Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
jayco
Siguro, maaari natin makalimutan ang mga taong nanakit sa atin o ang mga nakaraan natin na hindi maganda. Pero, hindi mo ito basta-basta makakalimutan dahil may pain kang naranasan. Maaaring sinaktan ka ng bf/gf mo o kaya naman may mga bagay na nangyari sayo hindi maganda. Oo maari natin to makalimutan pangsamantala, marami tayong paraan kung paano tayo mag move on sa isang bagay, pero babalik at babalik yung mga nakaraan mo. Hindi na siya ganun kasakit gaya ng dati. Na naranasan mo. Maaalala mo, Oo, kapag na alala mo ang nga bagay na hindi magandang nangyari sa'yo,  itatawa mo nalang. Yong pain nawala na. Ang atin mga nakaraan ay puno ng mga alala, maaaring ito ay hindi maganda o kaya naman masasayang alala.  Sa mundo marami tayong pinag dadaanan. Masasaya at masasakit.
0
Nov 9, 2019
Nov 9, 2019 at 7:11 PM UTC
Kinalimutan mo na ba ang taong nanakit sayo o yung mga nakaraan mo na hindi maganda?
Sa tuwing sumasapit ang dapit hapon Ay aking nasisilayan ang paglubog ng araw At aking naalala ang matatamis mo ng mga ngiti sa tuwing nakikita mo ang paglubog ng araw. Ngiti na aking nasilayan sa iyong mga labi Ngiti na nagbibigay pag-asa Ngiti na bumubuo ng kulay sa'king mundo. Ngunit ang mga ngiting yan bigla nang naglaho. Ako'y naguguluhan kung bakit ang iyong mga ngiti ay unti-unting nagbabago? Ang dati **** mga ngiti na kay gandang pagmasdan Na ngayo'y nawawalan na nang pag-asa.
0
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 11:17 PM UTC
Untitled
Pinipilit kong umiwas Pinipilit kong lumayo Pinipilit kong 'wag pumansin Pinipilit kong ngumiti Pero lahat ng pilit ko, Mahal parin kita.
0
Jan 9, 2019
Jan 9, 2019 at 4:27 AM UTC
Mahal parin kita
Tangapin nalang natin na may mga taong hindi talaga tayo gusto. 'Yong tipo na ikaw ang mag bibigay halaga, siya naman ang pag-iwas. Talaga ang tadhana mapaglaro, kailanman sa mata ng tao ay ang mundo ay hindi pantay.
0
Jan 8, 2019
Jan 8, 2019 at 6:55 AM UTC
Acceptance
Minahal kita higit pa sa inaakala ko Minahal kita higit pa sa sarili ko Minahal kita higit pa sa buhay ko Minahal kita higit pa sa pamilya ko Minahal kita higit pa sa oras ko Lahat nang 'yong minahal kita kasi akala ko mahal mo din ako. Ibinigay ko ang lahat ng meroon ako. Subalit, ako'y tila nagkamali. Tila na pa-isip ako... Balang araw makakalimotan din kaya kita? Balang araw makakamove-on na ba ako? O kaya naman, balang araw mamahalin mo na rin ba ako ? Hulaan ko, hindi. Kasi... alam ko naman, sa simula palang talo na ako. Masaya ka sa mga taong kaya kang pangitiin, patawanin, paligayahin, at higit sa lahat kaya ka nilang mahalin, sapagkat malapit na sila sa puso mo. Ano nga ba ako sayo ? Ako lang naman 'yong tao na nag bibigay ng effort para lang makita ka. Ako lang naman 'yong tao na, pupuntahan ka kasi alam ko nalulungkot ka. Sa tuwing magtetext ka ng... "Good am/pm gawa mo ?" "Tara, Kape tayo ?" "Tara sa tabing dagat?" Ako namang itong si engot... "Sige ***** na ako after 5mins" "Wait lang paalam lang ako kay mama." Dali-dali ako pupunta sa bahay niyo, dahil sabik akong makita ka. Ewan ko ba, hindi ko alam kung anong meroon sayo ? Kahit anong pilit ko na iwasan ka, pero sadyang mahal talaga kita.
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 9:52 PM UTC
Balang araw
Patawad kung hindi ko nasabi amg mararamdaman ko. Patawad kung hindi ko binigyang halaga ang mga oras na naibiga mo sakin. Patawad kung nagkamali ako ng akala na hindi mo ako mahal. Patawad kung pinag hintay kita ng matagal. Kahit humingi pa ako ng tawad, Dahil huli ko ng nalaman na may nararamdaman pala ako sayo. Dalawa sana tayong mag kasama ngayon. Kung hindi ko binaliwala ang nararamdaman mo.
0
Nov 8, 2018
Nov 8, 2018 at 7:59 AM UTC
Patawad
Sa tuwing nakikita kita, Masaya na ang araw ko. Sa tuwing nakikita kita na ngumingiti, Masaya na ang araw ko. Subalit ng dumating Siya, Nagbago ang mundo ko. Mundo ko na sayo lang umiikot, Ito ay napatigil ng dahil sa kanya. Alam ko na walang lunas ang sakit ng nararamdam ko, Ang tanging lunas nito ay kalimutan ka na nang tuluyan, na dumaan ka pa sa buhay ko.
0
Nov 5, 2018
Nov 5, 2018 at 5:46 AM UTC
Masaya sana Ako
Akala ko magiging masaya ako sa iba, Akala ko kaya kong makalimutan ka, Bakit ganun, ikaw at ikaw parin ang nilalaman ng puso't isipan ko.
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 4:41 AM UTC
Malaya
Bakit ka ba nang gugulo sa isipan ko, gayon naman tahimik at panatag at masaya na ako. Please lang, hindi ka ba napapagod ? Pagod na pagod na ako sa kakalaro mo sa isipan ko. Move on bes.
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 4:39 AM UTC
Gumugulo
Sa milya-milyang aking nilakbay, upang aking, ikaw'y mahanap, nan-dito ka lang pala sa tabi ko. Kung saan-saan pa ako naghanap.
0
Jul 9, 2018
Jul 9, 2018 at 11:43 PM UTC
Sa bandang huli