mananatiling takam
sa'yong yakap at halik
paano kung pagtingin ko
sa'yo ay hindi mo ibalik?
puno man ng kaba ang dibdib
pipilitin ko parin na pumanik
sa hagdanan ng puso mo
na puno ng bubog at tinik
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 6:38 PM UTC
mga halik mo'y lasang nikotina
na nakasanayan ko'ng matikman sa tuwina
kaya nang iniwan mo ko'ng mag-isa, aking sinta
sa paninigarilyo'y nagsimula akong mahalina
Oct 25, 2019
Oct 25, 2019 at 7:25 PM UTC
nalulungkot ako
kapag nakikita ka na masaya
oo, sa tuwing maligaya ka
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
sa piling ng iba....
Oct 5, 2019
Oct 5, 2019 at 8:07 PM UTC
Mahal ko ang Pilipinas
pero hindi ng walang kapintasan
Mahal ko sya kahit
traffic ay di nababawasan
Mahal ko sya kahit
talamak pa rin ang kahirapan
At patuloy kong mamahalin
Pagkat siya ang bayan ko
na sinilangan
Kahit problema nya sa droga
ay hindi nalulunasan
Kahit mga teritoryo pa nya
ay unti-unti nang nababawasan
Kahit mas marami pa sa tama
ang mali sa aking bayan
Mahal pa rin kita, Pilipinas
Hinding-hindi kita iiwan
Sep 15, 2019
Sep 15, 2019 at 3:09 AM UTC
Kung may bayad lang ang bawat pag-silay sa'yo
Malaki na siguro ang aking
pagkakautang
Pag-ibig ko'y parang bangkay sa karagatan
Hindi maitatago
pagkat kusang lumulutang
Nahulog na ang loob ko sa'yo
Wala ng matatakasan na lagusan
Humihingi ng pag-ibig mo
Wag sana akong mapagdamutan
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 4:25 PM UTC
Wala akong pera pang-cab
Kaya mas prefer ko mag-jeepney
Ikaw ang hihilingin
Kung sakaling makatagpo ng genie
Lagi kang nasa ulo ko
Parang paborito ko'ng suoting beanie
Mahal kita Sheki
Kahit na size mo ay mini
Sep 11, 2019
Sep 11, 2019 at 9:53 PM UTC
Hipokritong maituturing
Kapag sinabi kong hindi kita pinagpapantasyahan
Di man aminin
Pero alam sa sariling
Gusto ang mga labi mo'y mahagkan
At ang katawan mo'y matikman
Sabihin man nilang
Ito ay libog lang naman
Pero sino ba'ng tao na hindi buang?
Ang hindi maaakit sa tulad mo na magandang nilalang
Sep 11, 2019
Sep 11, 2019 at 8:27 PM UTC
