Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Zenbillena
Zenbillena
27/M/Valenzuela city On my own frequency
I often feel invisible, even though I’m standing right beside you. Just once, I wish that you could see me.
0
Mar 15, 2021
Mar 15, 2021 at 12:00 PM UTC
...
I can't make you love me. I can't make you feel things. I cannot force something if it just isn’t there. Maybe we're not meant for each other, and maybe thats okay. Maybe God has a better plan for me, a plan that i dont know yet. I know that God is going to help me understand why you are not meant for me You have no idea how much I remember every single moment that I had with you. how could I forget a part of my life that was once special to my heart? You will always be my favorite person to write about.
0
Mar 14, 2021
Mar 14, 2021 at 10:25 PM UTC
Maybe that's okay
siyam na letra ang "mahal kita" dalawang salita na di ko makakaila. hindi man ako bihasa, sa mga matalinhagang salita. nais ko lamang ipadama dito sa maiksing tula. gusto ko ilahad ang hindi mapaliwanag nais nang matapos ang paghihirap. magiipon ng lakas, kahit pwede ito ang maging wakas. pipiliin sumugal at ang puso'y itaya. hindi mo man maibalik ang mga salita. oras at sandali ay akin pang naalala nung buong loob sinambit na "mahal kita" balintataw saking mata agad nadama. nung sinabi mo saaking "pasensya kana". para akong pinilas na pahina sa libro na ikaw ang may akda mga mata'y di na nag tagpo ngiti mo saakin biglang nag laho. masakit pala.. kahit pa handa ka pero ang sabi nga ng iba kung mahal mo sabihin mo panalo ka man o talo.
0
Aug 25, 2020
Aug 25, 2020 at 1:02 PM UTC
Siyam na letra
Wala sa plano na mahalin ka. Hindi sinasadyang ibigin ka. Sa bawat pag atras ng anino mo. Na parang isa akong hangin na hindi makita ng mga mata mo. Kung sino pa ang tao na gusto kong mapansin ako. Siya pa ang taong bulag sa presensya ko.
0
Aug 5, 2020
Aug 5, 2020 at 9:54 PM UTC
2:15 am
Takipsilim na pala Lilisan na ang araw. Sa pag palit ng dilim. Ikay patuloy papanuorin Hindi mangangawit ang aking mga mata. At Hindi magsasawang pag masdan ka. Sa iyong paglaho kelangan ko na din sumuko. Hanggang sa huling sinag mo. ikay papahalagahan ko. Poem#22
0
Aug 5, 2020
Aug 5, 2020 at 9:51 PM UTC
Takipsilim
Lumipas man ang mga taon. Maluma man ang papel at tinta. Hindi magbabago ang mga letra at mensaheng dala. Sa muling pag basa ng mga salitang nakasulat. Sa mga alaala ako'y nag papasalamat. Poem #15
0
Aug 5, 2020
Aug 5, 2020 at 9:47 PM UTC
Liham
buhok mo ay nakapusod at may salamin ka sa mata. Ang hirap na tuloy ilihis ng aking mga mata. Hindi mo man pansin pero pinagmamasdan kita. Pasulyap sulyap lang para di halata. Titingin ngaun ,titingin mamaya. Konting titig pa, tutunawin na kita.
0
Aug 5, 2020
Aug 5, 2020 at 9:40 PM UTC
Buhok mo ay nakapusod
Maligayang kaarawan sa prinsesang di malapitan Sa dami ba naman ng hadlang Mas mainam bang sumuko nalang? Sa layo ng iyong tingin Akoy humihiling sa hangin Na kahit sulyap lang makatikim. Ilang beses ako nag paramdam, Medyo masakit lang kasi di mo ramdam. Di ko alam kung kulang o sobra, isa lang ang sigurado mahal kita lagpas langit pa. Oras oras minuminuto segusegundo.. oo ikaw ang nasa isip ko Lagi hinihiling na sana nasa isip mo din Kung sa iba'y di ka mahalaga saakin ikay prinsesa. Sa lihim kung nakasulat sa baybaying letra ang ibig sabihin nun ay mahal kita. Sa huling linya ng tula na to gusto ko lang sambitin sayo . Maligayang kaarawan prinsesa ko. Bente kwatro ng pebrero.
0
Aug 5, 2020
Aug 5, 2020 at 9:38 PM UTC
Bente kwatro ng pebrero
Napaupo sa dalampasigan. Ang mga alon ay pinagmamasdan. Buti pa ang alon kahit umalis man. Kusa kang binabalikan.. Oh kay sarap **** pagmasdan sa dapit hapon. Hanggang sa muling pagkikita kaibigang alon.
0
Aug 5, 2020
Aug 5, 2020 at 9:37 PM UTC
Alon
Sa bawat pag pitik ng orasan Bakit ba lagi ikaw ang laman ng isipan? Kung ang ngiti at sulyap mo lang ay rehas. Siguradong wala ng pagkakataon pang makatakas. Ewan ko ba? Para kang barakong kape Na hindi ako pinapatulog sa gabi. Parating nasa isip ka. at iniisip ko ,kung iniisip mo din ba? Isa, dalawa, tatlo.. gusto ko ng tumakbo Pero papanu? Kung sa kada hakbang ng mga paa ko, imbis na lumayo ay lalo Pang lumalapit sayo. Paanu ba malalaman kung Mahal mo na? Pasensya kana.. Kung ito man ang mga sintomas hindi ko na hahanapan pa ng lunas.
0
Aug 5, 2020
Aug 5, 2020 at 9:35 PM UTC
Sintomas