Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
fayeelicious
fayeelicious
28/F/Iloilo City
Nagsimula sa isang kwentuhan Hanggang umabot sa biruan Nakangiti, nakatawa na parang walang problema Lumulutang sa ulap na may saya. Minsan sa pag-uwi magkasabay Nakaalalay at hawak hawak ang aking kamay Ang iyong labi na ma pula-pula Ang mga matang kumikinang sa akin ay nakatingin pa. Dumating ang gabi ikaw ang iniisip "Kamusta na siya?" yan ang nasa isip Agad-agad kinuha ang telepono Tinawagan na walang alinlangan ang maginoo. Hindi namalayan umabot na ng umaga Mga kwentuhang napakasarap sa tenga Mga halakhakan at tawanan nating dalawa Basta't kausap ka, walang lungkot na madarama.❤️
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 2:43 AM UTC
SAYA
Nagsimula sa isang hapunan Hanggang umabot sa masarap na kwentuhan Hindi namalayan ang oras Hatinggabi na't tuloy parin ang tawanan. Pagkikita ay nadugtungan Muli ay nagkayayaan Kain dito, gala doon Ikaw at ako magkasamang nagbibiruan. Kasama ka sa pag-uwi Kasabay ng musika paulit ulit naririnig Hindi namalayan ang oras Makasama ka lg walang lungkot sa labi. Labis ang lungkot sa iyong pag-alis Mga boses at ngiti **** nakakasabik Mga matang mapungay at labing mapula Sa isip ko ay laging nakapinta. Pero mahal, ako'y nasasaktan Nasasaktan sa maling pagmamahalan Pagmamahalan sa maling panahon Panahon na sinusubok ng pagkakataon. Sa iyong pag-alis ika'y may hiling Ika'y huwag kalimutan at ang mga alaala natin Natulala at hindi na alam ang ibibigkas Pero pangako mahal, ako'y andito lang hanggang wakas.
0
Feb 25, 2020
Feb 25, 2020 at 2:40 AM UTC
ORAS
Andito na naman ako Magsusulat na naman para matandaan Mga pangako na minsan mo binitawan Nagtatampo at nasasaktan Nasaan ka? Bakit hindi kita maramdaman? Natatandaan mo pa ba yung pangako mo? Pangako mo na mananatili ka sa tabi ko? Sinabi ko sayo na aalis na ako Na ayoko na at sumuko na tayo Pero nanatili parin sa piling ng pareho. Mahal, alam natin saan tayo lulugar pareho Kung hanggang saan lang ang meron "tayo" Pero ang pangako mo na hindi mo ako pababayaan nasaan? Naglaho na ba at tuluyang nakalimutan? Nakalimutan o hindi mo mapanindigan? Hindi mapakali't nanghihinayang Mga binitawang salita at nararamdaman Pilit binubura lahat ng ugnayan Ugnayan na nabuo sa pag-iibigan Hanggang umabot sa desisyon na wakasan. Mga pangako natin sa isa't isa Napako at nawala na Tila ba kay bilis lang uli mapag-isa Yung sakit na hindi ko maramdaman noon Ay unti unti ng yumayakap sa akin ngayon. Mahal, salamat sa masasayang araw natin Mga araw na nabuo ng masarap na salita sa atin Larawan mo na hindi makakalimutan Haplos at yakap mo na hindi mapantayan At sa mga pangako na iyong binitawan. Salamat sa masasayang kwento Na itatago ko hanggang dulo Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko Masayang alaala ng babaunin ko Ito na ang dulo na kayang tanggapin ng puso ko.
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 4:26 AM UTC
PANGAKO
Madilim, kagaya ng pusong may lihim Umiiyak, nasasaktan, natatakot aminin Kailangan ba talaga maramdaman ito? Ayoko na at napapagod na ako. Magmumukmok sa isang tabi Na parang hindi mapakali Uupo, tatayo, tatakbo Hindi alam kung saan patungo. Isip ay lumulutang, puso'y nag aalab Hindi na alam kung anu ang bibigkasin Sumisigaw, sumasaklolo Hindi na alam kung ano ang gagawin. Tama na, pakiusap Ako ay mananahimik na Kaya ko tahakin ang dilim mag isa Huwag ka lang magparamdam pa. Paalam at ako ay lilisan na Paalam at ika'y iiwan na Paalam mahal hanggang sa muli Paalam, kahit mahal na mahal kita.
0
Feb 20, 2020
Feb 20, 2020 at 10:33 PM UTC
PAALAM
Sa mundong maraming tukso Handa na ba ang puso mo para dito? Mga kalokohan na nauwi sa tuksuhan Tuksuhan na nagkagusto sayo ng tuluyan. Pinipigilan ang damdamin Na tila ba lumalalim Inuukit sa langit Mukha **** mapang akit. Haplos at yakap na naramdaman Sa isip ay hindi makalimutan Pag-iwas sa iyo ako'y nahihirapan Mahal, kaya ba natin ito kalimutan? Matang mapungay sa akin nakatitig Mapulang labi mo'y nakakatuksong humalik Buhok na kasing bango ng mga rosas Boses **** parang anghel ang katumbas. Mga braso mo kaysarap hagkan Kamay mo na kaysarap hawakan Mahigpit na yakap na sayo lang naramdaman Nararamdaman na sana wala ng katapusan. Pero tama na, mahal. Tama na 'to. Tigil na tayo Burahin ang mga alaala na nabuo pareho Kalimutan ang nararamdan at pangako Sa mundong mapanghusga at puno ng tukso.
0
Feb 20, 2020
Feb 20, 2020 at 9:46 PM UTC
TUKSO