Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
DyLein
17/F/Quezon city I can do all things through Christ who gives me strength
Sa una hindi magkakilala Na para bang sanggol na walang alam sa isat-isa. Nahulog ang damdamin na parang patak ng isang luha. Sina lubong ang umaga na magkasama. Ngayo'y Pinapanatili namin ang init sa isat-isa inaalala ang sumpaan at ang pangakong aming binitawan. Dumaan man ang Dilim hawak kamay sasalubungin ang umaga na kung saan kami nagumpisa... -ClN #Poetry
0
Jun 1, 2017
Jun 1, 2017 at 2:32 AM UTC
Kami
Maganda ka oo maganda ka Ang ganda mo parang bituin sa madilim na langit , Na natakpan ng ulap na tila ba’y hindi Mahagip Ngunit kapag ang ulap ay unti unting umalis, Para kang bituin sa sobrang ganda ikay’ nagniningning. Maganda ka.. katulad ng isang bituin sa langit Wag kang maignggit sa iba dahil ang ganda mo Hindi tulad ng iba ,Dahil para sakin ikaw ay kakaiba. Hindi ka man kaputian hindi man makinis tulad nila. Wag kang mainggit sakanila… Ang puso mo’y Puno ng Hiya takot sa sasabihin ng iba Laging humaharap sa salamin tila sinasabi sana ako nalang sya Wag **** padudahan ang sariling **** kagandahan. Mahalin mo ang iyong sarili dahil iyon walang katumbas sa tunay na kagandahan. Dahil meron kang mabuting kalooban Alagaan mo ang iyong sarili Ngumiti ka dahil deserve **** maging masaya ipakita mo ang ang maganda **** ngiti at mala siopao **** pisngi. Ngayon haharap ka sa salamin at sasabihing MAGANDA KA OO MAGANDA KA DAHIL GAWA NG DIYOS AT WAG KANANG MAINGGIT SA IBA. Isang malayang tula..  -CLN
0
May 31, 2017
May 31, 2017 at 6:45 AM UTC
Maganda Ka
Hindi ko inasahan Na ako'y mahuhulog sayo, Na dati wala akong pake sayo Na dati hindi kita gusto. Kumbaga ako ang umaga at ikaw ang gabi Na kahit kailan hindi pwedeng mapag isa, pero nagkamali ako. Pinilit kong hindi mahulog sayo sa takot na hindi mo pagsalo, Pinigilan ko ang nararmadaman ko na akala ko'y may ibang nagmamahal sayo, Na akala ko'y may iba kang gusto. Pero ikaw na mismo nagbigay ng motibo nung araw na inamin mo ang nararamdaman mo. Nung inamin mo na ako'y mahal mo bumilis tibok ng puso ko nung sinabi mo, ang salitang iyon. Tumahimik ang paligid na tanging tibok ng puso ang aking naririnig. Ang paglapat ng iyong labi tila ba'y ang mundo ay sanadaling tumigil. Hindi ako makahinga na para bang nawalan ng hangin ang paligid. Ang aking bibig parang napipi dahil niisang salita hindi masabi, Ang aking mata sayo'y nakatitig Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi na dahilan ng iyong pagngiti. Na ngayon ikaw ang alon na sumasalubong saaking mga paa, ikaw ang araw sa aking umaga ikaw ang buwan sa aking gabi, ikaw dahilan ng pagngiti. Ang takot napalitan ng pagasa ang lungkot napalitan ng saya, hindi inaasahan na ako'y mas mahulog na pala, at sinabi din ang salitang MAHAL DIN KITA.
0
May 31, 2017
May 31, 2017 at 6:38 AM UTC
Ako'y nahulog sayo