Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Yosame
M/Philippines Poems are born that based on our feelings and emotions.
Kumusta ako, kumusta ka, Anong naaalala mo sa ating dalawa? Kumusta ako, kumusta ka, May tanong ka bang mahalaga? Kumusta ako kumusta ka, Anong naaalala mo pag tayo'y magkasama? Kumusta ako, kumusta ka, Nakita mo na ba akong nakangiti at masaya? Kumusta ako, kumusta ka, Anong kwento ng buhay ko na ba ang alam mo? Kumusta ako, kumusta ka, Aling kwento ng buhay ko ang nasasabik ka? Kumusta ako, kumusta ka, Aling kwento ng buhay ko ang nasasaktan ka? Kumusta ako, kumusta ka, Anong kwento ng buhay ko ang natawa ka? Kumusta ako, kumusta, Nag kausap na ba tayo nang may alak sa harapan? Kumusta ako kumusta ka, Narinig mo na ba ang sigaw ng pusong walang masandalan? Kumusta ako, hindi ko rin alam, Pinipilit ang damdamin na maging manhid, Inaasam na may mata ring sisilip, Sa taong may madilim na hangganan. -****
0
Dec 22, 2020
Dec 22, 2020 at 12:21 PM UTC
Kumusta ka?
Tagpi-tagpi ang mga tanong sa isipan, Walang kahit anong bakas sa palaisipan. Mahuhulaan ko pa kaya? O tatakpan nalang ng itim na tinta. Unti-unting naglalakad palayo, Ang mali kong pag trato mula sayo. Pero bakit ang nararamdaman ko, Tila nananatiling pa ring sa iyo. Oo nga pala at may naiwan ka palang bakas. Bawat ugat sa katawan ay tuluyan **** nilaslas. Dugo ay nag mantsa, Puso na patuloy na nagdudusa, Damdamin kong di mailuwa-luwa, Kaluluwang hinahangad nang mawala, Nakagapos ako sa dating matatamis **** mga salita, Sumisigaw, lumuluha, nagmamakaawang makalaya. Masakit aking sinta, Bawat araw, dibdib ko'y ngumangawa. At oo, tsaka ko na lang nalaman Na maling pag ibig pala ang nilalaman. -****
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 2:11 PM UTC
Nisekoi (ニセコイ)
Gulong na supot, pintura'y pudpod Sa aparador nananatiling nakalagay Ang itsura ay tila ba nakikibagay Sa ilalim palagi may nakasalalay Gagamitin sa tuwing kailangan Paikot ikot akong pinag lalaruan Naglalakbay at hindi alam kung saan Bahala na ang kamay kung saan nya idadaan Paiba iba, paliko liko saan ba tayo tutungo Kagustuhan mo kung ako ay hahantong sa dulo -****
0
Apr 10, 2020
Apr 10, 2020 at 2:29 AM UTC
Laruan