Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
TheLostSoul
TheLostSoul
Maybe it's too late or maybe not || / / I'll be leaving hellopoetry soon, if you want to read my poems (old and new) I have an IG acc. @sy.composes follow and check it out!! :)
As the sun rises and falls, A day of birth or death of a soul, Gloomy, windy or sunny day, I learn that people leave or stay. As the moon hides and shows, A life like waves — highs and lows, Hot, luke warm, or cold, A life you control or what is told. New as a day; old as yesterday, A feeling of sorrow or gay, Soft as a pillow or hard as old dough, People passing — come and go.
0
Jul 20, 2021
Jul 20, 2021 at 1:51 AM UTC
PAST
Paano ka magiging kalmado? Kung kapulisan mismo ang delikado, Paano ka matutulog nang mahimbing? Kung hindi ligtas sa iyong paggising. Sinabi niyo sainyo kami ay protektado? Pero bakit sa isang iglap may buhay na naglaho? Mga inosenteng tao namamatay, Walang awang pinapatay; anak, ina man o tatay. Paano mo masasabi wag mabahala? Kung sila mismo ang may sala, Paano ka mabubuhay sa mundo? Kung hindi ka na ligtas at sigurado.
0
Dec 21, 2020
Dec 21, 2020 at 8:59 AM UTC
Paano?
Sa panandaliang pagtigil ng mundo, Hindi mapigilan ang mga tanong sa isipan, Na para bang mga sasakyan sa EDSA, Buhol buhol at walang kaayusan. Ang mapait na naranasan ay iiwan na sa nakaraan, Akapin ang kasalukuyan at kinabukasan, Patawarin ang sarili sa nagawang kasalanan, Bitawan ang sakit na nararamdaman, Hindi para sakanya at hindi rin para sa iba, Para sa'yo; Para tuluyan ka nang sumaya, Mga gabing puro luha at kalungkutan, Balutin sana ng umagang puno ng kasiyahan. Nawalan ka man ng kaibigan o kasintahan, Mga memoryang hanggang isipan nalamang, Pulutin at dalhin sa susunod na kwento, Dahil sadyang may mga kabanata na hindi para sa'yo.
0
Nov 12, 2020
Nov 12, 2020 at 11:04 AM UTC
Kwento
A night where one side of the world still sleeps, You ask yourself "Is it still worth it?" Taking a big leap? When you already know the piece does not fit. Not anymore, not this time, You try to push. Like trying to make poems to rhyme, And it gets lamer each line, But remember it is okay; it will be fine. Do not forget that there are other puzzles, Waiting for the piece that they need, The one who can make the picture complete.
0
May 2, 2020
May 2, 2020 at 2:38 PM UTC
Puzzle Piece
Kaibigan, halika at makinig, Sa storyang dapat **** marinig, Sana ako’y paniwalaan, Dahil hindi ito kathang-isip lamang. Habang ako’y nag-iisa, Habang hindi mo ako kasama, Dumidilim ang mundo, Sa pagdilim nito kasama pati buhay ko. Sa tuwing nakatingin sa mga tala, May mga boses na laging nang-aabala, Gusto ko silang tumahimik, Maalis ang mga aninong umaaligid. Tama na.... tama na... ayoko na, Patahimikin mo na sila. Tama na.... Nakikiusap ako, Tulungan, tulungan mo ako. Sa gabi man o umaga, Lungkot na hindi mawari ang nadarama, Noong araw na ako ay nawala, (sa aking pagkawala) Kasabay nito ang katahimikan nila. Sa pagtatapos ng aking kwento, Sana maunawaan mo, Na hindi ito kasabay ng panahon na lilipas din, Ito ay importante at dapat intindihin. Sa pag kupas ng mga larawan, Sa bawat kumpas ng alon sa dalampasigan, Kaibigan, ako’y lumisan sa mundo hindi dahil ginusto ko, Pero para sa ikatatahimik ko. Saklolo.
0
Feb 4, 2018
Feb 4, 2018 at 11:16 AM UTC
Saklolo.
As I close my eyes I can hear everything, Not a song that birds sing, The pain that I feel, Wounds that are so long to heal. I can feel my tears building up, As high as the clouds above, Slowing breaking.... slowly dying, When will I survive the pain that i'm feeling? My heart is crushing, Shhh, they shouldn't hear a thing, Maybe it will pass, Please make it fast. As I close my eyes, I don't know if I will still see the sun rise.
0
Jul 25, 2017
Jul 25, 2017 at 8:13 PM UTC
SLOWLY FADING
Nakapag sulat na ako ng maraming tula, Tulang para sa iba ngunit para sakanya’y wala, Ang taong ini-alay ang buhay para lang sakin, Na minsa’y dinadaanan ko lang na parang hangin. Nakakalimutan na siya ang dahilan kaya ako’y buhay, Buong buhay niya ang kanyang ibinigay, Mga panahong ako’y nagpapakasaya, Habang siya’y nasa bahay nag-aalala. Ang oras at panahon ay napupunta sa iba, Ngunit sakanya ang mga ito ay para lang sa mga anak niya, Hindi mapakali dahil iniisip ang susunod na alis, Hindi ko namamalayan na sa aking pag-alis may isang taong nangungulila sakin ng labis. Inaantay ang aking pag balik mula sa eskwela, Ngunit sa aking pag dating hindi ko manlang siya makamusta, May mga oras na hindi nagkakaintindihan, Subalit sa huli ikaw ay kanyang pinapatahan. Mahal kong ina gusto ko iyong madama, Ang tulang ito ang magsisilbing paalala, Madami mang problema at tampuhan, Sa huli ikaw parin ang mahal kong ilaw ng tahanan
0
May 14, 2017
May 14, 2017 at 12:31 AM UTC
ILAW NG TAHANAN
Eto nanaman ako nagsusulat ng mga tula, Mga tulang nakakasakit ng damdamin ng iba, Hindi ko alam paano mawala lahat ng sakit, Para sa isang taong magulo lagi ang isip. Paano nga ba? Paano mabura lahat ng pagkakamali? Paano mabago at maulit muli? Paano? Ilan sa mga tanong na hindi ko masagot, Mga tanong na puno ng takot. Tao lang naman ako hindi ba? May damdamin at pwede masaktan tulad ng iba, Ang buong akala ko ay okay na ako, Okay na ako..... Siguro. Pilit kong inayos ang tagpi-tagping nakaraan, Ngunit sila na mismo ang hindi gumawa ng paraan. Pinilit; ngunit hindi na pala— hindi na pala ito maaayos, Umasa at hinangad na lahat ng ito ay matapos.
0
Apr 7, 2017
Apr 7, 2017 at 1:25 PM UTC
WALANG KATAPUSAN
Wala na bang pag-asa? Ang dating magandang pagsasama, Nagsimula sa mga matatamis na ngiti, Onti-onti ng nawala at hindi na nakabawi. Minsan ako'y napapaisip at nagtataka, Nangungulila na ika'y muling makasama, Mga matang puno ng luha, Na dati'y kumikislap sa tuwa. Gusto magtanong bakit ganito? *Bakit kailangan **** lumayo?* Mahirap bang ayusin ang lahat? Ang pagsasama ba natin hindi sapat? Hindi ba't sabi mo, Walang magbabago? Sa mga tulang isinulat mo, Nasaan na tayo? "Ikaw ang laging nandyan sa ano mang kaganapan, Kaya asahan mo, hinding hindi ka iiwan magpakailanman—"
0
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 9:12 AM UTC
NASAAN KA NA?
Puno nanaman ang aking isipan, Hindi ko alam paano at saan ito sisimulan, Mga panahong kailangan ko ng kakapitan, Ikaw sana ang takbuhan ngunit para bang ang layo mo na para akin pang lapitan. Mga panahong sinabi natin na walang iwanan, Subalit unti-unti nang napunta sa kawalan, Marami tanong; maraming kwento, Sa mga oras na ilalahad mukhang hindi intiresado, Alam kong pag may umalis sa buhay mo, Tuluyan mo ng kakalimutan at ika'y lalayo, Ngunit pag ako'y kailangan, Wag kang mag-atubiling ako'y tawagan. Mali bang mapagod? At magpahinga? Dahil kung mali iyon patawad ngunit kailan ko lang huminga, Sa mga tingin palang alam kong maraming nagbago. Kasalanan ko ba 'to? O sadyang hinayaan nalang maging ganito. Patawad, ilang beses ko ba kailangan sabihin? Patawad, patawad, patawad. Ilang beses ko ba kailangan ulitin? Patawad.
0
Dec 25, 2016
Dec 25, 2016 at 2:17 AM UTC
Patawad.