Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
danyelakristinn
danyelakristinn
19/F she's a poem living inside a poetry | an ordinary girl who extraordinary loves art
walang tigil na naman sa pagluha ang langit. hampas ng hangin ay tila galit na matagal nang itinimpi, at ang mga paghikbi nitong ihip ay hindi maikubli. at gaya ng mga nagdaang araw, itong sandali ay wala rin namang pinagkaiba; pasan-pasan ang mga bigatin at lumbay ay kapiling hanggang sa makaidlip. kailan kaya magigising na hindi na hapô mula sa pagtakas sa masamang panaginip?
0
Sep 18, 2024
Sep 18, 2024 at 6:53 AM UTC
bangungot
everytime i look into you, i see radiance shedding clarity to these uncertainties, slowly warming unsightly places with your sincere presence that deeply affects my soul. your words resonate – a serene impression overcoming an anxious heart and a war in my mind that keeps me longing for your familiar embrace, my sanctuary and grace.
0
Sep 18, 2024
Sep 18, 2024 at 6:49 AM UTC
sanctuary and grace.
sa pagitan ng pag-alis at pananatili ay ang mga pagkukubli, ang mga pagbabakasakali, ang mga hindi mapakaling pangamba't takot na matagal nang gustong sumalisi – at doon sa gitna, ay naiwan akong nag-iisa. lumuluha't basang-basa sa ulan; walang patutunguhan.
0
Sep 17, 2024
Sep 17, 2024 at 3:36 PM UTC
sa pagitan
ika-4 ng Agosto – umiiyak na naman ang langit kasabay ang paghampas ng malakas na simoy ng hangin at bumubulong ng mga kalungkutang hindi alam kung kailan o saan nga ba isinilang. at dinadala ka nang paulit-ulit sa rumaragasang alaalang pilit **** kinakalimutan habang giniginaw sa mga luhang dulot ng mga hinanakit na patuloy lang na nag-iiwan ng mga marka sa iyong dibdib. ika-4 ng Agosto nang umiyak na naman ang langit. kailan kaya darating ang mga gabing hindi na basa ang mga unan sa paghikbi?
0
Sep 17, 2024
Sep 17, 2024 at 3:35 PM UTC
agosto 4.
the sun will go down, and the heavens pour out, but the colors of your rainbow will never fade – ascending the mountain peaks, embracing rough surface that even when anything else seems to make no sense – your hues will just intensify and your soul remains fascinating.
0
Sep 17, 2024
Sep 17, 2024 at 3:34 PM UTC
Untitled
you are the sunshine on the gloomy days — everything you touch illuminates and forms a soul soothing flowing freely into solace. even all the clouds part to let you rise and bloom; the radiance has grown within you shining through the scars, the cracks, the losses, and it whispers – a gratitude for your existence.
0
Sep 17, 2024
Sep 17, 2024 at 3:33 PM UTC
Untitled
We are empty souls under the night sky, shadows in the streetlight haunting our secrets searching desperately in the breeze – storms raging yet make us feel warm, flame inside's burning and we're close to resuscitate. All the stars delight the whispers in my ears, beautiful galaxies beneath your skin, believing your deep breaths of – "you are not alone because you have us at lonely nights". You're a beautiful disaster — there's power in your earthquakes and tornados combined, touching mine with ravenous passion, but your heart is crying out for her; destructively reverberating louder than any music we've made, reflecting your empty soul yearning for her. Fire is consuming me, and the only thing I hear are your screams. I hear you screaming her name while taking shower; I hear you screaming hear name and it makes you feel home; I hear you screaming her name in my dreams – even in my nightmares; I hear you screaming her name all the days of my life, and now, I'm letting you go.
0
Sep 17, 2024
Sep 17, 2024 at 3:33 PM UTC
Untitled
muling iikot ang mundo sa araw, may darating na panibagong bagyo at kapanatagan na nagpapaalalang ang iyong pananatili ay hindi para lang sa kawalan, sapagkat kung paanong kumikinang ang mga bituin sa kalawakan ay gayunding masisilayang muli ang bukang-liwayway; at sa iyong pagtingala ay may langit na nag-aabang sa dadalhin  mo pang hiwaga. magliwanag ka. mahalaga ka.
0
Sep 17, 2024
Sep 17, 2024 at 3:30 PM UTC
bagong taon🍃
every piece of you is like a small wave in a sea, no matter how i try hard to go against the current, those waves just merge with bigger waves; the more i need to dive in a raging sea and i'm just sinking deep.
0
Apr 29, 2019
Apr 29, 2019 at 5:15 AM UTC
Untitled
Naaalala ko kung paanong lumusong sa dalampasigan ng walang kasiguraduhan, naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap sa likod pilit na itinatago ang mga bituing sinusubukang abutin ang daang hindi alam ang pupuntahan kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan, sa pag-asang mahahanap din ang hindi matagpuang kakulangan. Nagbabakasakali sa karagatang hindi maalon, malayang naggagalugad, sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig sa maligamgam at aligagang kaluluwa, hindi mapakali, kung paano nga bang makararating o madadatnan ang pampang. At unti-unti, naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos, ako’y hinahaplos, lumulubog at naghihikahos, hindi makahinga, humihiling na sana’y rito na matapos ang paghahalughog na hindi matapos-tapos. Pero tapos, hindi pa rito magtatapos, bubuksan ang mga mata ngunit hindi makita-kita ang puwang sa pusong hindi mapunan ng kakaibang dulot ng panitikan, ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala ang hindi maipakikita o mabibigkas sa likas na paraan na alam ng tao, na sa kahunghanga’y naniwalang ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba; sa pagbili ng paboritong libro habang inaamoy ang kakaibang halimuyak na dala ng mga papel na may bagong imprenta, sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak mula sa mga salita’t tugma hanggang sa ito’y maging tula dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring makulong sa isang tula, itinatatwa ang mga panandaliang tuwa sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa. Lumulutang sa mga pighati, pasakit, pagkadapa, pangamba, pangangatal, paglisan, pagkapagod at pagkatalisod. Kaya ako’y pipikit na lamang, susubukang umidlip, o matulog nang ilang oras, walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada, tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip, sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga, sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika, sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang kasabay ang ulang panandaliang kanlungan, sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggagalingan. Hindi ko na alam pero susugal na matagpuan ang katiyakan sa walang katiyakan sa panaginip at bangungot na walang katapusan. Tapos heto, hinahanap pa rin ang halaga ng halaga ang tula ng tula at ang ibig ng pag-ibig. Patuloy lang na hahakbang, mula sa kinagisnang tagpuan, magpapabalik-balik, pagmamasdan ang hungkag na sarili na nasa katauhan ng isang katawan kung paanong mamamanghang paglaruan ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala. Umaalingawngaw ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan sa pusong ang tanging alam lang ay ang hindi na muling paglaban, bilanggo ng mapanlinlang na ligayang kumukupas at nag-iiwan ng malalalim na bakas. Tumatakas ang inakalang kasiyahan na kadugtong pala ay kalumbayan, ang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan. at ang paghahanap ay kasunod ang kawalan. Ngunit, ako'y paikot-ikot lang dito, umaalpas, naliligaw sa isang pamilyar na kapilas, mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo, iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro: daan ko’y patungo pa rin sa’yo. Maligaw man o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan, lagyan man ng piring ang mga mata, harangan ng tabing ang lansangan, umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya, alisin man ang lahat ng aking alaala, makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya dahil hindi na ako nangangamba, alam kong ako’y iyong isasalba. Kaya taluntunin man nila ang mapa ng aking napagal na puso, ngingiti lang ako at sasabihing: “ikaw ang dulo, gitna, at simula”. Walang humpay mang umagos ang luha, wala nang palalampasing pagkumpas ng iyong mga kamay sa aking tinatahak na landas dahil ipilit man ng kalawakan ang ilang libong katanungang parating naghihintay ng kasagutan, ikaw at ikaw lang ang tanging sasapat sa sagot na hinahanap. Paikutin man sa kawalan, sa pagkukubli, wala nang pagkabalisa dahil ngayon naiintindihan ko na ang bawat tamis at pait, lungkot at saya, pighati at ligaya, pagkabagot at pagkasabik; at ang bawat sandali pang darating. at ngayon, nahanap din kita. Mali, matagal mo na akong natagpuan. At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali ay naroroon ang ating walang hanggan, sa iyong piling. Kaya magsimula man muli sa walang kabuluhan, gitna o dulo ng paroroonan, mananatili lang na magpapahinga ang pusong nanghihinawa sa dala **** ginhawa. Ngayon, naiintindihan ko na - na sulit ang lahat at maligaya ang aking paglalakbay sapagkat sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang PAG-IBIG mo.
0
Jun 1, 2017
Jun 1, 2017 at 6:11 PM UTC
Tahanan

Continue reading...
160