Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
PandaMay
25/M
Naging masaya ako ng dumating ka sa buhay ko Parati tayong magkausap lahat sinishare mo Mabilis na nagkasundo naging close pa nga tayo Masaya ako na sa work, ikay ang unang kaibigan ko. Pero ewan ko ba sa puso kong ito Sa tagal nating magkasama parang nahulog na sayo Kasi naman si kupido pinana pa tong puso ko Tuloy naguguluhan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko Gusto ko sanag ipagtapat tinatagong lihim ko Na ako’y talaga naming nahuhulog na sa’yo Ngunit paano ko sasabihin kung may iba ka nang gusto Masira masira lang pagkakaibigan nating nabuo Sana’y dumating ang panahong lumakas ang loob ko Nang masabi ko sayo itong nararamdaman ko Hahamakin ang COI at kahit ano pa mang hadlang Pagmamahal ko sayo masabi ko lamang.
0
Oct 5, 2017
Oct 5, 2017 at 5:40 AM UTC
Pusong Nag-aalangan
Ano ang mas masakit? Makita syang masaya sa piling ng iba o makita siyang umiiyak dahil niloko ng crush niya? Masaya akong Makita kang palaging tumatawa Sa sulok ng office ang ganda mo talaga Ngunit nang lumapit ako bigla kung nadama Sakit ng Makita kong may kasama kang iba Oo nga ang crush mo kasama mo wala nang iba Pinapangarap **** moment ngayon natupad na Alam ko puso moy nagdiriwang tumitibok sa kanya Umiwas, lumiko, makita kayo ay di na kaya pa Ako ay natuwa ng makita kang sa akin papunta Ngunit ngiti ay nawala ng nakitang umiiyak ka Hindi mawari kung ano itong aking nadarama Pagkat makita kang umiiyak ay napakasakit talaga.
0
Oct 5, 2017
Oct 5, 2017 at 3:35 AM UTC
Kaligayahan Mo’y Kalungkutan ko
Hindi mo ba napapansin itong aking lihim na pagtingin, Bakit parang sayo ako’y para lamang isang hangin? Ako ang iyong kasama ba’t sa iba ka nakatingin? Nasasaktan, nagdurogo itong puso't damdamin. Hindi ko man nasabi pero akin namang pinadama, Di mo ba nahalata o sadyang manhid ka lang talaga? Kailan ba magbubukas sa akin ang puso mo sinta? Ganunpaman maghihintay sayo kahit masakit na. Oo napakalaki kong tanga na inibig pa kita Kasi magkaibigan lang tayong dalawa dapat diba? Eh paano ko pipigilan, puso kong ni kupido’y pinana? Ito nga’t nakagawa ng tula, para sayo nagpapamakata.
0
Oct 2, 2017
Oct 2, 2017 at 9:59 PM UTC
Lihim kong Pagtingin