Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
carapher
carapher
as they say in my native tongue, /i/ang sarap ng sisig/i/
Oo naaalala kita. Oo naaalala ko ang bawat oras na di kita kayakap sa panahon na handa kong ibigay ang bawat yakap na ibibigay sakin ng kahit sinong tao at kahit gaano karaming tao para lamang mayakap ka muli kahit iisang beses lamang. Oo paminsan minsan bumabalik ako sa dating ako na hinahanap-hanap ka sa kahit anong lugar na pupuntahan ko at porma ko na tila pupuntang prom dahil nagbabakasakali makita mo ako at malaman mo na ako na pala ang tanging hinihiling mo; at hindi na siya. At hindi na ang pangarap mo sa isang perpektong tao. At hindi na akong nais **** magkaroon ng taong hindi kasing gulo ko. At hindi na ang hinahanap **** kinabukasan na madali, na konbensyonal, na mataimtim, na katulad ng pinangarap ng magulang mo, na katulad ng ginawa ng mga kapatid mo, na katulad nalang ng mga nakikita mo sa teleserye at sa libro, na katulad ng inaasam at hinihiling sayo ng bawat tao. Hinihiling ko noon na makikita mo ako isang araw at handa kang bitawan ang lahat ng alam **** tama. Hinihiling ko na ako ang taong magiging dahilan ng paglawak ng mundo mo. Hinihiling ko na ako. Hinihiling ko na hindi siya. Sino ba siya? hindi naman siya totoo eh. Nasa utak mo lang siya. Siya ang hinahanap mo pero kailan siya darating? At alam ko kung darating man siya, hindi matutumbasan ng kombensyonal niyang pagmamahal sayo ang pagmamahal ko sayo na hindi mo pa nakikita sa kahit anong pelikula o teleserye, nababasa sa libro, o nakikita sa mga tao sa paligid mo. Hiniling ko na ako nalang. Kaya oo, naaalala kita. araw-araw. gabi-gabi. Kada gabi na naguusap tayo dahil tapos ka na sa araw **** kahahanap sakanya at sa gabi kung saan narerealize mo na pagtapos ng araw ako nalang ang mayroon ka at ako nalang Ako nalang Ako nalang Ako nalang. Palaging nalang. Bakit hindi pwedeng ako lang? pero ayos lang. Dahil ayos. Dahil ayos lang saakin ang ganito na hinahanap mo siya pero ako ang inuuwian mo. Ayos lang. Oo naaalala kita, Hindi ka umaalis sa isip ko. Naaalala kita kahit hindi mo ako naaalala. Naaalala kita at ayos lang ito.
0
Nov 6, 2015
Nov 6, 2015 at 8:34 AM UTC
Untitled

Continue reading...
62
Naramdaman ko ang pakiramdam na hindi tayo nagauusap kaya't kahit ano pa ang mangyari wag na wag kang titigil sa pakikipagusap sakin. Ayoko na ito maranasan muli dahil mas masakit pa ito kaysa sa pagiging mag isa sa isang dagat ng tao, lahat nakikipagusap sa isa't-isa habang ika'y siksik na siksik na at sinusubukang huminga. Nakakalunod ka. At kung dumating man ang araw na sa sobrang galit mo saakin ay hindi na tayo maguusap, alalahanin mo na minahal kita higit pa sa inakala kong kayang mag mahal ang isang tao. Minahal kita parang sa pagmamahal ng tao sa hangin. Kinakailangan kita. Nguni't alam ko na mabubuhay ako sa isang mundo na payapa at matagal kahit na ika'y wala sa tabi ko, at pinagtatawanan ko ang mga magkasintahan na sinasabi sa isa't-isa na ikamamatay nila ang pagkahiwalay nilang dalawa; mga inutil. Alam kong mabubuhay ako nang hindi ka makakausap tuwing gabi't sinusubukan kong ilunod sa dagat ng muhika ang mga boses sa tenga ko. Alam kong mabubuhay ako na wala ka nguni't ayoko. Kaya't pagpasensyahan mo na kung hirap akong huminga kapag di kita kausap. Alam kong kat'hang isip lamang ang pagkawalan ko ng hininga nguni't sa isip at sa puso ko'y ito ay totoong totoo. mahal kita pagpasensyahan mo na.
0
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 10:24 AM UTC
Untitled
This time next year I still want to be this passionate for your presence. I still want to be jealous as you drool over every name other than mine. I still want to crave for your attention with only an exceeded crave as a result. I still want to make you smile as you force yourself to forget that i made your muscles move. I still want to say that I'll take whatever i can take from you. I still want to be in this blasphemous relationship. I still want to try to get in the way between you and your religion And accept this very subtle victory. I still want you to think about what this could be. I still want to entice you with the taboo relationship of no relations. I still want to see your hidden glare as I flirt with every girl other than you; an act of which we both know is an act of sheer desperation. I still want to want you, and want you to want me to this time next year and the years to come.
0
Sep 27, 2015
Sep 27, 2015 at 5:44 AM UTC
Untitled
Minahal kita higit pa sa inaakala kong kayang magmahal ang isang tao. Kung tutuusin walang limitasyon ang pagmamahal nguni't hindi natin maikakaila na pinipigilan natin ang mga sarili natin sa pagmamahal ng higit pa sa limitasyon na ating ginagawa. Pero kapag nakilala nila ang taong mahal ko ngayon ay magiging isang tila bahay-bahayan nalamang ng mga bata ang limitasyon kung saan ang akala nila'y simpleng luto, alaga ng bata, at paghahalik sa asawa lamang ang pagbahay; napakarami pa kaysa sa kanilang inaakala. Minahal kita na higit pa sa inaakala kong hawak kamay at titigan lamang sa mata at pagtatanong kung anong ginawa mo ngayong araw na ito at pagbabati paggising ng umaga at pagpaalam bago matulog sa gabi. Salamat, dahil natuto akong magmahal kaysa sa inaakala kong dapat **** mahalin ang isang tao.
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:53 PM UTC
Untitled
Tangina ba ang bilis mo akong pasayahin? Kada araw na di ko na kayang mabuhay alam ko kailangan lang kita. Ano ba. Kaya't kung pwede lang wag na wag kang titigil sa pakikipagusap sakin kasi kada araw yan yung inaabangan ko. Iba rin kasi epekto mo sakin eh, di ko alam kung bakit pero mas nakakaadik ka pa sa teleserye at mas masayang panoorin at subaybayan. Pwede bang maglakad tayo sa walang destinasyon? Magsalita ka lang at mananahimik ako dahil gustong-gusto kitang nagsasalita. Bakit mo ba ako napapasaya ng walang kahit anong ginagawa? Kung mahal nga kita, tigil tigilan mo ako, kasi ayokong nagmamahal.
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:46 PM UTC
Untitled
I AM SO SELFISH IM SO SORRY BUT I WANT YOU FOR MYSELF I WANT TO BE THE ONLY ONE THAT CAN CALL YOU THINGS AND CAN TEASE YOU BUT STILL MAKE YOU SMILE I WANT TO BE THE ONLY ONE TO CARRY YOUR BOOKS AND SECRETLY WISH THAT YOUD KISS ME ON THE CHEEKS AS A THANK YOU PLEASE UNDERSTAND THAT IM NOT ALWAYS LIKE THIS BUT WHEN IT COMES TO YOU BEING SELFISH SEEMS RIGHT BECAUSE I WANT ALL OF YOU AND ONLY YOU I AM SO SELFISH I AM SO SORRY
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:38 PM UTC
Untitled
I'm in love with her, really, I am; it hurts a lot. You will never know the feeling of having this thick pain in your chest every time you see a quote she wrote and it will never be about you. But the thing that hurts the most is that you know you tried so hard that she felt something too, in the back of her mind you know she needs you too but everything in this world is holding her back. She can't be with you not because she doesn't want to; she can't be with you because she's scared. And you're stuck; glued between the pages of her life and you will never be read. I am so in love with you and it's sad that it's not good enough
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:37 PM UTC
Untitled
you made me rethink my views on smoking. maybe this pleasure on my lips and this taste spreading through my tongue is worth the pain in my lungs and the shortening of my breath after all.
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:27 PM UTC
Untitled