Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
cmple
cmple
18/M read my heart | All Rights Reserved
ayos lang ako sa ngayon eh paano pag nawala ka haha di pwede ‘yon! di ko man masabi sayo lahat nang ‘to alam ko na alam mo dadating din yon yung panahon na tutugon sa mga pangarap natin noon baon ang mga alaalang itinabi sa isang kahon naalala mo ba yung humiling tayo sa malalim na balon? sabi pa naten “mag susumpaan tayo sa harapan ng altar” pota hahaha asan ka na ngayon?? sabi mo ang pag lisan, 'di pwede ‘yon pero yung sagot sa tanong na paano pag nawala ka? sa ngayon, di ko na din alam kung ayos lang nga ba ako
0
Aug 16, 2022
Aug 16, 2022 at 12:25 PM UTC
draft
Yayakapin ka nang mahigpit Pinagkainan mo'y ako ang magliligpit Tititigan ko pa rin ang mga mata mo Kahit na malabo na ang paningin ko rito Iintindihin kita sa pagiging makakalimutin mo Habang ipapaalala ko ang pagmamahal sa iyo Madali na rin siguro ako makalimot Ngunit pag-ibig ko sayo'y hindi ipagdadamot Marahil puti na ang ating mga buhok Matatamis na pagkain bawal na tayong makalunok Uugod-ugod, kulubot ang balat Ikaw pa rin ang aking prinsesa hangga’t ako’y nakadidilat
0
Oct 4, 2020
Oct 4, 2020 at 12:55 PM UTC
Sa Ating Pag Tanda
Pagkatapos ng takipsilim Bumabalot ang dilim Ilang oras maninimdim Ang gabi ay lalalim. Nag aantay sa iyong pag dating Naiinip, kung minsan pa'y napapailing Matagal na ring humihiling Katotohana'y gusto ka nang makapiling. Nakasilip na ang haring araw Hindi pa naman ako bumibitaw Habang sa mga pangako mo'y ako'y nakadungaw 'Andito pa rin ako, hindi gumagalaw. Wari ko nga'y ako'y maghihintay Sa pagibig **** walang humpay Pusong ginawa nang alay Sa pagibig **** nakamamatay Narito pa rin ako, hindi makagalaw wari'y napako na sa pangako **** nakakasilaw.
0
Mar 3, 2019
Mar 3, 2019 at 8:10 AM UTC
takipmata
Yayakapin ka nang mahigpit Pinagkainan mo'y ako ang magliligpit Tititigan ko pa rin ang mga mata mo Kahit na malabo na ang paningin ko rito Iintindihin kita sa pagiging makakalimutin mo Habang ipapaalala ko ang pagmamahal sa iyo Madali na rin siguro ako makalimot Ngunit pag-ibig ko sayo'y hindi ipagdadamot Marahil puti na ang ating mga buhok Matatamis na pagkain bawal na tayong makalunok Uugod-ugod, kulubot ang balat Ikaw pa rin ang aking prinsesa hangga’t ako’y nakadidilat
0
Nov 21, 2018
Nov 21, 2018 at 12:03 PM UTC
Sa Ating Pagtanda
Mahilig ako sa laruan noong ako'y bata Iiyak ako, maibili lang yung kotse-kotsehang kahanga-hanga Pero ngayon sawa na ako sa mga ganiyan Mismo kasing ako ginawa mo nang laruan.
0
Oct 24, 2018
Oct 24, 2018 at 11:51 AM UTC
Laro
Gusto ko gumawa ng tula Tungkol sa pag-abot ko sa mga tala Panulat ang talas ng iyong salita Sa mala-papel kong panangga. Ilang taludtod pa lamang Kamay ko'y saaking luha nag-aabang Hatid na sugat 'di na mabilang Sa puso kong hindi mo binigyang galang. Isip ko ay napunta na doon sa sulok Pati ang puso kong mabagal na ang tibok Hindi pa kasi tapos ang tula nating sasangga sa mga bundok Kaagad mo nang tinadtad ng walang katapusang tuldok.
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 10:45 AM UTC
Tula-la
Ikaw ang aking reyna Kaya pala tingin mo saakin ay alila Hindi lamang sa iyo Pati na rin sa pag-ibig mo na hindi mabisa Inutos mo na ang lahat saakin Maliban na lang sa ikaw ang ibigin Sinugal kong oras, ako'y rin lang pala'y lilisanin Nilapag kong pag-ibig, inilipad lamang ng hangin. Pagmamahal ko sayo ay totoo Habang ang lahat sayo ay biro Tinuruan mo ako mag mahal ng totoo Ngunit sa sariling turo 'di ka man lang natuto Matagal ka nang tumalikod Sa relasyon nating nakakapagod Wasak na ang puso, isip ko'y 'wag mo nang isunod Matagal ka nang wala dito, matagal na ring akong lunod Ang layo na ng iyong tinakbo Natatapak-tapakan mo pa rin ako Pakiusap aking reyna, umalis kana Gigising pa ako sa pagiging tanga.
0
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 11:26 AM UTC
Reyna Ni Tanga
Ang buhay ng  tao'y kay daming hugot Mga problemang sayo'y pumapalupot. Ang sarap ibaon at wag nang ihugot. Mga ala-alang saakin na lang ay isang bangungot. Sobrang saya na sana natin Naka guhit na ang mga pangarap na sana'y tutuparin Nasusuka na ako sa salitang sana, gusto sana kitang yakapin Pero kailanman hindi mo ginustong mapasaakin. Sayang lang yung mga perang hinugot ko sa bulsa Oo nga pala, ang lahat nang ito'y nakakabit na sa salitang sana. Pero hayaan mo na, nabusog ka naman yata. Kahit 'wag na ako, ganon naman talaga 'diba? Patapos na yung aking kadramahan. Iyon naman ang bukambibig mo 'pag gusto ko sanang maramdaman Mapait na pagmamahal sana sa iba mo na lang inilaan Tatakpan ko na yung butas sa puso, para hindi mo na mahawaan Masiyado ka na kasing maraming hinugot saakin Na akala ko ikaw ang makikinabang.
0
Oct 21, 2018
Oct 21, 2018 at 12:10 PM UTC
Hugot
Kung mayroon akong pinakaayaw na almusal Iyon ay yung lulunukin kong katotohanan na lilipas ang bawat oras, papatak ang bawat segundo ng napakagulong buhay ko na wala ka. Sayang lang, Ang ganda kasi nung mga eksenang pinangarap ko Na buo na ang bahay na ang palapag ay tatlo, Pagpasok mo rito, ikaw ay nakaupo sa sala na binuo ng mga pangarap mo at oo. Nang hihinayang ako, paglulutuan sana kita tapos gigising ka sa umaga na may mainit na kape ka nang nakatimpla. Pero inabot na kasi tayo ng takipsilim Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungaling. Alam ko balang araw, masaya kana sa iyong bagong kasama. Sa mga munting eksena na nag lalaro sa isip ko, gusto ko na yung eksenang masaya ka na lang sa iba. At balang araw hindi na tayo masusuka sa mapakla at mapait na almusal ng ating pag-ibig, salamat, totoo. Salamat sa hindi na manguyang pag-ibig mo.
0
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 11:34 AM UTC
U M A G A H A N
Hahawakan ang kamay mo Papatunayan na kaya ko Titimplahan pa rin ng paboritong kape Sa maulan at malamig na gabi. Hahawakan ang kamay Magsisilbing gabay Karerang malapit nang matapos, Naalis na rin ang taling nakagapos. Hanggang sa huli Hindi mo na nga tinapos, mga pangakong kapos. Bumulong ka sa dilim, umaasang ikaw ay mananatili. Ngunit kumiliti ang mga salitang, Hanggang sa muli.
0
Oct 18, 2018
Oct 18, 2018 at 1:06 PM UTC
Hanggang Sa Huli