Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
bella-11
Mga alaalang patuloy na bumabalik Mga bagay na alam nating masakit Araw, buwan, at taon na kailaman ay di mauulit Mga panahong sinubukang masulit Ngumiti ng mapait Baka sakaling mawala ang sakit Na patuloy sumisira ng saya Na humihila sayo pabalik upang di ka makalaya Pilit na ipinasasawalang bahala Dahil alam kong nagkamali ako sa aking mga inakala Dahil kung sino pa yung hindi sumusuko Sa huli Sila padin pala ang naloloko Hindi madali mag mahal Dahil kailangan mo matuto sumugal Mas masakit ang kakailanganin harapin Kaya’t sa ngayon sarili mo muna ang iyong isipin Ngunit Kaya mo pa ba? O susuko ka na? Kasi yung taong pinaglalaban mo May pinaglalaban ng iba..
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:29 AM UTC
KAYA MO PA BA?
Isa dalawa tatlo Mag unahan tayo sa dulo Kung May mahuhulog Ay Walang sasalo Apat Lima anim Nagiiba na ang takbo ng mundo Nahuhulog na yata ako sa iyo At Unti unti ko ng ginugustong sumuko Sa laban na ito Na nakakalito Ano ba ako sayo? Gusto ko yung totoo para habang papalapit pa Lang ay makakalayo na ako Dahil habang lumalayo Mas lalong lumalabo Mas lalong nagiging komplikado Mas lalong lumalamig ang pagtrato mo Habang ako nakakapit sa mga Baka sakali ko Natatakot ako Dahil umpisa pa lamang ay atin ng idiniin Na bawal mahulog Dahil hanggang kaibigan lang tayo Pito walo siyam Nagiiba na ang ihip ng hangin Mas lumilinaw na sa akin ang salitang magpakailan man ay Di ka na mapapasakin Kaya ko pa ba? Kasi yung taong gusto ko May gusto ng iba Kaya’t mas mabuti siguro kung ako’y lilisan Lahat ng nararamdaman ay akin ng iiwan Para nadin mawala ang mga “Baka sakali” Na gumugulo sa isipan ko Para nadin matauhan At matuto na ako Sampu Paalam Ito ako ngayon sa harapan mo Nagsasabing ako na’y susuko
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:14 AM UTC
SAMPUNG HAKABNG PAPALAYO SAYO
Mga ala alang mahirap ibaon Mga pagkakataong Ayoko itapon Ayokong matapos Kasi alam ko mawawala ang kaibigang minahal ko ng lubos Habang patagal ng patagal Pilit ko ding sinusugal Maging ok Lang tayo Hindi yung ganitong unti unti ka ng lumalayo Unti unti **** pinapamukha na hindi ako naging parte ng iyong mundo Asan yung dating ikaw at ako na magkasundo Bakit biglaang nag bago? Bakit biglang nag laho? Ang masakit pa’y Hindi ko alam kung bakit para bang gusto **** itago Ano bang nangyari? Ako ba’y May pag kakamali? Kasi Hindi na ako mapakali Gusto ko yung dati Kaibigan lang kita pero bakit nasasaktan ako Bakit pakiramdam ko ako’y iyong niloko Bakit ganito Hindi ko na maintindihan Bakit Paulit ulit nalang akong nasasaktan Ayoko na nito gusto ko yung sigurado Ayoko mang maging aminado Pero siguro nararapat na malaman mo ang totoo Gusto na kita, Oo Pero bakit ganun? Bakit ka nag bago... At sa huling pag tingin ko saiyo Ito na ang huling katagang babanggitin ko Bakit ka nga ba nag bago?
0
Jul 2, 2019
Jul 2, 2019 at 4:12 AM UTC
BAKIT KA NAG BAGO?
Sa mga oras na lumipas, nasayang at nawala Mabuti siguro kung di na natin ito ikabahala Madami mang ala-ala Unti-unting nauuwi sa wala Gusto ko tanongin kung bakit Kaylangan ba talaga maging ganito kasakit? Kaya ko bang maging masaya? Kaya ba kita makitang malaya? Ang inakala nating walang hangganan Mauuwi din pala sa iwanan Salamat sa ka-onting oras nating pagsasama Kahit ganon ang pagmamahal mo ay aking nadama Sana di mo ako sinaktan Dahil kahit anong pilit ko di na pwede ipaglaban At sa mga araw na lumipas Ang pagibig ay di padin kumu-kumupas Siguro nga tama na.... Paalam kasi.... tapos na.
0
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 12:43 AM UTC
TAPOS NA