Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
LAtotheZ
LAtotheZ
Manila Filipino / LA-to-the-Z
Ang pagtulog katunog ng pagsubok. Ang pagmulat ay pag-unat ng kamay abot ang ulap.
0
Aug 8, 2017
Aug 8, 2017 at 7:46 PM UTC
Tulog at Pagmulat
Palaisipan ang pagpili ng regalo para sa taong minamahal Syempre hindi pwedeng pandesal... pero di rin naman importante kung mahal Gusto ko sana yung personal, yun sa lungkot tagapagtanggal Para sa katulad **** espesyal, sana sa puso at isip mo magtatagal Syempre hanggat maari kasing bisa ng dasal, yung kasing saya gaya ng mga ikakasal Yung tipong pag-abot ko pa lang sayo, yung ngiti mo mula U.P hangang La Salle Maligayang kaarawan!! Dapat ngayon puro saya lang Kasi araw mo ito.. sayo lang.. walang pwedeng humadlang Hayaan **** mabahiran ng tsokolate ang iyong matamis na ngiti Kasi yung nagiisa **** TSOKOLATE.. wala ng sino man makakabili Written: 01/08/2011
0
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 4:31 AM UTC
Kaarawan
Papaano nga ba maging isang mabuting ama? Pasan ang pamilya sa likod habang nakatayo sa sariling paa Naghahanapbuhay habang nakabantay sa kanila ang isang mata Di alintana ang pagod, hangad lamang paibig maipadama Maginoong lalake at may takot sa Diyos Mapagbiro, palangiti, malambing sa bawat haplos Masayahing ama kaya mas maigi ang tawanan Patunay lamang na ikaw ang haligi ng tahanan Ikaw ang ulap na tatangay kapag nabitin ang hagdanan Sa mga anak nag-gabay sa mga napili na larangan Sa kabiyak na nagpatunay na pag-ibig walang hangganan Simpleng buhay na may pag-asa, magkakapiling, nagmamahalan Written: 01/27/2010
0
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 3:34 AM UTC
Ama
How many more months? How many more years? How may more smiles? How many more tears? How may more trust? How many more fear? I just care about us My vision is clear No matter how many No matter how more I'll count to infinity Four billion months times four Faith stronger times four Love please take me I'm yours No end coz each day we begin Just another story to rhyme on many and more means that we will stick together there will be you and me, "US" forever that's all nothing less. many hearts more love.. Written: 05/17/2011
0
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 1:25 AM UTC
How many more?
Dilaw na sinag ang bumungad sa aking kamalayan Habang sumasayaw ang ulap sa bintana Umaawit ang electric fan kasabay ng mga mumunting ingay sa labas ng kwarto Kailngan maghanda dahil ngayon ay mas espesyal pa sa nagbabagang balita sa radyo. Almusal ligo toothbrush bihis na daig pa ang artista sa telebisyon Beso beso, kamayan, tawanan, yakapan, galak, sa mga taong namiss mo noon Preparado ang lahat, nakisama ang panahon Kakausapin ko si Ama na may buong buong desisyon Naguumapaw sa saya na may kasamang kaba Asan na pala sila? Anong oras na ba? Hanggang sa nagsimulang umawit ang mga anghel Isa isang lumakad ang saksi na may kanya kanyang papel Hakbang pakaliwa, hakbang pakanan, onti na lang malapit na Hanggang sa matunton ko ang harapan, naku eto na, kumapit ka Tila nanahimik ang paligid, nakatuon lahat sa nagiisang pintuan Hanggang sa bumukas at lumantad ang nagiisang kasagutan Liwanag. Oo sya ang aking liwanag. Dahan dahan papalapit, upang akoy mapanatag Kislap ang nangingibabaw sa buong kaharian Untiunting pagpatak ng luha sa galak namasdan Napakagandang nilalang, ang nagiisang dahilan Kung may araw sa umaga, sa gabi sya ang buwan Pagkahawak ko sa kamay sabay hinagkan Ngayon naririto kana hindi kana papakawalan Susumpa na animoy umaawit sa pinakamasayang pagkakataon Pagkakataon na tila munting bata na naglalaro sa papalakas na ambon Anong oras na? Alam kong alam mo na Kung paglagay sa tahimik ang tawag dun, ang sagot isigaw mo na Dahil bukas ay di na ko mangangarap pa Bagkus ang bawat bukas ang hanganan para mahalin kita Oras na ang nagbilang para mahanap natin ang isat-isa At kung nagsimula man ang bilang sa isa, magtatapos ang lahat sa labi-ng-dalawa Written: 08/01/2014
0
Aug 3, 2017
Aug 3, 2017 at 8:30 PM UTC
Anong oras na?

Continue reading...
33