Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
HAN1004
HAN1004
Bearing my pains with poems. / I also have my poems at my IG @manunulat_han
;; ikaw ang paburitong kanta na inaabangan ko palaging tumugtog sa radyo. ikaw ang larong pipiliin kong maging taya ulit. ikaw ang pelikulang uumpisahan kong muli, kahit na lumuha pa. ikaw pait na nais kong malasan pa rin. ikaw ang sakit na hahayaan kong madama ulit, at ikaw rin ang pag-ibig na patuloy sa akin na ipinagkakait.
0
Jan 14, 2021
Jan 14, 2021 at 5:27 PM UTC
ikaw, na pinagkakait
—at sa iyong hindi inaasahang pagdating, at sa pagkislap muli ng mga mata tulad ng bitwin— ay marahan mo akong hinagkan ang mga mahigpit **** bisig ang nagsasabi ng iyong pag-ibig— na hindi mabigkas ng iyong bibig. sapat na ang katahimikan na bumabalot sa ating dalawa— para marinig ko ang bulong ng pusong nagmamakaawa. sapat, at sobra sobra ang liwanag ng mga—bitwin at buwan para sa atin. ang musika na nililikha ng iyong paghinga— ay napapaindak ang puso kong pagod na. sa dagat ng mapaglinlang na mga ngiti— ay natagpuan mo ang nangungulila kong labi. at sa bawat pag dampi nito sa'yong noo'y— kusang namumula. tulad nang minsanang pagtatagpo araw— at buwan. wala, wala, at walang makakapigil nang pag-agos ko sayo, at hindi na hahayan na ang mga paru-paro— ay muli pang humayo.
0
Jan 13, 2021
Jan 13, 2021 at 12:32 PM UTC
hindi inaasahang pagdating
HANGIN Ika'y aking iibigin Hanggang ako'y iyong lisanin. Yan ang pangko sa pag-iibigan natin. Ngayon dumating na ang oras na akoy iyong lilisanin. Mahal, isa lamang ang aking bilin Mahalin ka sana nya, higit ng pagmamahal ko. Mahal, alam mo walang paraan upang ikay limutin. Walang manggagamot ang kayang gumamot sa pusong nagdudurugo sa yamot. Mahal, mamahalin kita hanggang ako'y iyong lisanin Yan ang pangako natin. Pero ngayong ikay lumisan na akala ko mawawala na.. Pero nandito pa. Pagibig na alay sayo. Mahal hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na. Hindi na ako makahinga dahil puro letra ng ngalan mo ang aking nahihinga. Mahal ang sakit sakit na.. Namakita kang may kasama ibang. Mahal, naalala mo pa ba, Yung sinabi kong ako'y may asthma? Mahal hindi ko na kaya.. Para kang hangin na punong puno ng polusyon nagnasasanhi ng hirap ko sa paghinga, ngayon. Ngayon! Mahal, masakit na ang bawat paghinga.. Kaya, bibitiwan na kita.
0
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:32 PM UTC
Hangin
Kamusta kana? Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala. Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata Nuong ako'y iniwan **** nag-iisa. Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama. Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina. Akala ko dati ay di ko makakaya, ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka. Mahirap sa umipsa, Pero nakaya Mahirap sa umpisa, oo Parang nilibing at hinampas ng troso. Ako'y litong lito hindi alam kung bakit ganito Kung bat nilisan mo... "Sana pala pinigilan kita para ngayon para ika'y kasama parin at nasa tabi ko padin." Yan ang aking hiling sa unang linggong ika'y hindi kapiling. Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin. Mahal wag mag-alala kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka. Mas malakas na ako kaysa sa dating nakilala mo. Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa Mas kaya ko na. Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko "paano kaya ikaw parin ay nandito?" "Magiging kompleto kaya ang araw ko?" Pero ang sagot ng isip at puso "Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan. Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan. Naging makata ka paminsan minsan." Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman. Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan, "Huwag **** pabayaan ang iyong kalusugan" Aking huling habilin bago ka lumisan. Tinanong ko parin ang aking sarili minsan, "Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?" Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan. Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking  na lamang dinagdag sa tulaan. Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito. Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo Ang pagdurusang pinagdaanan ko nang mawala ka sa piling ko. Ang mga pangakong binitawan mo para bang naglaho Pero kahit masakit ang ginawa mo Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo. Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal. Sadyang ikaw lamang ay minahal kahit na isang malaking sampal na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan. At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan. Sana'y iyong malaman, na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan. Sana rin iyong malaman, ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
0
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:31 PM UTC
ADRIAN

Continue reading...
65
Nakikinig pero hindi nauintindihan ang nga salitang iyong binibitawan na ako'y iyo nang iiwan. At ang puso ay naguguluhan kung saan ako nagkulang. Nakikita ngunit nagbubulagan na ikaw na ay lilisan. Naglakad palayo sa aking kinatatayuan ngunit ayokong malaman ako'y iyong tinalikuran at di na lumingon pa kailanman.   -HAN
0
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:30 PM UTC
Hindi ko alam
"Posible ba? Posible bang makalimutan ang iyong ngalan? Kahit na hanggang ngayon ikaw pa rin ang naalala pag nakatitig sa buwan Posible ba? Posible bang tumibok pa rin ang puso pag nakita ulit ang iyong larawan kahit  ilang buwan kitang hindi nasisilayan? Posible pa na mag karoon ng ngiti sa aking mga labi at mga problema'y mapawi dahil nasilayan kitang muli. Posible bang mahal mo pa rin ako? Kahit nasaktan ko ang tulad mo? Posible ba ang lahat ng ito? O guni-guni ko na naman ito. Posible bang malimutan ang iyong ngalan kung ikaw palagi ang nasa isipan. Posible bang hindi na tumibok ang aking puso para sayo kung ikaw lang laging sinisigaw nito? Posible bang hindi ako mapangiti pag nasisilayan ko ang iyong mga labi? Posible bang mahal mo pa rin ako kahit may kasama ka ng iba. Posible bang malimutan mo na ang aking ngalan dahil sa kanya  na ang iyong natatandaan at sya na rin ang iyong kasama upang titigan ang buwan. Posible bang mahal mo pa rin ako kahit sya na ang sanhi ng ngiti sa iyong mga labi. Posible ba? Posible bang mahal mo pa rin ako. Baka may konting puwang pa riyan na pinagkukublian ang aking ngalan. Dahil yung sa akin. Ikaw ang parin ang buong nilalaman." -HAN
0
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:28 PM UTC
Posible ba?
Isang laban na parang sa Mactan. Hahayan kahit na ako'y masugatan Wag mo lamang akong iwan. Handa makipapatayan Sa kanya na aking naging kaagaw. Ngunit anong magagawa kung sya na ang sinisigaw Nasasaktan sa tuwing nakikita kayong hawak kamay. Ilang siglo na ang ating nilakbay. Ngunit heto ka, malapit ng bumitaw Talunan matapos ang labanan. Bawat ngiti **** kasama sya nagsasanhi ng sugat sa aking katawan. Nanghihina, kaya hahayaan ng manalo at hayaang mga luha ay lumitaw. Uuwing luhaan, Hahayaang kainin ng kalungkutan Dahil wala ka na sa aking kaharian. -HAN
0
Jan 24, 2018
Jan 24, 2018 at 9:40 AM UTC
Gera sa Puso Mo
Ilang taon man ang lumipas at bumalik man tulad ng bukas Parang ganon parin at tila ba'y di kumukupas Kung paano kita unang nakita't nasilayan. Ganon parin ang aking nararamdaman at hindi nauubos tulad ng tubig sa karagatan. -HAN
0
Jan 9, 2018
Jan 9, 2018 at 5:54 AM UTC
Karagatan
HANGIN Ika'y aking iibigin Hanggang ako'y iyong lisanin. Yan ang pangko sa pag-iibigan natin. Ngayon dumating na ang oras na akoy iyong lilisanin. Mahal, isa lamang ang aking bilin Mahalin ka sana nya, higit ng pagmamahal ko. Mahal, alam mo walang paraan upang ikay limutin. Walang manggagamot ang kayang gumamot sa pusong nagdudurugo sa yamot. Mahal, mamahalin kita hanggang ako'y iyong lisanin Yan ang pangako natin. Pero ngayong ikay lumisan na akala ko mawawala na.. Pero nandito pa. Pagibig na alay sayo. Mahal hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na. Hindi na ako makahinga dahil puro letra ng ngalan mo ang aking nahihinga. Mahal ang sakit sakit na.. Namakita kang may kasama ibang. Mahal, naalala mo pa ba, Yung sinabi kong ako'y may asthma? Mahal hindi ko na kaya.. Para kang hangin na punong puno ng polusyon nagnasasanhi ng hirap ko sa paghinga, ngayon. Ngayon! Mahal, masakit na ang bawat paghinga.. Kaya, bibitiwan na kita.
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 5:17 AM UTC
Hangin
"Mahal na mahal kita" yan ang sabi mo ng minsang yakap mo ako. Ako'y ngingiti ng malaki higit pa sa buwang naka ukit sa gabi. Pero bat ganito ang nararamdaman ko? May halong takot at pangamba. Oo mahal kita, mahal na makal kita. Ang kinakatakot ko ay ako ay masaya, ngunit baka ako'y iwan mo rin at hayaang lumuha mag-isa. Natatakot ako na tuwing tinititigan kita na bukas ay wala ka na o baka, baka may mahal ka ng iba. Natatakot ako. Bakit ganito? Pagmamahal na napalitan ng pangamba. Pagmamahal na napalitan ng luha galing sa aking mga mata. na sa tuwing yakap kita, ako'y nangangamba. Ayoko na... Gusto kitang yakapin at sabihing--- "Mahal wag mo akong iwan" Ngunit sasabihin mo "Mahal, ano nanaman ba yan?" Akala mo biro-biruan lang ang pag sabi ko nyan, pero isang matinik na takot ang nararamdaman. Na sa tuwing aalis ka baka hindi na bumalik pa. Na sa tuwing hindi mo pag-yakap sa akin sa gabi ako'y nag-aalala sa lipi. Na sa tuwing paghalik mo sa aking labi baka... baka unti-unti mo nang nararamdaman ang pighati. Mahal, pasensya na kung ganito ang aking nadarama sa pang araw araw na kasama ka. Mahal hindi ko rin alam kung bat ganto ang nadarama. Kaya siguro... ika'y pinapalaya ko na. Mahal na mahal kita... Na kaya kitang palayain at ika'y maging masaya. Hindi dahil sa may mahal ng iba. Kundi ako'y na tatakot na. Hindi ko alam ngunit sa tuwing kapiling ka, ako'y hindi makahinga. Puro pag-aalala ang nadarama. Daladala sa mga minutong kasama ka sa gabing malamig, sa mga tanghaling mainit. sa muling pag-luhat pag-iyak. Sa pananabik sa iyong mga halik. Ito lang ang kaya kong gawin para sayo't sa akin. Ang hayaan kang maging masaya kapiling ang iba. Dahil aking nadarama may mas mahigit pa. Sa kaya kong alay sayo at ibigay sa pusong na nanamlay at nadudurog na kasing liit ng palay At ang tanging kayang sabihin sa mga bagay na aking nagawang kamalia'y Mayala ka na aking mahal, Tandaan mo, ika'y aking mahal na mahal higit pa sa aking buhay.
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 5:13 AM UTC
Mahal na Mahal Kita

53