Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mave
Mave
19/F/QC
“Kalawakan , daigdig at ikaw na bituwin” Sa malawak na kalawakan At sa makinang na bituwin Sa nag iisang daigdig Ang mundong ginagalawan natin Nakita kita, kagaya ng mga bituwin Kasabay mo silang nag niningning Sa malawak na kalawakan Sinusubukan kitang abutin Ngunit kagaya ng mga bituwin Napaka layo mo saakin Kaya’t ang aking pag-ibig Ay pagtaw nalang sayong makikislap na ngiti Sa nag iisang daigdig Na pinaiikutan natin Nakagawa ng sariling mundo Na sa panaginip na ikaw ay akin Ang nag iisang daigdig na nawawala Sa aking pagising
0
Mar 12, 2020
Mar 12, 2020 at 10:14 PM UTC
“Sa kalawakan”
Sa mahimbing kong pagtulog Dahil sa puyat at pagod Umidlip at sinarado Sa paligid ko’y hinayaang Saglit ay isarado Sa maingay na paligid Akala ko’y isang panagip Na ang tinig mo na nadirinig Sa mahimbing kong pag tulog Ay gumising Pag tingin ko sa relong aking binabantayan Oras na nga palang pumasok Sa klase kong inaayawan Pag mulat ko at pag tayo Ng maputla kong labi at muka Ariyan ka pala talaga Napaka linaw pa saaking alaala Lagi mo nga pala akong Nakikitang natutulog , sa unang pagkikita Natatawa , humahagikhik Kahit pala tapos na tayo’y Muli , madidinig iyong malambing na tinig Mga alaalang bumalik Sa unang pag uusap Saaking pag-gising Sa pag tulog kong mahimbing Pag gising ko’y kasabay ng pag tumba Pakiramdam ko’y nariyan ka pa Puso kong tulog at natakot ng mahulog pa Muli naka ramdam ng saya Dahil kahit papaano May pakialam ka parin pala sinta “Andyan na prof niyo, kakapasok lang” Mga salitang binanggit **** saglit Gusto kong ngumiti ngunit nahihiya ulit Pero salamat , dahil narinig ko muli iyong tinig Na nag paalala saakin Na bukod sa orasang aking binabantayan Kailangan ko ng pumasok Sa klaseng mag papalimot saakin Ng iyong ala-ala sinta. Muli.
0
Mar 1, 2020
Mar 1, 2020 at 9:27 PM UTC
“Muli”
Mahal ingat ka. ingat ka mahal dahil baka madapa ka sa paulit ulit **** pagtakbo sa aking isipan halos malibot mo na nga ang diwa kong kay sukal na parang kagubatan at sa patuloy **** pagtakbo sa isip, baka hindi ko mamalayan na tanging pangalan mo na lang pala ang aking nasasambitan. ingat ka mahal, lagi kasi akong nag aalala sayo. e hindi naman sa lahat ng pagkakataon nandyan ako sa tabi mo. kung pwede ngang ako na lang ang mag ingat sayo, gagawin ko Mahal na mahal kita, higit pa sa inaakala mo. sabi ko mahal mag-ingat ka, pero hindi mo ginawa nabundol ka tuloy hay nako mahal. Nagpalamig lang naman ako sa tabi upang tiyaking ligtas at hindi magulo ang iyong isipan mahal, kulang ba ang ginawa kong pagpapaalala? hindi ba sapat ang pagpapakita ko sayo at ang pagsinta kaya’t ninais **** umiwas sinta? Ngunit, dahil mahal kita, at ang gusto ko lang ay makita kang maligaya. ingat ka pa rin mahal nag-aalala pa rin kasi ako sayo maghihintay, umaasa sa muling pagbabalik mo mahal pa rin kita, kaya mag ingat ka mahal Dahil sa muling pagbalik mo iingatan na kita lalo At hindi hahayaan na mabundol at masugatan ang mahiwaga **** ikaw. Kaya mahal ingat ka.
0
Feb 27, 2020
Feb 27, 2020 at 5:29 AM UTC
“Mahal Ingat ka”
Para sakanya na hindi nag sawa Para sa isang babae na bigay ng diyos na para saakin ay katumbas ng milyong biyaya Para sa inang  hindi nag sasawang Mag bigay ng pag ibig saamin , kanyang pamilya. Hindi ka nag damot at hindi nag kulang Ibinigay ang lahat kahit minsan ikaw ay mawawalan na Hindi ko man masabi ngunit itoy aking nadarama Ngunit nakikita ko parin ang pag ngiti mo sayong muka Kaya iyong anak ay namamangha May isang ina na “makalas at pamang unawa” Madalas man akoy takot sayo ngunit pinadama **** andyan ka at  tatapik sa balikat ko at sasabihing  “huwag ka ng umiyak anak andito lang kami ng iyong ama” Mapadalas man kitang mapaluha dahil saaking nagagawa ngunit hindi ka nag sawang mahalin ako ng walang pangamba Salamat at andyan ka simula pa nung una. Para sayo na hindi nag sawa , mama mahal na mahal kita.
0
Feb 23, 2020
Feb 23, 2020 at 7:29 PM UTC
“Para sakanya na hindi nagsawa”
Sa malamig na umaga At nag yeyelong gabi Nais ko sanang humigop ng mainit na kape Sa nag babagang tanghali At mainit na hapon Kape namang malamig dulot ng yelo Asukal , gatas o kahit pa barako Nag iiba ang lasa kapag ikaw ang kasama ko Sa malamig na umaga o kahit mainit na hapon Habang nag kukuwento ka kasabay ng pag halo May kasamang saya kapeng  ihaharap mo Kagaya ng buhay natin pareho May matamis , mapakla at kahit pa mapait Basta mula ito sa iyong puso Ay lugod kong tatanggapin Tanggapin mo sana itong kape ng buhay Sapagkat itong ihahandog ay may tunay na timpla May kapaitan mang taglay Hindi mawawalan ng tamis ,  kape ng buhay Kaya sinta , samahan mo ako nawa Sa umaga , tanghali , dapit hapon at gabi Dahil ang kapeng iaalay ay kape ng buhay Na may saya ,  lumbay at sakit Ngunit pinatamis at hinalo Ng tunay na pag-ibig
0
Feb 23, 2020
Feb 23, 2020 at 7:16 PM UTC
“Kape”
Sikretong liham , para sayo ginoo Maaring hindi mabasa ngunit sana’y pahintulutan mo May mga salita lamang na hindi na maririnig ng iyong puso Sa mga nakaraang araw , buwan o taon Ngunit sa pamamagitan nitong tula ko Ay mag silbing liham para sayo Nagagalak ang puso Sa mga ngiti mo Sa bawat pag tawa at pang aasar na pabiro Kung paano mo e kuwento mga plano sa buhay At pagpapakita kung sino ka nga ba talaga ang ginoong nasa harapan ko Nais ko sanang malaman mo Na naging laman ka ng mga panalangin ko Na sa pag pasok mo sa mundo ko Ay mananatili ka na dito Dahil isa ka na ginoo , Sa kumumpleto ng unang taon ko Naiisip ko parin mga tawa at ngiti mo Sa mga birong nag patawa Sa malungkot kong mundo Sayang lamang at hindi ko nasuklian iyon Ngunit sanay ngumiti ka parin Dahil para saakin bagay iyon Sa makulay **** mundo Mga larawang ibinigay Maraming salamat sa puso **** Walang kapantay Sa pag sama sa dahan dahang pag sayaw Habang pag sabay sa iyong mahusay na pag kanta At pag yakap ng mahigpit noong ako’y hinang hina Ginoo , panalangin ko sa taas Na sa pag bangga nating mga landas Ay masaya at naka ngiti ka ng wagas Dahil iyon lamang ang panalangin kong Para sayo ay sana matupad Hanggang sa muli , ginoo Ang liham na sayo’y iaabot Dito na lamang
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 10:55 PM UTC
“Liham”
“Binibini” Para sakanya na nalubhasa Sa pagibig sakanya ay nilathala Tila awit at tula na isinulat sa prosa Nais ng binibini ibahagi sinta Ngunit mas nabighani ka sa babaeng dinaan sa ganda Hindi sa pagibig na kaniyang isinulat pa sa pamamagitan ng kanta at tula Para sa binibining sinugatan ng patalim Hayaan **** humilom ang sakit at pighati Mahalin mo ang sarili at hayaang tahiin ang sugat na malalim kahit na mahapdi Para sa binibini’ Patawarin mo na ang sarili Sa nakaraang tinatakbuhan mo lagi Para sa binibining napaka ganda ng ngiti Hayaan **** yakapin ka ng ginoong binigay sayo ang tala at langit At ang halaga na sayo ipinagkait Ang tunay na ginoo ay darating Katulad ng sinta ni maria clara’y makakamit Hayaan mo na sila at pusoy patahanin Isara ang mga mata sa mga taong Hindi kayang manindigan sakanilang salitang tila isang papel na punit punit Binibini ikaw nay magpahinga Hayaan **** maramdaman ang pagiging prinsesa Dahil hindi ka sundalo upang ipag laban Ang isang duwag na ginoo Na nag tatago pa sa saya ng kanyang ina Magpatuloy ka sa kanta at tula May isang nag bubukod tanging ginoo ang sisilip sayong halaga Makakakita at dinig sa ritmo ng kantang tinutugtog at inaawit ng may magandang himig at tugma At siya ang mag sisilbing gamot Sa mahapding sugat na dulot ng maling pag ibig na ibinigay ng ginoong hanggang salita Ginoo ni maria clara , ikaw sanay bumalik. Nakalimutan ka na ng kabataan ginagalawan Ng hinirasiyong mapang akit Ang mga maria clara ngayon Ay umiiyak dahil sa paglisan ng ginoong Tunay , at siyang nag iisang nagpaka lalaki sa mundong puno ng batang pag iisip.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 12:43 AM UTC
“Binibini”

Continue reading...
37
Sa tulang lalagyan ko ng sukat at tugma Sa bagong kabanata ng buhay na ilalathala Sa bagong librong babasahin at maaring isantabi ng iba Hayaan sanang ang tulang ito ang mag kuwento Kung paano ang ikaw at ako ay magkakaroon ng bago at unang pahina Maaring tawanan at magduda Dahil ang babaeng nag sulat nitong tula Ay nasaktan na Hayaang ihayag kahit bahagya Na ang salitang minahal at mahal kita Ay hindi salita ng isang bata Ngunit ipinapahayag sayo ginoo ng isang dalaga Sa bagong kuwento na sisimulan niya Humiling sa tala na ito na ang huling pahina Gusto na niyang tuldukan ang mga tauhan sa bawat kabanata Dahil ikaw na ang pinili sa huling librong susulatin niya Kaya ginoo, mahalin mo sana siya Kahit isa siyang prinsesang sinubok ng panahon at tadhana Sa Pag agos ng alon Hayaan **** sumabay ka sa indayog Dahil sa ginoong nag babasa ng tulang isinulat ko gamit ang buong puso Mamahalin kita nasa bangka ka man o naka lubog sa tubig ng panahon Isang metapora na ang ibigsabihin ay “Nasa baba ka man o taas mamahalin ka at hindi iiwan kahit kalaban ko man ang malupit na tadhana at panahon” -kabanata
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 11:56 PM UTC
Kabanata