Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
heyastrid
heyastrid
22/F/PH this account becomes active when i'm sad
it would've been a month of voice messages, delusions, and silly advances. but on the 26th day, i'm still on the way. every time i pass by any train, or the skies prevent to pour the rain, 26 days of crippling pain, now numb, hopeless, yet still a crackbrain. no one seems to fill the void you left but they elude me from that silent altercation you were probably the best choice even on the 26th day of separation have you forgotten that fast, or probably i didn't linger enough? i should've pressed my nails deeper onto your arms i should've kissed you against the alarm maybe if the train ride lasted longer, maybe if the sunset wasn't purple, maybe if we didn't dream the ugly denouements, maybe there would be a 33rd day.
0
Sep 12, 2023
Sep 12, 2023 at 2:47 AM UTC
32-28-26
that was the most turbulent, gut-eating feeling i have had in the last five years; or maybe, my mind made it so. coming from a stagnant relationship, built through years of falling apart—every possible connection is amplified, feeling anew. or maybe, i was just sad. i let impulse run my mind, i let delusions eat me, i let my heart decide—all of it to end abruptly, in a torrid snap. "it's fine, it's only been five days," i said, with bitterness and gratitude gritting through my teeth. spare teenage hormones and angst filling the chat. my replies were not rational at all. "maybe we're just sad and **** you said, quoting my pretentious nonchalant words. "it's fine, but why did you have to lead me on like that?" and i pressed send, only to find out i was already blocked. you didn't have to take me out, watch the sunset with me, or even hold my ******* hand, or be the most fictional character to ever grace my life. you didn't have to outdo all of the dates i've ever been to. i was vulnerable, too kind to spend a whole monday with you. you said you were obsessed with me—but dropped me like that hot chicken wing. "i loved the idea of us", you said, but probably not with me.
0
Aug 17, 2023
Aug 17, 2023 at 11:01 AM UTC
bleached, dry, frizzy hair
6th of december, 2018. “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay “kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita. Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon. Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo. Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo. Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
0
Feb 23, 2019
Feb 23, 2019 at 12:01 AM UTC
a lengthy tagalog prose

Continue reading...
7
once I've been told, 'til these roses turn old and my earrings tarnish their gold my hands are what you will hold since then, gazes went fiery my palms weren't as sweaty heart beating like crazy my eyes were never teary my poems have seen happiness oh, dear God, I know I've been blessed playlists were still sad, but less calmed my waves with your caress and in every relationship I've had I've always anticipated for the bad but you never made me go mad and luckily, I was never sad happiness with you in sight you made me shine so bright you embodied every winning fight still smitten, never something so right my words cherished you deeply you might looked perfect, seemingly my thoughts have suffered politely made me look dumb intimately have you realized that I make zero sense? because all of these are written in past tense.
0
Nov 30, 2018
Nov 30, 2018 at 3:15 AM UTC
past tense
kasalanan bang umibig, nang walang hangganan? hindi nagpipigil, laging handang lumaban? kasalanan bang umibig, kahit batid na masasaktan? paulit-ulit mang matalo, lalaban hanggang sukdulan? kasalanan bang umibig at bigyan ka ng mga tula, tingin mo'y nakakakilig - kahit ang mga mata mo'y 'di ko pa nakikita? kasalanan bang umibig, kapag ikaw ang nagpapangiti sa bibig, nakulayan ang bawat pintig ng pusong naghahanap ng hilig? kasalanan bang ang hilig ay ikaw na tamang-tama? boses mo'y nakakanginig, kahit hindi ko pa naririnig. kasalanan bang ang hilig ay ikaw na perpekto. tila ginawa ka ng Diyos na hindi maaabot. kasalanan bang ang hilig ay makita ka nang harapan? upang hindi lang sa panaginip na ako'y nasasaktan. kasalanan bang ang hilig ang isipin na ikaw ay tama? hanap-hanap ang iyong titig na pananakit lang naman ang tema?
0
Nov 30, 2018
Nov 30, 2018 at 12:10 AM UTC
maaari ka bang tanungin?
na ikaw ang inuna kahit ako ang iyong huli. sinta, maaari bang masimulan nating muli? parang tangang ikaw ang pinili hinayaang makulong sa iyong tali lahat ng aking alinlangan ay isinantabi pinagkatiwala ang buong sarili akala ko'y hindi ako nagkamali ngunit nagsabi ka ng "sandali," "sandali, hindi ako lilisan ngunit sandali, ako pala'y nalilito minsan sandali. makinig ka muna. sandali lang. hindi yata kita napupusuan." hindi mo naman kasalanan na ang sakit ay hindi man lang maibsan hindi mo naman kasalanan na madali akong palitan hindi mo naman kasalanan na hindi ako ang nakatuluyan hinding-hindi mo rin kasalanan na hindi ako kawalan hindi mo kasalanan, mahal na ang boses ko'y garalgal at kapag ako'y hinihingal kapag sinisigaw ang aking pagmamahal at paghihintayin pa kita ng matagal pahihintulutan kang maging pagal ang usad sa akin ay laging mabagal kaya hinding-hindi ka susugal hindi mo kasalanan ang aking mga kasalanan. kaya't ako'y iyo nang iwan sa sarili **** tahanan.
0
Nov 29, 2018
Nov 29, 2018 at 11:59 PM UTC
hindi mo naman kasalanan,
nobody told you that you were beautiful, should that mean there's something wrong with you?
0
Jul 16, 2018
Jul 16, 2018 at 10:14 AM UTC
Untitled
salamat, sa pagpiling laruin ang aking mga daliri na tila hindi alintana ang pasmang taglay na kung lumuwag man ang kapit ko, ay mas hihigpit ang hawak mo kung dumulas man ang palad ko, ay hahatakin mo ako pabalik patungo sa piling mo upang hindi tayo maligaw sa ating mga sariling halik. salamat, dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan pati ang tila pagyakap ng mga unan sa iyong bawat pagtahan ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan at pagmamahalan, na kung susuriin ay pilit na lumalaban kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan. salamat, sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga" kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan. ilang beses ko bang pagdududahan ang boses **** tila kandungan hindi ko man hiningi ay hinandog ng kalangitan sa likod ng mga telepono'y nagngingitian ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan dahil puno ito ng kalungkutan. salamat, sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi na bago pa man bigkasin ay batid ang mariing katotohanan na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan. kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo na bitiwan mo ang kamay ko ay nasasakal na ang mga daliri at humihina ang aking pulso. salamat, dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit. ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig pilit man lakasan ang aking tinig ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid. salamat, kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso ay mahigpit ang iyong kapit na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo pati ang isip kong tila gumuguho dahil hindi ka lumalayo. patuloy man ang aking pag-ayos at nagtamo pa ng maraming galos; ay patuloy din ang iyong pagsira dahil pareho tayong lumuluha.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 12:49 PM UTC
salamat.

56
He gave swerves to uncategorized happiness, with spins that ******* back into his despondencies. He was never given a chance to applaud himself for being a second-long happy or get back to the spotlight where he did belong to his whole **** life. He's properly beautiful when he dances, or when he's proud of his weakest points. Him singing, even the most heard songs will sound re-engaging as if he owns it. Our eyes pace head-on against our cars' contraries. Every scar I had given to my wrists soothe when we wrap our sinful hands in an ill-starred manner. Love, for him, is altruistically pouring around like sudden downpours on a midsummer day; he had everything to offer yet nothing for himself. He invests a lot with what he wins back. He's the grandeur of a boring ensemble of actors yet still believes he's the subpar star when in reality, no such star existed like it. No one would ever dare to leave him with a river to bleed, or cherry wine bottles with teary send-offs. Anyone who does that will rest assured have a slot in his own obscenities - oh, how I wish hell would be a lot better than that. I wasn't briefed for safe keeping such recherchés, that I had to jilt. A handful will be curious, why my decision is a ****** or rather, why am I a **** up. But I would say people with better anything deserve his still-endearing dissonances. And all I have are lyrics while he gives song compositions. All he ever needs are happy mornings who hugs him back so right. Behind their curtains are joy-tinted windows with episodes of cuddles and husky 'Good morning's'. I am not that person, so I had left him in his most heightened situation yet - loving me. In a bed full of my inconsistencies, he was sleeping beside his hard-to-swallow Ecstasies.
0
Jun 8, 2018
Jun 8, 2018 at 11:18 PM UTC
this is the best I can give you

4
ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin. minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin. ilang buwan naghangad na ika'y makapiling; kailan ka kaya mapapasaakin? ang nais ko lang naman ay magkakilanlan - magkita, magka-usap, maging magkaibigan. limutin mo na ang iyong nakaraan, gawing ako ang iyong kanlungan. sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan, pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan; sakit at pagod ay maiibsan kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan. pagmamasdan ang mga matang hapo, ang mga gitarang sira ang capo, ang amoy ng kape mula sa hininga mo, pati ang paghilik **** nasa tono. ang iyong damit na babad sa pawis, at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis; kung sa umaga'y bubungad ang ngiti **** kay tamis ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis. at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista, habang ang lapis sa papel ay nabubura na; sisimulan ko sa pangalan **** may pitong letra hanggang sa kung paano ka tumatawa. isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri, habang ang buhok mo'y hindi na mahawi. sa bawat galaw **** aking tinatangi, at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi. kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili, maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili, ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali. ang pagmamahal kong lubus-lubusan, tila apoy na sinilaban; sa'yo inialay ang bawat laban, ngunit umuuwi akong laging luhaan. kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito, mayroong ibang nagsusulat para sa'yo. kahit ipilit ko pang gandahan ito - hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo. at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan, na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan; dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan ng puso **** kay sarap sanang gawing tahanan. oo, alam ko. hindi ako nagkamali. dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali; patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi. aking sinta, ikaw ang aking mundo, mabura man ng hangin itong monologo, mabaliktad man ito ay hindi magbabago, at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
0
Feb 22, 2018
Feb 22, 2018 at 6:14 AM UTC
pitong letra

52