Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
AndieBonifacio
AndieBonifacio
19 hi, do u know how it feels to leave while u still in love? / / georgeandres.wordpress.com
it's been the height and never the length that sets what seems apart i have not rejoiced for a long time and amidst the laughter were tears i have not written what the stars would have wanted for touching the gods' plans by you, a mere mortal amounts to a undescribable agony of death and longing for death of pain and and longing for death
0
Oct 25, 2018
Oct 25, 2018 at 11:36 AM UTC
agony of death
i feel stuck
0
Sep 13, 2018
Sep 13, 2018 at 10:19 PM UTC
Untitled
sumulat ako ng elehiya ginamit ko lahat ng palasak na salita ninais ko ang naunsiyaming kapayapaan: yaong hindi bayolente't nababahiran ng dugo't karahasan mayroon pa naman sigurong mas malinis na paraan, 'yun, 'y-'yun bang legal at dinaraan sa reporma 'yaong tulad ng kay rizal! tama! yaong may diplomasya tumigil ako pansamantala upang bumuklat ng pahina napakarami nang rebolusyong hindi tulad ng inihahatag nila, katulad ng, ah! katulad ng EDSA! nauhaw ako at tumigil pansamantala habang sa lamig ng aking kwarto'y rinig malakas na buhos ng galit ng araw mabuti't nang buksan ko ang mga kurtina, payapang nagwawalis sa bakuran ang kapitbahay may nagpapaligo ng aso't magagarang sasakyan ipinagpasalamat ko ang bubong sa king ulunan. ah, payapa. hindi rinig sa balita ang pandarahas ng militar sa kanayunan ngunit batid ng karamihan, at ang solusyon ika nila ay armadong pakikibaka nanlamig ako at namutla, binaybay ko ang mga taong nakalipas bago ko marinig ang pangangalampag sa aming pintuan pilit kaming inaakusahan, walang dokumento o anumang ebidensya at dumaan ang mga imahe ng militar sa kanayunan: ang daan-daang pamamaslang habang walang kalaban-laban sa huli, wala akong armas na nilundayan sa aking mga huling sandali, para sa sarili ko lamang, sumulat ako ng elehiya
0
Sep 2, 2018
Sep 2, 2018 at 1:07 AM UTC
sumulat ako ng elehiya
is this still even real? i don't even know why i'm tangled in here
0
Aug 25, 2018
Aug 25, 2018 at 12:21 AM UTC
Untitled
papaano kung talagang ayaw ko na? bibitaw ka ba?
0
Aug 25, 2018
Aug 25, 2018 at 12:01 AM UTC
Untitled
kinaya ko namang wala ka.
0
Aug 24, 2018
Aug 24, 2018 at 11:59 PM UTC
Untitled
walang bago sa naimbak na lumot sa butas na alulod tiyak ang emosyon mata'y napupusyaw pipikit saglit lalamunin ng tugtog ang bagyo tahimik sa gitna nakamamatay sa paligid at hindi mo iyon batid walang bahid ng luha walang pantay ang kulay o paa sa pagkabalisa magkapatong ang binti sa ginaw walang tunog ang hudyat hindi mulat ang bantay walang tabing sa hangin walang pader sa habagat o bundok sa baha walang ulila o buhos na tila inipong ragasa pagtitimpi lumot na naimbak lumikha ng buhay ulan
0
Jul 18, 2018
Jul 18, 2018 at 7:21 AM UTC
ulan
maybe what i miss most was the conversations. it was way too different from all who went and all those going on. maybe i was naked from the start, and you didn't have to strip me out. maybe that was my fondest idea of making love: hearing about your stories, what made you vulnerable, EVERYTHING. but there are things that wouldn't match however we try. i want you here, but you have to fulfill your dreams and destiny. i wanted to wait but you were steadfast with staying. i'd like to think that you have more to your mind than what you really show rn. i wish i could wander through those.
0
Jul 11, 2018
Jul 11, 2018 at 12:14 AM UTC
Untitled
mabuti pa rin ang bawat umaga sapagkat naroro'n ka sumusulyap kung manunuya ang kadiliman ng langit ngunit salamat sa liwanag batid **** sa pag-ibig ko sa bayan ay palaging kasunod ka ang mapagpalaya **** tinig sa gitna ng mga sigaw taas kamaong kumakapit sa apoy ng rebolusyon naririto pa rin ako lumiko man ang daan mananatili sa pagkaway ng bukang liwayway at kung sa panahong hindi ko na makapa ang taling nag-uugpong sa ating dalawa lumingon ka lamang pabalik sa sining at pluma tambisan mo ng liyab ang mga salitang magmamarka saliwan mo ng musika ang dalit ng maralita lilingon muli ako aking sinta, at doon ay makikilala kita.
0
Jul 1, 2018
Jul 1, 2018 at 6:01 AM UTC
ang babaeng militante
you were never kind to me it's like i always have to follow you aimlessly and i wish in another universe, i never had to: one where you no longer exist unlike here in this timeline where i ask for death and you give me life when i ask for peace and you provide a bridge you were never kind to me and just like hope, i wish there was enough of you when i needed you most please don't run away when i'm inches towards my dreams i never wanted to chase you but you always move farther until my hands trembles and seeks more of you i can't turn you back nor expect you to be what you weren't today time bedtime musings, part II.
0
Jun 26, 2018
Jun 26, 2018 at 5:29 AM UTC
time