang makikita ko kuntento sa sandali HINDI kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo “pasulyap sulyap” Ibig sabihin Segundo Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko Ang gusto ay ang tumitig lang sayo   Sa mga mata mo, sa ngiti mo Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo Tanggap ko. Kasi ikaw parin ang gusto ko Ikaw ang gusto ko Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba Kaya sinunod ko sila Pero sa twing ikaw ay makikita Parang madilim na kwarto na ikaw lang Ang tanging ilaw na bukas Sa sandaling yun Walang ibang gamit Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat. susubok akong magsalita pero lalayo kana tinatawag ka ng kaibigan mo kasi ang isang oras ay tapos na. “SANDALI” sabi ng prof. muling napinta ang ngiti sa labi dahil sa huling sandali sumulyap muli sayo.    Patapos na ang sandali At tinawag kana muli ng mga kaibigan mo. habang hinihiling ko, Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano, Pero sa oras na yon unang lumabas ng silid ang propesor. dahil tapos na ang sandali Tapos na. Ang isang oras.
0
Oct 14, 2016
Oct 14, 2016 at 9:59 PM UTC

65