
Ngayong araw na ito
Ang simula ng pagbabago
Sa pananaw at buhay ko
Lalo na sayo
Ngayong araw na ito
Napagdisisyunan ko
Nakalimutan ang puso
Na nangmamahal sayo
Ngayong araw na ito
Ang huli na ako ay sa iyo
Sa iyo na umiibig ng totoo
At nangakong maghihintay ako
Ngayong araw na ito
Nakita ang tunay na pakay mo
Na ako lang ay kaibigan mo
At iyon ay hindi na magbabago
Ngayong araw na ito
Masasabi kong tama ito
Napigilan ang nararamdaman ko
Para sayo na malabong maging tayo
Apr 16, 2017
Apr 16, 2017 at 7:41 AM UTC
Akala ko okay na
Akala ko okay lang
Akala ko alam na niya lahat
Akala ko sinabi niya
Akala ko hindi siya magagalit
Akala ko masaya siya
Akala ko tama lang
Akala ko lang pala lahat ng iyon...
Apr 6, 2017
Apr 6, 2017 at 6:46 AM UTC
Andito na naman ako sa pagitan
Sa pagitan ng ating pinagsamahan
Ayoko na ba? O itutuloy ko pa?
Susuko na ba? O magpapahinga?
Hindi ko alam ang nararapat
Pero alam ko ako'y tapat
Sa pag ibig na sayo ilalapat
At ako'y magiging tapat
Mahirap pigilan
Pero sinusubukan ko naman
Dahil walang patutunguhan
Hindi pang sawalang hanggan
Pero alam mo nakakapanghinayang
Yung samahan natin baka masayang
Yung samahan na pagkakaibigan
Na hindi magiging pang kaibigan
Andito naman ako sa pagitan
Ang isip ko ay nagpapalitan
Puro salitang nagtatalastasan
Mamahalin pa o bibitawan?
Apr 6, 2017
Apr 6, 2017 at 6:38 AM UTC
Pumatak na naman ang ulan
Sa taas ng bubungan
Parang luha sa mga mata
Kapag namimiss kita
Ang daming patak ng ulang ito
Milyon siguro ang bilang nito
Parang listahan ng mga babaeng ito
Na nagkakagusto din sa iyo
Agos dito agos doon sa kanto
Ang tubig ulan na ito
Parang pag-asa ko sa iyo
Tinangay na ng agos ng mundo
Lumalabo ang salamin ko
dahil sa hamog na ito
Parang mata at puso mo
Malabong makita ang tulad ko
Lumalamig na din ang paligid ko
Dulot ng lumalakas na ulang ito
Parang yung damdamin ko
Nanlalamig kakahintay sa iyo
Pero alam ko na hihinto din ito
Yung ulan sa labas ng bahay ko
Parang damdamin ko sayo
Kapag napagod hihinto pero hindi susuko
Pag natapos ang isang malakas na ulan
Ang lupa ay matutuyo dahandahan
Parang pag tingin ko sa iyo
Matutuyo kapag binalewala mo
Mar 18, 2017
Mar 18, 2017 at 3:46 AM UTC